MBMMS 31[Any Problem?]

50 12 0
                                    

Any problem?~

Leneyfia's Pov .

*Kinabukasan *

Kinakabahan ako sabi ni Prof malapit na daw kami makipag meet sa patients. Nakaka-kaba kasi baka sobrang lala ng mga sitwasyon nila tapos ma-mali ako.

Lunch na namin ngayon kaya gaya ng dati pinauna muna namin 'yung mga kaklase namin bago lumabas.

" Nakaka-miss din 'tong pag sasabay ko sayo. " Sabi ko habang nag lalakad kami papuntang Su Beanery, don kasi gusto nila Jake .

" Tss. A-Alis tas mami-miss din pala. " Bulong niya.

" Aba s-syempre! Sino ba hindi mapapa-iwas non sa mga sinabi mo. " Singhal ko sakanya habang naka-nguso.

" Tss. Akala ko ba hindi ka nasasaktan at nag papa-apekto. Alam mo bang hindi ko inaasahan 'yun ah? Kasi sa dinami dami ko ng nasabi sayo na mas malala pa don, 'yun pa talaga? Don ka pa talaga nasaktan? Sinabi ko 'yun kasi akala ko hindi ka masasaktan. Biro biro ganun. Pero ayos lang, tss. Abnormal ka! " Umirap siya as usual naka pokerface habang naka pamulsang nag lalakad.

" Oo na, ulit ulit. Akala mo lang yun, Dechaves let me tell you, hindi porket nakikita mong matapang 'yung tao at hindi 'to nasasaktan, ok lang sayong sabi-sabihan siya ng masasakit na salita. Walang taong hindi nasasaktan. Ako? May kahinaan din ako. Isa 'yun sa mga nasabi mo. " Seryoso kong sabi at natigil naman siya.

" Oo na ulit ulit ka din, pero alin ba don sa mga sinabi ko at parang ambilis mo naman ata don masaktan." Inirapan ko siya.

" Hindi sa mabilis akong nasaktan don. Sadyang nangyare na 'yun saakin na matagal ko ng kinalimutan, pinaalala mo lang..." ako at hindi siya naka-imik, kitang kita kong bahagyang nanlaki ang mata niya pero agad din 'tong nawala ng makarating kami sa dito sa SU beanery. Sinalubong agad kami nila Austin.

" Leneeeee!!! "

([O__o])

Nabigla ako ng bigla akong yakapin ni Austin at tinapik ang balikat ko saka kumawala sa yakap.

" Ehem... " napa-ubo si Drake.

" Tss. " Si Dechaves saka umupo sa upuan niya.

" Buti sumama ka ulit. I'm glad to see you again. "

" Oo nga Lene. Na miss namin 'yang ingay mo. " Sila saka ako binigyan ng upuan na katabi ni Drake at doon ako pina-upo .

' Buti pa 'to. Si Dechaves kaya, kelan niya 'to gagawin? After 100 years? Psh! '

" Kung maka ganiyan naman kayo parang namatay siya ah." Sama talaga nito.

(٥↼_↼)

Tinignan niya naman ako ng WHY-ME-LOOK.

Tinawag na nila 'yung waitress saka kami nag order.

" Please wait your order ma'am/sir . " Yung waitress saka umalis .

" Musta Lene? Namayat ka ata? Nag lu-lunch ka pa ba? 3 days since 'di ka namin nakakasama. " Si Jake.

" Ahm, oo. Dito ako palagi. Ayos lang 'yun, mas mapayat pa din naman sakin si Dechaves. " Sabi ko at nag tawanan naman sila habang si Dechaves ang sama na ng tingin saakin.

" Here's your order ma'am/sir. " Yung waiter saka inilatag 'yung mga pag kain at umalis.

" Ahm. Thank you nga pala Lene sa advice mo sakin. We're ok now. Nag paalam muna ako sakanya ngayon just to see you. Hindi naman siya nagalit kasi alam niya naman na tropa lang naman tayo." Si Austin habang kumakain.

" Talagaaa? Waaah. Good to hear that. " Uminom ako ng juice.

" Yeah, sayang nga nung isang araw ko pa sana sayo sasabihin but hindi ka naman kasama ni Brylle eh."

" A-ah g-ganun ba? " ako habang ngumunguya.

" Oo---" Si Austin.

" Don't talk to her, just eat. Tsk, bumawi ka ng pag kain. " Saway ni Dechaves sakanila kaya natigil sila.

