Tips in Writing Prologues and Epilogues

133 2 0
                                    

Tips sa Pagsusulat ng Prologue at Epilogue

- Jonquil Joy Regala Rellin (Prologue)
- Scion Marion (Epilogue)


I. Paano Gumawa Ng Prologue o Prologo

- Maraming aspiring published writer sa panahon ngayon na nakikiuso ng prologue sa ibang mga writers,especially sa Wattpad, pero mali ang nilalaman.

Bakit mali?

Kasi instead na isang "SCENE" ang mababasa mo na maaaring nangyari sa past o mangyayari pa lang sa future - na malaki ang connection sa present story ng mga bida - ay iba ang mababasa mo.

Karamihan ay puro INTRODUCTION o hindi kaya naman ay ginawang TEASER, DESCRIPTION, o PLOT ang kanilang prologue.

Paano gumawa ng prologue:

1. Describing a scene from the past that is important to the story.

2. Grabbing readers' attention with a scene from the story. The author could pick an exciting scene from the middle of the story to draw readers in and make them want to keep reading.

3. The prologue focuses on a secret of one of the characters (which the main character would have no way of knowing, and the author would not otherwise be able to tell the reader throughout the novel because it has been told in first-person perspective.)

4. Expressing a different point in time. For example, the prologue may be about the main character who is in her eighties and who is remembering her childhood, which is when the story takes place (and which begins in Chapter 1.)

II. Paano Gumawa ng Epilogue o Epilogo

- Bago magsulat ng epilogue, alamin kung ano ang purpose nito sa iyong kuwento.

Tulad ng sa prologue, hindi naman kailangang maglagay ng epilogue sa inyong kuwento. Hindi rin kailangang may epilogue kung may prologue ka sa kuwento.

May tatlong bagay upang malaman iyon:

1. May bagay ka pa bang nakalimutang sabihin sa huling kabanata ng kuwento at nais mong isulat iyon?

- Naa-apply ito sa mga science fiction, fantasy at mystery ang genre.
Kung tapos mo ng isulat ang huling chapter at sa tingin mo ay may kulang pa o ilang katanungan na hindi nabigyan ng sagot, maaaring gumawa ng epilogue.

Kailangan bigyan ng justice ang ilang impormasyon sa huling parte ng kuwento.

At maaari mo rin namang gawing ending ng kuwento kung magiging mahaba iyon.

2. Maaari mong ilagay sa epilogue ang ilang kaganapan sa hinaharap. Maaaring ilang araw makalipas mula sa huling kabanata.

- Halimbawa na lang kung naging masyadong madrama o maaksyon ang ending ng iyong kuwento.

Sa epilogue, maaari mong i-narrate in lightly mood ang event. Madalas, katulad ito ng Disney. Iyong "and they live happily ever after." Iyong wala nang magiging conflict pa. Kasi masayang-masaya na silang lahat. At hanggang doon na lang talaga ang kuwento nila. Dahil lahat ng katanungan sa kuwento ay nabigyan na ng malinaw na sagot. Puwede ring ilagay dito ang moral lesson ng inyong kuwento.

3. Maaaring maglagay ng epilogue kung mayroon pa itong Book 2 o sequel.

- Maaaring ilagay ang ilang mahalaga o cliffhanger scenes ng sequel sa epilogue ng Book 1.

Mga dapat tandaan:

1. Hindi kailangan ng isang kuwento ng epilogue.

2. Huwag gawing mahaba ang epilogue.

3. Magbasa ng mga epilogue ng mga published books bilang ehemplo.

Pian PianWhere stories live. Discover now