MBMMS 14 [Cringe]

57 20 0
                                    


Cringe~

Brylle's Pov.

(٥↼_↼)

Nakaka inis. Nakakahiya pa. Arghhh! Dinagdagan mo nanaman galit ko sayo Sanchez. Lagot ka talaga sakin pag nakaganti ako. Napahiya ako do'n ah. Damn.

Ba't nga ba ako napapayag neto? Galing niyang manakot ah! Tss!

Aishhh!! Napasabunot ako at napayuko sa desk.

Kakainis naman 'tong babaeng 'to, ano kaya pwede kong sabihin sakanya, 'yun bang masasaktan siya tapos lalayuan niya ako, dapat 'yung mapapahiya din siya. Gusto ko 'yun, wala ng sagabal sakin tapos tahimik na uli buhay ko tapos mas makaka-pag focus ako sa discussion non.

(-_-;)・・・

Nakaka-pag focus naman ako ngayon, nakaka pag participate pa nga eh, ayaw ko kasi mag patalo sakanya, feel na feel niya kasi pagiging matalino niya. Pero kapag nasaktan siya sa mga sinasabi ko, lalayo siya sakin tapos maiilang siya makipag sagutan saakin. I like that. Wala na rin makikialam sa gusto ko at sa opinion ko at hindi na rin ako makakaramdam ng kakaiba tuwing kasama siya, syempre hindi ko na siya kasama tapos lalayo na siya saakin.

([^__-])

' The problem is parang hindi siya nasasaktan. Lagi ko 'yun napapansin. Lagi ko kasi siyang sinusupalpal kasi ang ingay niya pero parang wala lang sakanya. Hindi bale, bahala na. Lalayo at lalayo ka rin saakin Sanchez! Mark my words! '

(ー_ー゛)

' Ano kaya 'yung pwede kong sabihin 'yung masasaktan siya? Hirap naman eh! Ang manhid kasi netong babaeng 'to. Kung ako bitter, ito manhid amp!'

Dagdag ka pa sa problema ko Sanchez.

(´-﹏-';)

" Psh! Nakikitingin ka na nga lang sa mukha ko, galit ka pa! " Na gitla ako ng bigla siyang mag salita. Napa- iwas ako ng tingin dahil sa hiya.

' Tf?! All this time, nakakatitig ako sakanya? Damn! Ano naman kaya pumasok sa isip neto kung ba't ako nakatingin sakanya? Baka isipin niyang may gusto ako sakanya? Tss! In her dreams, bitter ako hindi ako nag kakagusto. Kadiri. ' 

" Dechaves? Since birth ba naka pokerface kana? As in 'yung kalalabas mo palang tapos sinungitan mo na kaagad 'yung mga doctor ?" pang aasar niya at napa-iling nalang ako. ' She must be crazy ! '

Kumuha ako ng libro sa shelves para mag basa nalang, tinatamad ako makipag usap sakanya.

" Oy! Anong trip mo? Lutang ka ba? Papa-iwan ka sa room? Hey Mr. Dechaves it's already time. " Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at napatingin ako sa kabuuan ng classroom. Kami na lang palang dalawa.

'  lutang ako ngayon? Tf? For what? '

Ibinalik ko 'yung libro bago ako tumingin sakanya. 

" Why are you here? " Nahihiya kong tanong.

Shit, bakit ako nakaramdam ng hiya? Para san?

" Kasi hindi ako doon. " Kumuha ako ng maliit at medyo may kanipisan na libro saka ibinato sakanya. Sapul. " Aray! Inaano ba kita ha? " Singhal niya sakin habang naka-nguso at napa ngiwi ako sabay irap. Ang arte naman nito, ang liit lang naman non at medyo manipis.

" Wag mo akong pinipilosopo hindi tayo close tss! " Sabi ko habang inaayos ang bag ko. " Why are you here?"

" I'm waiting for you. Kanina ka pa kasi tulala h-habang nakatingin saakin. Ayaw naman kitang iwan dito kasi alam kong lutang ka, 'di mo alam nangyayare! Gaya kanina----" tumayo ako at sinangga siya dahilan para mapahinto siya sa pag sasalita at muntikan ng ma-out balance. Dumiretso na ako sa pag lalakad paalis. 

Mr. Bitter meets Miss SweetWhere stories live. Discover now