" Eh namiss namin siya kausap."

" Aside from being a Psychologist, ba't ang galing mong mag advice?"

" Are you insane? Parte 'yan ng pagiging Psychologist Aus, dat magaling ka jan! Tsk." Singit nanaman ni Dechaves pero walang pumansin sakaniya.

" 'Yun ba? Natutunan ko lang 'yan sa sarili ko eh. Marami narin kasi akong napag daanan. Marami na ring problema ang dumating saakin at doon ko 'yan natutunan. " Ngumiti ako pansin kong lahat sila nakatingin saakin pwera lang kay Dechaves.

" Pero bakit? Bakit parang ok ka naman. Masayahin ka tsaka parang hindi ka pa nag kakaroon ng problema? " Si Jake at ngumiti lang ako. I can hide my pain inside my smile.

◉‿◉

" Because aside from gravity, nothing in life can keep me down. " Bumuntong hininga ako.

" Woaah! " nag si ingayan sila.

" Tsk. Pag hinulog ba kita sa pinakamalalim na bangin, hindi ka pa down nun?" Sinamaan ko ng tingin si Dechaves. " Just kidding..."

" Pero bakit hindi mo binago sarili mo? Karamihan kasi saatin kapag may problema bigla nalang nag babago. " si Drake at napansin kong medyo natigil si Dechaves pero agad din iyon nawala.

" May ikwekwento ako sainyo. There was a girl, masayahin siya at sobrang caring niya. But one day, an unexpected day may isang pangyayaring talaga namang nakasakit sa damdamin niya. So naging tahimik siya at nag mukmok. Walang nanjan para sakanya even her families and friends. So she fixed her self instead of changing it. Inisip niya kasing ano naman kung mag babago siya? Mababalik ba 'yung nakaraan? Hindi di'ba? Kaya ibinalik niya ang sarili niya sa dati at ipinakita niya sa lahat na hindi siya nag papa apekto. " Nakangiti kong sabi at nakita kong biglang tumayo si Dechaves at ipinatong 'yung pera niya sa mesa saka walang paalam na umalis.

([O__O])

' anong nangyare don? '

Dali dali akong kumuha ng pambayad ko saka ako nag paalam sakanila at hinabol ko si Dechaves.

" D-dechaves!!! " Pag tatawag ko dito pero hindi siya tumigil at mas binilisan pa ang pag lalakad.

" Ano bang nangyari sayo ? " Tanong ko dito ng tuluyan ko siyang maabutan. " May problema ba? Sabihin mo lang." Napayuko ako. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang tumigil. Pero nung i-angat ko na ang ulo ko nag patuloy na siya sa pag lalakad.

" Jan ka lang muna. Tss! " Natigil ako ng sabihin niya 'yun. Pumasok na siya sa classroom at iniwan ako dito mag isa.

' bakit ba? Ano bang nangyayari sakanya? Hindi siya nag paalam. Iniwan lang ako. Tapos dito lang daw muna ako. Nababaliw na ba siya? Wala naman akong alam na dahilan para mag ganyan siya. '

Sumilip ako sa bintana at nakita ko siyang nakapikit. Mukhang natutulog.

' seriously? Natutulog? '

Pumasok na ako sa room at saka siya pinuntahan. Natutulog nga ang ugok.

' may problema kaya siya? Ano naman kaya 'yun? '

Kausapin ko nga. Hindi niya naman ako maririnig kasi tulog siya hihihi at naka headset.

" Ehem. May problema ka ba Dechaves? Kung meron man bakit hindi mo sabihin? Andito naman ako para tulungan ka, makikinig naman ako sayo, alam mo yan. Alam kong may problema ka kasi naging ganyan na din ako dati pero hindi ako naging bitter. Naging masungit lang ako 'noh. Pero alam mo kung ano ginawa ko? Hindi ko binago sarili ko. Mas lalo ko pang tinapangan. Kasi kung ipapakita ko sakanilang nag papa-apekto ako, mas sa-saya sila. At kung ipapakita kong nag papa-apekto ako? Para ko na rin pinakita sa kanilang duwag ako. Kaya kung ano man 'yan. Sana malampasan mo, alam kong mahirap pero kayanin mo. Stay true to yourself because there are very few people who will always be true to you. " Ngumiti ako. Mukhang hindi niya naman ako narinig dahil hindi naman siya kumibo.



To be continued ..

Mr. Bitter meets Miss SweetDove le storie prendono vita. Scoprilo ora