MBMMS 2 [Meet Drake]

154 29 2
                                    

Meet Drake~

Brylle's Pov .

Madaling lumipas ang oras at lunch time na nga namin, tamang tama gutom na ako eh, di na nga ako masyadong maka concentrate dahil nagugutom na ako plus nakaka agaw pansin 'tong mga mag syo-syotang 'to na nag lalandian kahit nag le-lecture.

Cringe!

Wala eh, kailangan ko mag tiis, 10 months akong mag titiis sa loob ng room na 'to. -__-

Nag pahuli akong lumabas dahil ayoko makipag siksikan sakanila. Nang makalabas na sila ay saka narin ako lumabas ng room. Tinext ko agad si Drake para naman hindi ako mag hintay sa Cafeteria .

To : Drakula ''

Drakula, lunch na namin at alam kong lunch nyo nadin. Punta kayo agad sa cafeteria ayaw kong mag hintay.

' Sent. '

After that I went straight to the cafeteria.

~
Umupo na ako at hinintay si Drake, sya nalang pa o-orderin ko, tinatamad ako tsaka ayaw ko makipag siksikan sa mga studyante. Brrr.

From: Drakula ''

Sige . Otw HAHAH weyt me .

To : Drakula ''

Sige ingat baka masunog balat mo. Just kidding.
Hurry up I don't want to wait.

From : Drakula ''

Urur ! Bala ka jan! Babagalan ko .

' ganyan talaga 'yan , mukhang bakla ! '

Hindi ko na sya nereplyan, isinanday ko nalang ang ulo ko sa bintana at nag muni muni, andaming gumugulo sa isip ko at di ko na maexplain, halos araw araw wala akong maramdaman, lagi akong matamlay, wala sa mood, minsan naman malungkot. Hay! Minsan badtrip dahil sa nakikita ko. I've noticed that I've changed a lot since I were in college, 3 years na akong ganto, dati nakukuha ko pa ngumiti ket papaano ngayon madalang nalang, stupid. Dati halos sumasabay pa ako sa kalokohan nila Drake but now I was so called ' kill joy ' .

" Brylle! Wala kang partner? Hahaha ayan oh, maraming chicks! " Pang aasar saakin nung lalaking binangga ko kanina na kung maglakad parang pagong . Di ko sya nilingon, nakatingin lang ako sa labas.

" I don't need a fucking partner, being alone is better for me. Baka ikaw? You need it? " nakangising sabi ko pero di ako nakatingin sakanya, sa labas parin ako nakatingin hinihintay ko si Drake.

" Oy! Mr. Malas! Hindi 'yan kelangan ni Javer noh! And excuse me meron na siyang girlfriend at ako 'yun. Haha unlike you wala HAHAHA. " Kasama nya pala jowa nya. Huminga ako ng maluwag bago walang emosyon silang pinagmasdan.

' ok, pag awayin ko kaya sila, masaya yun. Ma-try nga. Eto nag papasaya sakin. Gawain ko na talaga ang ganto pag pinagkakaisahan ako. '

" Di mo ba alam? Na yan na tinatawag mong love ay may mahal ng iba? " Pag sisinungaling ko. Wala eh, sinimulan nila ako, pumapatol pa naman ako sa mga pikon.

" O-oy! A-anong pinag sasabi mo ha? " Si javer

" Yung totoo? Meron diba Javer? " Tinaas ko ang dalawa kong kilay habang nakapalumbabang nakatingin sakanila. Huminga ako ng maluwag at sarkastikong ngumiti. " Wag kang mag sisinungaling. Sabi na nga ba eh familiar mukha mo saakin. At ikaw 'yung nakita kong may kasamang ibang babae sa park. At alam kong hindi yon si Vina. " Gusto ko ng matawa sa sarili kong trip kasi kitang kita ko 'yung reaction ni Vina umuusok na yung ilong na napatingin kay Javer.

Mr. Bitter meets Miss SweetWhere stories live. Discover now