MBMMS 1 [MEET MY SECTION]

330 36 15
                                    

MEET MY SECTION~

Brylle’s POV.

I'm Brylle Dechaves, cold yet vulnerable. I hate seeing couples. In short i‘m allergic to them. I hate love, I also hate talking about love lifes feel ko kasi nanghihina ako pagdating jan.

I tend to believe that the more we care the more we can get hurt. That’s why nawawalan ako ng gana sa lahat.

I guess this is because of my past...

Bigla na lang akong na babadtrip at nanghihina kapag may nakikita akong magjowa na sobrang sweet sa isa’t isa. ‘Pag nakakakita ako ng love birds sira na agad buong araw ko, hindi naman sa na-iinggit ako but I really want to pick up a stone and throw it to them away. But anyway‚ I‘m not going to do that because they don’t do anything wrong, pero hindi ko talaga maiwasan mapangiwi tuwing nakakakita ako ng magjowa. Nakakabitter‚ eh, wala namang forever!

Kapag naman nag-uusap ang mga tropa ko about sa lovelife umaalis na lang ako kasi bigla-bigla na lang ako mababadtrip n‘yan sometimes kinokontra ko pa sila in a bitter way.

¯\_( ͠° ͟ʖ °͠ )_/¯

~~~~

Naglalakad ako ngayon sa loob nitong Sapience University papuntang Psych building, malapit lang naman kasi condo ko sa school na ‘to so ‘di ko na naisipang sumakay pa sa kotse para lang pumunta rito, may paa naman ako at kaya ko naman lakarin so why bother? Yes, my dad has a lot of businesses, in short‚ we‘re rich, pero hindi ‘yan rason para magyabang ako, simple lang ako mamuhay, ‘di ako masyadong magastos, ‘di rin ako katulad ng iba na gastos doon gastos dito, gumagastos lang ako kapag may kailangan o importante talagang bibilhin. Kahit kailan ‘di ko pa naranasan humingi ng pera sa dad ko, wala lang‚ hinahayaan ko nalang s‘ya na bigyan ako kahit ‘di ako humihingi. ‘Pag binibigyan ako, edi thanks.

So ayon nga, kapag minamalas ka nga naman, siguro pinanganak talaga akong malas.

badtrip!! (눈‸눈)

MAY MAGSYOTA SA DAAN!!

Sira nanaman araw ko‚ fvck!

May nalalaman-laman pang holding hands tapos ang bagal pa maglakad. Akala siguro nila solo nila ‘yung lugar tapos nasa paraiso sila. Tsk‚ stupid!

‘An’saya siguro ‘pag nagbreak ‘tong dalawang ‘to. A-Abangan ko ‘yun.’

Napangiwi ako ‘saka nagdirediretso lang sa paglalakad at walang alinlangang hinawakan ang kamay nilang dalawa atsaka pinaghiwalay at dirediretsong naglakad sa gitna nila paalis. Ramdam ko namang napatulala sila sa ginawa ko.

Tsk! Ayaw ko sa lahat‚ humaharang sa dinaraanan ko.

H-Hey!!! Rinig kong tawag sa ‘kin nu’ng lalaki.

‘Tss! Sorry‚ ha? Haharang-harang kasi sa daan!

Sabi ko sa isip ko atsaka nagpamulsa bago walang emosyong naglakad. Ramdam kong nakatingin lahat ng studyante sa akin at nagbubulungan, ‘di pa ba sila sanay sa akin.

Shit‚ ‘di ko alam kung bakit ang bigat ng pakiramdam ko ngayon.

__

Medyo nabawasan ang bigat ng nararamdaman ko nang madatnan ang classroom na wala pangkatao-tao maliban sa ‘kin.

‘Hays’

Nakakagaan talaga sa pakiramdam para sa akin ang lugar na tahimik, mapresko, relaxing at higit sa lahat ako lang ‘yung tao. This is my comfort zone. Dark and quite place.

Mr. Bitter meets Miss SweetWhere stories live. Discover now