MBMMS 6 [Her clingy side]

100 28 2
                                    

Her clingy side~

Brylle's Pov .

([>__< ])

Akala ko, kapag nag karoon ng transferee sa sectiong ito, magiging maayos buhay ko dito dahil kahit papaano, may kasama ako. Pero lahat ng 'yan ay akala lang.

Lahat ng mga 'yan ay kabaliktaran ang nangyari. Nang malaman ko na 'tong babaeng 'to ang transferee, nakakapanlumo, bakit? Dahil alam ko agad na mawawala lalo ang concentration ko sa discussion, ang ingay kasi kahit ano sinasabi, sobrang kulit din pero aaminin kong natatalinuhan ako sakanya. Unang araw nya palang sa paaralang 'to, agad ko ng napansin ang angkin nyang katalinuhan. Lagi syang nag paparticipate sa klase, andami niyang alam.

Syempre, ako? 'yun padin, lalong nawala ang concentration ko sa lesson. Oo, medyo nawala 'yung palagi kong pag tingin sa mga kaklase ko na every minute nag lalandian kaya medyo gumagaan din pakiramdam ko, pero nawala nga 'yun kasi etong katabi ko, dito naman nababaling ang attention ko, napaka daldal, walang saysay mga kinukwento nya, ewan ko ba kung bakit hindi ko maiwasan ang makinig sa mga walang kwenta nyang kwento, siguro dahil nadin sa malapit sya saakin at hindi 'yun maiiwasan.

([>__<])

Kakainis! Hindi rin ako makapag participate, kasi every time na katatapos lang mag recite netong si Miss Madaldal ayan nanaman makikipag daldalan nanaman yan saakin at kung ano-ano nanaman ikwekwento.  Ewan ko ba dito, hindi sya nakikinig pero kapag tinanong sya ni prof, nakakasagot sya. Ako din naman eh, nakakasagot naman ako kahit hindi nakikinig minsan.

([>_<])

' Wala ba 'tong hiya? Hello! Bago lang sya dito ket ano na kinukwento! '

Kahit anong pag papatahimik ko sakanya, ilang minuto lang sya tatahimik tapos ayun mag iingay nanaman o kaya mag tatanong about sa akin.

' Yung totoo lang! May topak ba'to!'

Nakatitig lang ako sakanya habang nag papaliwanag siya sa unahan. The way she speak in front, I can say that she is very confident with her conclusions. Halatang siguradong sigurado siya na tama sinasabi niya.

"Social psychology uses scientific methods to understand how social influences impact human behavior. It seeks to explain how feelings, behavior, and thoughts are influenced by the actual, imagined or implied presence of other people." Si Sanchez na confident na confident sa pinag sasabi.

' ha! Ang dali lang naman nung discussion ngayon eh, about sa branches ng Psychology palang naman pinapa discuss ni Prof. Tsk kayang kaya ko naman 'yan i-discuss lahat, Tbh wala pa kasi ako sa mood, give chance muna---'

" One more fact; People who constantly use 'To Be Honest', are more likely to be lying..." Napaubo ako sa sinabi niya.

(*・~・*)

(ꏿ﹏ꏿ;)

'h-how---'

" Very good Ms. Sanchez, I can't believe that a student from Sky University like you is very intelligent. " Pag pupuri ni Miss sakanya.

' yak! Hi! Andito ho ako!'

" Thank you Miss. " Siya na ngingiti ngiti pa.

" You may take your sit. " Si Miss at dumiretso na nga dito 'tong si Sanchez

" Hays! Bilib na bilib ka sakin ha! Sige, tanga pa! Ayos ba? Ha? " Pag yayabang nya. 

(٥↼_↼)

" Tss! Ako? Ako na palaging with highest grade, na laging nasa top 1? Ma bibilib sayo? May hiya ka pa ba? " Inis kong sabi dito. Ah basta naiinis ako sa babaeng 'to. Di ko pa nakakalimutan 'yung pagpapaikot niya sakin para lang masamahan ko siya.

Mr. Bitter meets Miss SweetWhere stories live. Discover now