MBMMS 21[Confession 1]

57 16 0
                                    


Confession 1~

Leneyfia's Pov .

Madaling lumipas ang oras at uwian na nga kami. Gaya ng dati ay hinintay uli ako ni Vina para sabay na kami umuwi.

Sa mga araw na lumipas, ganito kami ni Vina kapag uwian lang kami nag kakasama. Madalas kasi silang hindi mag sama ni Javer kapag uwian na, si Javer kasi ay may service, si vina meron din naman kaya lang malapit lang naman bahay nila dito kaya gaya saakin ayaw niya narin mag pa-hatid sundo sa driver nila.

Dahil dito naging close kami ni Vina. Hindi gaya ng dati nag kakahiyaan pa kami.

Nagtataka kayo kung bakit pag uwian hindi ako sumasabay kay Dechaves? Wala eh, gusto ko man siyang abutan pero ang bilis niya talagang mag lakad kaya hindi ko na siya na a-abutan. Tsaka ayaw niya naman akong pasabayin sakanya, pero ok lang saakin, kawawa naman si Vina eh, wala siyang kasama. Tapos nakakasama ko naman si Dechaves tuwing breaktime eh kaya ok na 'yun.

" Vins, hintayin mo nalang muna ako jan sa labas susunod na ako sandali lang. " Sabi ko kay Vina at tumango nalang siya saka lumabas.

Humarap ako kay Dechaves. Nakita kong nililigpit niya 'yung mga gamit niya habang naka pokerface parin.

' ano bang buhay niya 'yan? Parang laging may problema ah. Ako din naman ah. :<'

" Ehemm.. una na ako Decha---"

" Sige lang, hindi naman ako nag tatanong." Nginiwian ko siya.

(٥↼_↼)

' Inaano ko ba 'tong lalaking 'to? Ansungit nanaman eh. Wala naman akong ginagawang masama nag papa-alam lang naman ako ah. '

([ -___-])

" Wala ka talagang patawad noh? Kahit pag uwian, wala naman akong ginagawang masama----" tinakpan niya 'yung bibig ko kaya napatigil ako...

'Ang bango ng kamay niya ah. '

Isinabit niya na 'yung bag niya saka naka poker face na hinarap ako. Inalis niya 'yung kamay niya sa bibig ko at pinahid ito sa likod ko kaya tinignan ko siya ng masama

' Ang arte! Kala naman may germs bibig ko ah.'

" Ikaw? Hanggang uwian ba mag dadaldal ka pa rin? Maawa ka naman sa tenga kong rinding rindi na sa ingay mo. Tss." Siya saka umiling at umirap. Umalis na siya at iniwan akong nakanganga. Sinundan ko siya ng tingin at pati talaga pag lakad niya halatang masungit.

' hay!!! '

([O__O])

Nanlaki ang mga mata ko ng may maalala ako.

' wait? What? N-nahalikan ko 'yung  kamay nya??? Waaaaahhhh!!! '

ヽ(。◕o◕。)ノ.

⁄(⁄ ⁄•⁄-⁄•⁄ ⁄)⁄

Napatalon pa ako sa kilig at natigil ako ng biglang may mag salita.

" Lene? Anong nangyare? " Si Vina at dahan dahang akong napatigil sa pag talon at nahihiyang napatingin sakanya.. " namumula ka?? Oh God? K-kinikilig ka ba? Kanino? Waahhh!!!" Lumapit siya sakin at hinawakan ang magkabila kong pisnge. Lalo akong natawa.

" Ha? Pinagsasabi mo? " Pag mamaang-maangan ko saka ko kinuha ang bag ko at isinabit eto sa kabilang balikat ko. Wala, ginagaya ko lang si Dechaves. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya palabas ng room hanggang sa makalayo na kami sa room  saka ko siya binitawan.

" Hoy! Anong nangyayare sayo ha? Baliw ka na ba? Leneeeee? " Siya

" Aba! Hindi ah. " Nag lakad ako ng mabilis para maka-iwas at sinundan niya naman ako. Ramdam ko talagang namumula pa ako ngayon.

" Hala! Teka. Kanina pa kita nakikitang namumula ah! Sandali... " Siya habang pinagmamasdan ako. " aha! " Napatalon ako ng bahagya dahil sa gulat.

