MBMMS 30 [Presentation]

48 13 5
                                    

Presentation~

Leneyfia's Pov .

Ang saya, na paka-saya ko sa araw na 'to. Hindi ko makakalimutan 'tong araw na 'to. Ito kasi 'yung araw kung saan si Dechaves mismo ang nag sabi saaking sumama ako. Pero wala paring pinag bago, tahimik, walang imik at masungit parin talaga ang mokong. Pero medyo ok na siya sakin. Nag improve naman, at least palagi na akong kasama sakanya tapos wala na akong po-problemahin kasi alam niya naman na may gusto ako sakanya tapos siya na mismo 'yung nag sabing hindi ko naman ma i-iwasan 'to eh. To be honest, na i-ilang na ako sakanya minsan at hindi ko na siya masyadong maasar kasi alam niya na gusto ko siya. Tsk ano ba yan?

' Pero ano kaya naging reaction niya 'nung nalaman niyang may gusto ako sakaniya? '

" Dechaves, ano ba naging reaction mo 'nung malaman mong may g-gusto ako sayo? " Nabigla ako mismo sa naging tanong ko.

' hanla shit! Ang kapal! '

Napatakip ako ng bibig.

Hehe

" Lakas ng loob mag tanong ah. " Napa-iwas ako ng tingin.  " Syempre nagulat! Hindi ko akalain na sa kabila ng pang aasar mo sakin, may gusto ka pala talaga saakin. Tsk "

" So ano 'yung meaning ng mga ngiti mong 'yun ah? "

Yieeeee

" Alin? Tss. " Umirap siya.

" Wag na nga. "

" Tss! " Pumasok na kami sa room at nakita kong halos lahat ng mga kaklase ko ay nakatingin saamin. " Ano pang ginagawa mo? Ayusin mo na nga lang 'yung upuan mo. Tss. " Napa-iling siya saka naka pamulsang tumungo sa upuan niya.

' ayusin? Bakit sira ba?! '

Napatingin ako sa upuan ko at hindi naman 'to sira kaya dali dali akong tumungo do'n saka umupo. Napatingin ako kay Dechaves at nahuli kong nakatingin siya sakin, ngumiti ako sakanya at umiling lang siya saka niya isinanday ang ulo niya sa pader at pumikit.

' sh't ang gwapo niya talaga kahit naka side. Ang tangos pa ng ilong. Sh't! '

([O__O])

Napaiwas ako ng tingin ng bigla siyang tumingin saakin at tinaasan ako ng kilay. Napakurap nalang ako. 

" Psst. Lene..." Napatingin ako kay Vina.

" B-bakit? "

" Mukhang ayos na kayo ni Brylle ah? Yieeee " hinampas niya pa ako.  " Dapat maging masaya ka kasi ikaw lang 'yung babaeng pinapansin niya kahit nalaman niya na na may gusto ka sakanya. " Napangiti ako.

" Masaya naman talaga ako. "

" So ano? Pa'no kayo nag kaayos? "

" Tinawag niya ako..." kumurba ang ngiti sa aking labi ng maalala ko 'yung kanina. " Tapos sinabi niyang sumama ako. "

" 'Yun lang? Ang rupok mo naman! HAHAH so pa'no 'yung mga sinabi niya sayo? " Lakas nito mang sabi ng marupok eh isa din naman siya.

(٥↼_↼)

" 'Wag ko nalang daw pansinin. Hindi niya naman daw alam na magagalit ako dun eh, tapos alam mo ba, pinag overthink ko daw siya masyado. Waahhh ako pala laman ng isip niya eh. Nakakakilig diba? " Bulong ko.

" Psh! Talaga lang ha? Nakakainis siya. " Nakataas ang isa nyang kilay.  " Ano pang ginagawa mo? Bakit hindi mo na ilipat 'yung upuan mo doon sa dati? "

Mr. Bitter meets Miss Sweetحيث تعيش القصص. اكتشف الآن