MBMMS 60 [Reality 2]

38 8 0
                                    


Reality~

Leneyfia's Pov.

" Lene... " Nagising ako ng may biglang yumugyog saakin. Inalis ko ang kumot at tumambad saakin ang mukha ni tita, mommy ni Dechaves. Agad akong napa-bangon at hinanap agad ng mata ko si Dechaves ngunit hindi ko siya nakita. " Na sa hospital si Brylle, doon siya nag pa-palipas ng araw para bantayan ang kaibigan niya. " Bigla akong nang-hina, ang bait naman ni Dechaves kaya hindi talaga ako naniniwala sakaniya, pero may maliit na parte sa nararamdaman ko ang galit sakaniya, pero wala lang 'yun, tampo lang 'yun.

" Sila mom and dad po? " Tanong ko dito at tumayo naman siya at kinuha ang suklay ko at nabigla ako ng bigla niya akong suklayan, nag mu-mukha tuloy akong bata ngayon.

" Kaya nga ako nandito para sunduin ka na eh, nauna na ang mommy at daddy mo sa school at kani-kanina lang ay ibinalita saakin na nahuli na daw nila 'yung gumawa sainyo nito. " Siya at biglang bumilis ang tibok ng puso ko. " Kelangan ka daw doon, ihatid ka daw namin, pupunta lang din naman kami don. " Sabi niya at umupo sa harap ko. " Lene, kung ano man malaman mo, wag ka pa-padala sa galit ha? Ayaw ni Brylle na masama ka sa gulo. " Nanlaki ng bahagya ang mata ko sa narinig ko at bahagya akong natigil. " Shhh. Mag ayos ka na, nag luto ako ng breakfast mo dahil hindi ka na napag lutuan ng mommy mo dahil sa pag ma-madali kanina. Hintayin ka namin sa baba. " Tumango nalang ako bago pumunta ng banyo.

Minsan talaga may pag ka-tanga si Dechaves.

**

Maya maya ay bumaba na din ako at kumain na kami nila tita, si tito ay nauna na daw kasama sila dad, sayang nga wala din si Dechaves. Pag katapos namin kumain ay dumiretso kami ng dean's office at biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko ang mga lalaking sumugod saakin na nandoon, kasama nila ang mga parents nila at mukhang napag desisyunan na ni Dad na ipa-expell 'tong mga 'to.

Umupo ako sa tabi nila mom and dad.

" This is my daughter. " Pansin kong pare-pareho silang nagulat. " Be thankful na walang nangyaring masama sakaniya, kundi, hindi lang expulsion i-fa-file namin sainyo, you all are in a legal age at pwede na kayong makulong sa ginawa niyo. Ang desisyon ay na kila Mr. and Mrs. Gardemn. The condition of their son is very serious and you can't do anything kapag sila na ang nag desisyong kasuhan ang anak niyo. " Si Dad, at ngayon ko lang na pansing nandito pala sila Mr and Mrs. Gardemn at katabi niya sila tita at tito at  pansin ko din na may katabi si Dean, dalawang matanda at mukhang mag asawa din, 'yung babae masyadong thick 'yung lipstick at ang taray ng tingin.

" Pag may nangyareng masama sa anak namin, I will not hesitate to file a case against your sons. " Na pabuntong hininga ako ng sabihin iyon ni Mr. Gardemn.

" T-teka s-sir. Bakit kami lang? Bakit hindi 'yung nag utos saamin? " Biglang bumilis ang tibok ng puso ng may biglang sumabat, agad akong napa-tingin dito. Pansin ko din na medyo nagulat 'yung babaeng katabi ni dean.

" Who ordered you to do this? " Naka-pangalumbabang tanong ni Dean.

" Si M-Megan... I-inutusan niya lang kami na s-saktan ang anak ng mga Sanchez a-at biglang humarang ang anak nila M-mr. Gardemn k-kaya nadamay s-siya..." My eyes widened as I heard Megan's name.

" M-Meganeriah?!! " Gulat na tanong ko dito at tumango naman 'to. Gulat naman na napatayo ang mag asawang katabi ni dean.

" WHAT?! "

Hindi ko alam pero bigla akong naka-ramdam ng matinding tensyon sa pagitan nila mom, tita at tito at nung mag asawa at kila Mrs. Gardemn. Pero hindi ko 'yun pinansin dahil bigla akong naka-ramdam ng init sa katawan at parang biglang umakyat ang dugo ko papunta sa ulo ko, bigla akong nang hina kasabay ng nararamdaman kong galit.

