MBMMS 4 [Transferee]

108 29 1
                                    


Transferee~

Brylle's Pov .

**

Friday morning .

Dumaan ang Miyerkules at Huwebes, at gano'n parin, nakakainis, walang pag babago.

Gaya ng dati, no concentration, no participation-- Pa'no ba naman ako makakapag participate, eh wala nga akong alam sa dinidiscuss, Pa'no ko naman malalaman ang dinidiscuss kung hindi ako nakaka-pagconcentrate? Eh kasi naman nasa harap ko 'tong mga nakaka-bitter kong kaklase, syempre ako 'tong si BITTER hindi maiwasang mapatingin sakanila lalo na't hindi 'yun maiiwasan dahil na sa pinaka-likod nila ako .

Mag a-advance reading nalang ako---

([>___<])

Nakaka-inis lang, wala na nga akong natututunan, namarkahan pa akong absent sa isang subject nung Tuesday. Eh kasi nga, na late ako tapos hindi na ako pinapasok ni sir. Oa kasi 'yung professor na 'yun, matanda na kasi---lintik kasi 'yung babae na 'yun, nilibang ako kaya 'di ko namalayan ang oras.

' bakit ba kasi ako nag palibang do'n? Eh ako si Mr. Bitter slash masungit na hindi nag i-entertain ng mga babae, tapos 'yun? 'Yon na hindi ko kilala? Nung isang araw ko lang nakita, tapos napapayag ako? Unbelievable! Arrgh! '

Na i-inis ako, dahil buong buhay ko hindi pa ako na le-lelate o nag a-absent sa school, ayaw ko kasi na may ma-miss akong lesson. Kahit nga may sakit ako hindi ako nag papa-late o nag a-absent man lang, tapos dahil lang do'n nag ka roon na ako ng absent? Nakakainis talaga!

Napasabunot ako

*Glare

*Frowned

'Psh! Sana, kung alam ko lang na mag kakaroon ako ng absent, 'yung mga araw na pinipilit ko nalang pumasok, sana hindi na ako no'n pumasok. Nakakapang-hinayang. Lintik na babae kasi yun. Nakooo pag nakita talagaaaa kita, ewan ko nalang.

Iniyuko ko ang ulo ko sa desk, sakit kasi ng mata ko ikaw ba naman sa sitwasyon ko, sakit pa ng ulo ko.

As usual ba andito ako ngayon sa loob ng room nag pa-pa-ka-bitter sa mga kaklase kong imbis na mag-aral nag lalandian.

' Mag be-break din kayo, mga kupal! '

Hindi ko lubos ma-isip na na kaya kong tiisin mga ugali at itsura netong mga kupal na 'to. Lagi nila akong inaasar na Mr. Malas. Pati mga prof. nakiki-asar na din. Ka-pansin-pansin kasi ang  ka-gwapuhan ko. Kumontra di mag kakajowa!

Iniangat ko ang ulo ko at ni-review ko nalang yung books ko para may magawa naman ako.

" Uy oh! Sipag mag aral ni Mr. Malas HAHAHA. "- pang-iistorbo ni Javer. Hindi ko siya kinibo at nag focus nalang ako sa pag babasa ng notes. Wala muna ako time makipag away sa mga pikon, masasayang lang oras ko.- " Ayt snob! "- Dagdag niya pa, as'an ba jowa neto? Hindi ko sya tinignan pero alam kong hindi nya kasama jowa nyang fragile.- " Tss. Oo na alam ko namang famous ka dito sa SU pero sana naman mamansin ka. " -Bumuntong hininga ako pero naka tingin parin ako sa libro. At mas inangat ko pa ito para hindi niya makita mukha ko. Malay ko bang baka nai- inggit siya sa kagwapuhan ko. -" Alam mo kung ako sayo, tigilan mo na pag ka-bitter mo at mag hanap ka ng jojowain mo sa mga babaeng nasa paligid mo na nagkakan-darapa kaka-habol sayo. Marami naman magaganda ah. Tsaka sabihin na nating.. sige na nga GWAPO KA NAMAN AH ... " Tinignan ko sya at napa ngisi lang sya.

" Thanks but no thanks. Alam mo ba 'yung bitter? Alam mo ba yung Philophobia, Gamophobia at Pistanthrophobia?  " Tanong ko at tumango sya. " Haha! " I laughed sarcastically. " Hindi halata. Tss. " Inirapan ko sya saka tumingin ulit sa libro.

Mr. Bitter meets Miss SweetWhere stories live. Discover now