MBMMS 25 [Unanswered]

56 17 0
                                    


Unanswered~

Brylle's Pov .

Kanina pa ako napapatitig kay Sanchez at ang tahimik niya, kahit mag participate hindi niya ginagawa, naka-tulala lang siya at parang maraming iniisip.

' Baka iniisip niya 'yung kanina, hays. Kung alam ko lang na ganyan pala siya magalit, mapikon edi sana 'di ko na ginawa. Tama naman si Vina eh, kahit biro lang 'yun dapat 'di ko na ginawa. Tanga mo Brylle. Alam mo 'yung ganyang pakiramdam tapos pinaramdan mo pa sa iba.'

ತ_ʖತ

Eh ba't ba ako nakokonsensya? Bakit hindi nalang ako matuwa? Eh 'diba eto naman 'yung gusto ko? Diba matagal ko na 'to gustong mangyare?

Pero nasasaktan ako dahil nasaktan ko siya...

ಠ︵ಠ

What? May masama ba sa nakokonsensya?

Aishhhh!!!!

Ang sakit pala makita 'yung taong masayahin biglang natahimik. Parang nakikita ko sarili ko sakanya ngayon.

'yung maingay na Sanchez ngayon sobrang tahimik.

Nakakapanibago.

Pero ginusto ko naman 'to diba?

Damn this parang nag aaway ang puso at utak ko?

' minsan kasi wag puro utak ang gamitin mo, minsan gamitin mo naman 'yung puso mo, mukhang matagal ng hindi nagagamit eh.'

Kapag na a-alala ko ang salitang 'yan na binitawan ni Vina, parang may malaking tinik na bumabaon sa puso ko. Gano'n na ba ako ka manhid.

Eh kasi Brylle, sabihin na nating gusto mo lang asarin si Sanchez---- aishhh hindi ako mahilig akuin na mali ako sa isang bagay pero ito? Sige na, I admit mali ko.

Sanchez naman ehh

ಠ ل͟ ಠ

" Ok class, you can take your lunch. " Si Miss saka dirediretsong kaming iniwan.

Napatingin ako kay Sanchez tulala parin sya hanggang ngayon.

Damn I miss her clingy side, I miss her voice. Bakit ba hindi ko siya magawang kausapin? Kung kakausapin ko naman siya iba lumalabas sa bibig ko, 'yun bang parang wala lang sakin na nasasaktan ko siya. Ba't ganto. Hindi ko man lang masabi sakanya na ' sorry biro lang naman eh.'

Aish Brylle manahimik ka nga, walang mawawala sayo kung hindi ka niya kinikibo. Tsk.

' hahayaan ko muna siya, ngayon lang naman ata siya ganyan kasi kanina lang nangyare, fresh pa 'yung mga sinabi ko. Alam ko naman na bukas ok na uli siya, baka nga maingay nanaman 'yan. Alam ko naman kasing kaya niya naman 'yan lampasan. '

Naalala ko tuloy nung marami ako no'n iniisip tapos nahulaan niya agad na may problema ako.

' Hay Dechaves. Kung ano man 'yan na problema mo, malalampasan mo din yan, wag kang papa-apekto jan. Always think positive.  Just pray and let god help you to deal with your problems. Syempre depende pa din 'yan sa gawa mo. '

Tandang tanda ko pa 'yan na sinabi niya saakin na talaga namang nag pagaan ng loob ko.

Ok naman talaga siya kasama eh, kaya lang ayaw ko talaga sa makukulit tapos epal sa opinyon ko.

Pero ok naman na siguro muna 'to na umiiwas siya saakin. Balik ulit sa dati, masasanay din ako, nakaya ko nga dating walang gumugulo sakin at tapos eto naman talaga gusto ko. Nakakakonsensya lang talaga kasi habang pinapagaan niya pakiramdam ko, ako naman pinapabigat pakiramdam niya.

Mr. Bitter meets Miss SweetМесто, где живут истории. Откройте их для себя