' I told you don't trust them. '

' Lene, kung ano man malaman mo, wag ka pa-padala sa galit ha? Ayaw ni Brylle na masama ka sa gulo.'

' H-hayaan mo muna ako Lene, wag kang la-lapit saakin b-baka m-may mang-- '

' Stop! Just leave me. I don't need you.'

Hindi ko na nakaya ang na-mu-muong tensyon sa loob ng dean's office kaya walang alin-langang lumabas ako. Ramdam kong habang huma-hakbang ako ay lalong bumibilis ang tibok ng puso ko, at ang luha ko ay patuloy na umaagos, hindi ko din alam kung saan ako pupunta, sobrang bigat ng pakiramdam ko lalo na't bigla kong na alala ang sinabi saakin ni Dechaves.

Ngayon alam ko na, kuha ko na, kaya pala ayaw na ayaw niya akong palapitin kila Megan, kaya pala after nilang mag usap ni Megan agad niya akong pinalayo sakaniya pero bakit? Arghh nalilito ako, sasabog na ang utak ko sa dami ng tanong na pumapasok sa isipan ko, kelangan ko puntahan si Megan.

Hindi ako maka-paniwala na si Megan ang nag utos nito sakanila.




Misty's Pov.

Tulala ako ngayon at hindi ko nakuhang lumabas ng kwarto kahit kumain man lang, hindi rin maka-pasok si mom and dad dahil ni lock ko ang pinto at sinabi kong hayaan na muna ako.

Bakit ganon, malakas ang kutob ko na si Megan ang may gawa nito? Bakit kelangan umabot ng ganon? Natatakot ako.

Akala ko kaming dalawa ang mag kasundo sa lahat ng kalokohan, sobrang close kami non, ni minsan hindi ko alam na kaya niya 'yun gawin.

Napa-tingin ako sa cellphone ko ng bigla itong tumunog at kita kong may tumatawag.

Jake is calling~

Nagulat ako ng makita ko kung sino ang tumawag at bigla akong nag karoon ng sigla ng makita ko ang pangalan niya, agad ko itong sinagot.

" J-Jake? " Tinakpan ko ang bibig ko dahil naiiyak nanaman ako.

" I know you're crying... Shhh... Let's meet up. " Siya at bigla akong nakalma, agad akong tumayo.

" W-where? "

" At school? " Kumunot ang noo ko at sumunod nalang ako.

~

Pag dating ko don ay agad ko siyang nakita at agad ko siyang niyakap at natuwa ako ng yakapin niya din ako pabalik.

" Jake, please. Patawarin mo na ako." Umiiyak kong sabi. " W-wala akong alam sa nangyare kila Lene, maniwala ka sakin please..." Umalis naman siya sa pag ka-ka-yakap at pinunasan ang mga luha ko.

" Wag kang magalit kay Lene, wala din siyang alam. Alam mo bang dahil sakaniya, naging buo ang desisyon kong balikan ka?" Nagulat ako sa sinabi niya at bigla akong naka-ramdam ng konsensya sa ginawa ko at sa mga inisip kong mali sakaniya, nadala ako kay Megan. " Kaibigan mo ang may gawa ng gulo na nangyare sakanila. " Natigil ako at biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

" S-siya?! " Ewan ko pero bigla akong nakaramdam ng pang hi-hina.

" Kanina ay nabalitaan kong pinatawag ni Dean ang mga gumawa kila Lene non, nakita kong pumunta doon si Lene kaya ako ay nakinig lang sakanila at inamin nung mga sumugod kay Lene na si Megan ang may gawa non. " Lalo akong nanghina sa narinig ko, muntikan na ako matumba buti nalang ay nayakap niya ako.

Bakit hindi ko 'to alam? Dahil alam niya bang pi-pigilan ko siya. Damn Megan.

" K-ka-kausapin ko si M-Megan J-jake, ipapatigil ko na sakaniya 'tong kalokohan niya. " Humihikbi kong sabi.

" Thank you. " Siya at mas hinigpitan ang pag ka-ka-yakap sakin.

Damn I miss this.

To be continued...

Mr. Bitter meets Miss SweetOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz