MBMMS 18 [Care]

53 16 8
                                    


Care~

Vina's Pov.

Nag si-ingayan ang lahat ng maka-alis sila Lene at Brylle. Lahat kami ay nabigla. Lalo na ako. Kita ko kung gaano kabilis naging kalmado ang itsura ni Brylle nung mag usap sila ni Lene. Kita ko din sa itsura ni Brylle kanina ang gulat at pag aalala ng dumapo ng napakalakas ang kamay ni Ada sa mukha ni Lene. Kita ko din kung paano titigan ni Brylle si Ada ng masama ng masampal nito si Lene.

' ayaw niya bang nasasaktan si Lene? Kaya ba hindi niya ito magawang saktan? Pero bakit parang ambilis naman ata mapalapit ni Brylle kay Lene. '

" Love napapansin mo din ba ang napapansin ko sa dalawa? " Tanong ko sa boyfriend ko.

" Oo... Nakakagulat nga. Pa'no nagawa 'yun ni Lene?"

Wala ako masyadong alam tungkol kay Brylle, naririnig rinig ko lang, pero kahit ganon ay naiinis ako sa pag uugaling meron siya, pero nabawasan iyon ng malaman kong hindi niya nagagawang saktan si Lene. Buti naman. Ang gaan ng loob ko kay Lene eh, siguro halos lahat naman kami dito ganon din nararamdaman sakanya, ang bait niya kasi sa totoo lang. Basta nakakagaan siya ng pakiramdam pag nakikita ko siya. Kaya siguro napalapit agad sakanya si Brylle, sa sobrang bigat ba naman ng pakiramdam niya edi pag nakikita o nakakasama niya si Lene, nawawala 'yun.

" Sana mag bago na si Brylle noh?" Sabi ko.

" Oo nga, kaibigan ko hindi magawang makalapit sakanya eh. " Biglang sambit ni Jayver.

(٥↼_↼)

Sinong kaibigan? Kaibigan o kabet punyeta ah.


Brylle's Pov.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayon, nararamdaman ko nanaman 'yung panghihina, pangingilabot at pag kataranta na ewan, ano ba 'to?

Simula ng saluhin ni Sanchez ang sampal na dapat ay saakin, 'di ko alam pero bigla nanaman akong nakaramdam ng pag aalala sakanya that time. Alam kong malakas ang pag kakasampal sakanya dahil sa lakas ng tunog nito. Kaya pag dating namin sa  washing room ay agad kong chineck kung namumula pa ba 'yung pisnge niya. Ewan ko, pero ngayon lang ulit ako naka-ramdam ng pag aalala sa isang babae. Sobrang uminit ang dugo ko sa ginawa ni Ada.

Minsan na papabilib talaga ako sa babaeng 'to kahit ga'no na kasakit nagagawa sakanya, ok lang. Apakabaet. Kala ko nga magagalit siya, pero hindi naman pala. Kakaiba siya sa lahat. Hindi siya maarte ngayon nga panyo niya nalang pinunas saakin, malakas lang talaga siya mang asar at sobrang kulit kaya nakaka-bwiset.

Kanina nga nagawa pa akong asarin eh, pero aaminin ko dahil sa pang aasar niya biglang nabawasan pag ka-badtrip ko. 'Yun nga 'di ko maintindihan sarili ko. Pero hindi talaga maalis 'yung inis ko kay Ada.

(─.─||)

' ba't ba ako nag kakaganito? Sakanya pa talaga? Pero hindi ito pwede. Hinding hindi. Ayokooo. '

Kasi sa una palang talaga ayaw ko na sakanya, ang kulit at sobrang daldal niya tapos lagi siyang ume-epal sa opinyon ko kaya napapahiya ako. Kakainis diba? Pero minsan na kukuha ko punto niya, ah basta!

" Hoy Dechaves pasalamat ka nalang kasi umawat ako kahit masakit, ayaw ko lang mapa-away ka. " Singhal ko sakanya at natahimik ako.

" Tss. Ano bang pake mo kung napaaway ako?" Wala sa sariling tanong ko.

(-_-;)・・・

" Bakit ba lagi mo tinatanong kung ano ba pake ko? Eh sa malapit ako sayo syempre ayaw kong napapa-away ka. Tsaka ano bang pake mo kung may pake ako sayo? Psh. " Ewan ko pero parang biglang lumambot 'yung puso ko sa sinabi niya na siya namang lalong nag pagulo sa isipan ko.

Mr. Bitter meets Miss SweetWhere stories live. Discover now