MBMMS 5 [We meet again, Mister.]

106 29 3
                                    

We meet again, Mister~

Leneyfia's Pov.

Unang araw ko ngayon sa bago kong papasukang paaralan. Nakaka-excite nga eh, may crush kasi ako dito. Kanina ko pa nga hinahanap kaya lang hindi ko naman makita, kaya napag pasyahan kong mamaya nalang hanapin

By the way I'm taking up Bs in Psychology, eto 'yung gusto ko, kahit napahiwalay ako sa mga kaibigan ko dahil sa kursong pinili ko, ikanga follow your dreams not your friends char.

Gusto ko ang kursong ito dahil marami akong nakaka-enkwentrong kakaiba ang ugali, at nakakakapagtaka, gusto ko lang alamin lahat, kung bakit may ganon na tao, bakit ganto at ganyan. At ng sa ganon mas lalo ko silang maintindihan at matulungan if needed. At may mga bagay akong gustong malaman ...

~

Nag paalam na kami kay dean, sinundo na kasi ako ng prof ko dito sa dean's office patungong classroom, 'yun kasi 'yung usapan.

Nang makarating na kami sa room ay iniwan muna ako ni Miss sa labas at sya muna 'yung pumasok . Pagkatapos non ay sinenyasan nya na ako na pumasok .

To be honest kinakabahan ako dahil sa hiya ko, hello ! Transferee ho ako dito. Naka-yuko akong pumasok sa room saka ako tumabi  kay Miss at nahihiyang inangat ang ulo ko. Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng classroom at nakita kong nakatayo pa silang lahat, nagtataka ako dahil 2 by  2 ang arrangement ng seats , babae at lalaki ang mag katabi and it's normal naman saakin. Pero bakit parang kakaiba 'tong arrangement. May dalawang upuan at kada dalawang upuan may isang metrong distansya sa dalawang upuan ulit, gets nyo?  Pansin ko rin na close sila sa isa't isa dahil nag bubulungan pa nga sila tapos 'yung iba tumatawa pa tapos bakit parang ang sisweet nila? May nag aakbayan, may mag ka holding hands. Sa tingin ko mag jojowa sila.

Asan ba upuan ko dito? Bakit parang wala akong makitang bakante. Sino din kaya kapartner ko? O baka mag isa lang ako? Sa tingin ko kasi lahat na sila partner by partner na.

*Pout

*Blink blink

Napansin ko talagang nag tatawanan sila.

Kinapa ko naman ang mukha ko, baka kasi ako ang pinag tatawanan nila .

' nakuuu! Baka may dumi ako sa mukha ! Damn this ! Nakakahiya ! '

Inilibot ko nalang uli ang paningin ko sa loob at hinanap 'yung magiging upuan ko .

' Shet! Wala akong makita! Saan ba ako uupo neto?'

Nag tip toe pa ako para makita kung may upuan pa ba sa likod pero wala ako--este hindi ko makita, nag kulang kasi ako sa height. Di joke

' ano ba 'yan! Mag-isa ba ako neto papa-upuin sa likod? Wala ba akong katabi? Kakainis naman, Wala akong makakadaldalan! Ngi! Lilipat na ako ng section bwiset! '

" Take your sit " si Miss. Nag focus akong tumingin sa harapan, para pag umupo sila makikita ko 'yung sa likod at ....

([O__O])

' S-sya?!  '

" I-ikaw?!" - nagulat ako dahil sabay kaming napatanong niyan, nakatayo siya at nakaturo sakin, nanlilisik ang mga mata niya.

Di ko alam pero tuwang tuwa ako ngayon

' Kung gano'n hindi ko na pala kelangan pang hanapin sya? dahil kaklase ko na sya. T-tsaka s-sya ba makakatabi ko? '

Napatingin ako sa pwesto niya, wala siyang katabi, mag isa lang siya sa likod at may bakanteng upuan don sa kabilang side. Tamang tama ang section ko.

Mr. Bitter meets Miss SweetWhere stories live. Discover now