" Bakit? " Tanong ko sakanya

" K-kanina. Bigla kang namula 'nung kinuha na ni Brylle 'yung maliit na box. Ano bang laman non ha? " Siya at napakurap pa ako. 

" C-cupcakes... " Sabi ko at bigla niya akong hinampas sa braso." Aray naman. Inaano ba kita? " Ngumuso ako, hindi naman inaano eh.

( ̄ヘ ̄;)

" Ikaw ah. Bakit mo siya binigyan? Tsaka bakit ako hindi? Tapos ba't ka namumula ah? " Siya.

' lagot!! Sasabihin ko ba sakanya? '

" Ah... "

" Ano?Ha? "

" eh... "

" Ano? Bakit ako hindi? Hmm.. favorite ko pa naman ang cupcakes." Pag rereklamo niya.

" Ih... P-pasensya na .." Ako at bigla kong binagalan pag lalakad ko.

( ̄ヘ ̄;)

" Ok lang ano kaba, bakit nga? Bakit mo siya binigyan? Tapos may pa-blush-blush ka pang nalalaman ah." Napa-ngiti ako bigla na ewan, ano ba 'to? Sasabihin ko ba? Ayaw kong may nakaka-alam.

" K-kasi... "

' sasabihin ko ba? Sige na, may tiwala naman ako dito eh. '

" Ehh! Basta! Wag mo pag sasabi ah. Promise? " Naka nguso kong sabi at agad naman siyang tumango. " M-may gusto ako kay Dechaves sa una p-palang na pag kakakita ko sakanya.. " nahihiya kong sabi at napahawak pa sa batok .

" O to the M and to the G !!! " Hindi siya maka-paniwala.

" Ganito kasi 'yan, pumunta ako sa school na 'to para asikasuhin ko 'yung mga kailangan para makapag transfer, busy kasi masyado non si Dad at hindi niya ma-a-asikaso 'yung mga kailangan ko, kasi hindi lang naman 'to 'yung pinapatakbo niya eh, may iba pa siyang businesses. " Panimula ko. Oo, si Dad ay isa sa mga stockholders nitong SU. " So dahil nga hindi ako sanay dito dahil never naman akong bumisita dito. Hanap ako ng hanap ng mga faculties then I saw him, iba na agad nararamdaman ko non at alam kong pag hanga 'yun. Then wala ng choice humingi na ako sakanya ng tulong, sa una tumanggi siya pero napilit ko naman siya hanggang nga sa nag kwekwentuhan kami habang hinahanap ang mga faculties, hindi ko naalala na may klase pa pala siya, nalibang kasi kami pareho tapos 'yun na nga sabi sakin ng tropa niya do'n daw siya nagalit saakin kaya sinusungitan niya ako. " Naka-nguso kong sabi.

" Sabi na nga ba eh! Alam mo sa una palang talaga pansin ko na, pansin ko ng may gusto ka sa Brylle na 'yan. Pansin ko kasi na masyado kang masaya kapag kasama mo siya tapos may spark sa mga mata mo tapos maya maya bigla kang mamumula. " Siya. Napakamot nalang ako ng ulo. Masyado pala akong halata. " Pero alam mo bilib din naman ako sayo kasi nagawa mong tiisin ugali niya mabago mo lang ugali niya 'no? Tatanongin kita, mahal mo na ba 'yung lalaking 'yun, kasi kung pag hanga lang ang meron ka sakanya hindi mo gagawin 'yun." Napayuko ako sa tanong niya.

" Ewan ko sa sarili ko, nalilito pa ako eh. Basta gusto ko lang siya mabago. Feel ko hanggang don muna ata nararamdaman ko." Huminga ako ng maluwag.

" Hmm soon you'll found out rin naman. " Tinapik niya pa ako sa balikat. " Kapag natulungan mo 'yan si Brylle, pasadong pasado ka na sa pagiging isang Psychologist. Bilib pa ako sayo. Goodluck. " Tinapik tapik niya pa ako sa balikat. Napa-nguso nalang ako.



To be continued...

Mr. Bitter meets Miss SweetWhere stories live. Discover now