MBMMS 48 [beLIEve]

38 7 0
                                    

beLIEve~

Brylle's Pov .

Hinayaan ko na si Sanchez makapag-usap doon sa dalawa, alam ko namang mag pupumilit lang siya kaya kahit labag sa kalooban ko, pinayagan ko na lang at saka ako umalis at tumungo ng room.

Hindi ko alam pero hindi ako mapakali, ano bang intensyon nila at gusto pa nila maka-usap si Sanchez?

Ewan ko ba kasi sa Sanchez na 'yan at ang open niya sa lahat, kahit hindi niya pa naman kilala. Minsan kelangan ko din siyang pag bawalan, baka mapano siya kung ipag papatuloy niya ang ganoon. Hindi ba siya aware na masama makipag usap sa strangers tsk.

..

Ilang minuto ang nakalipas bago bumalik si Sanchez dito sa room. Mabuti naman at madali lang siya.

" Hi Dechaves. " Sabi niya saka umupo sa tabi ko.

" Ano pinag usapan niyo? " Tanong ko dito pero hindi sakaniya nakatingin.

" Gusto nila makipag kaibigan." Nabigla ako sa sinabi niya.

(;ŏ﹏ŏ)

' Ano?! Bakit sakanya? '

" Ano?! Bakit daw?! " Iritado kong tanong.

" Ewan ko eh, nabigla nga din ako. Bakit? Bawal ba?" Napangisi siya.

" Bawal! " Nagulat naman siya sa sinabi ko.

" Ano? Bakit naman Dechaves? "

" Basta! Makinig ka naman. " Ngumisi siya at inasar ako ng tingin. " What? " Walang emosyong tanong ko dito.

" Kaya ba ayaw mo kasi baka ma-agaw nun 'yung atensyon ko na dapat ay sayo lang? HAHAH " kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

' Wala na talagang natitirang hiya 'to si Sanchez. '

" Hindi! "

" Indeniaaaal!" pang aasar niya.

" Kapal! " singhal ko sakaniya.

" Alam ko hihi. Ikaw manipis. " Hindi ko nalang pinansin ang pang-aasar niya.

" Ambilis naman ata makipag kaibigan eh halos kanina palang kayo nag kita tapos pano niya daw nalaman pangalan mo? Tsk." Tanong ko dito habang nakatingin sakanya. Bigla namang nanlaki ang mga mata niya.

" Ah.. hahah b-baka s-stalker k-ko h-haha... " Patawang sabi niya habang na u-utal.

"Napakayabang mo! 'Yun, maging stalker mo? Baka nga mas sikat pa 'yun sayo. " nginiwian niya naman ako.

" Pake-alam ko ba? Tsaka sandali nga. Kilala mo ba 'yun ah? " Tanong nkya saakin at napakurap naman ako.

" O-oo 'yung M-Misty kilala ko. " Palusot ko at napatakip naman siya ng bibig.

" Hanla! Oo nga pala sh't. Oo naka-usap ko siya." Siya na atat na atat ng mag kwento, iniharap pa saakin 'yung upuan niya. " 'nung una hindi ko naman siya kilala syempre tapos 'nung sabihin ni Meganarsah ba 'yun? " Natawa ako sa sinabi niyang pangalan.

' Meganarsah LOL HAHAHAH '

" Tapos doon ko napagtanto na 'yung Misty pala na 'yun ay ex ni Jake. Nako alam mo hindi ko napigilan sarili ko at prinanka ko na siya, tapos sh't nakaka-guilty promise. " Kumunot ang noo ko sa sinabi niyang nakaka-guilty.

" Why? "

" Naawa ako sa side niya ket mali siya." Biglang na lungkot 'yung tono niya. Ikinwento niya saakin 'yung napag usapan nila at maski ako ay naawa kay Misty. She's right, may mga tao talagang hindi maka-iwas sa tukso but sometimes may mga tao talaga na sila mismo ang lumalapit sa tukso.

Mr. Bitter meets Miss SweetWhere stories live. Discover now