Random Tip

76 4 0
                                    

— Khayri Rednaxela Retsaoroz

Tip lang po sa mga manunulat:

1. Write only about what you know.
2. Write only if you have a story to tell.

Para po maiwasan natin yung tanong tayo nang tanong tungkol sa mga detalye ng isusulat natin, it is best to avoid tackling about things na wala naman tayong knowledge.

Napupuno na kasi itong group ng mga tanong tungkol sa mga topic na, although may kinalaman sa sinusulat ng isa, wala namang benefit sa iba. O questions na walang direktang kinalaman sa pagsusulat.

Sure you can ask those, pero mas maganda pa rin if you do a proper research instead na umaasa lang sa spoonfeeding. May mga nagtatanong pa na ni hindi nagpapasalamat sa sumasagot, o ni hindi pinapaliwanag kung ano ang kinalaman ng tanong niya sa sinusulat niya. Those are bad etiquettes.

Nagiging "dragging" and unnatural din kapag yung mga detalye sa sinusulat natin ay nahahalata ng reader na hindi mo gaanong gamay. Like mga tungkol sa science, medicine, subjects sa isang kurso, et cetera.

Kung wala naman tayong alam sa mga ganiyan, it is better to just gloss it out o pahapyawan na lang instead of explaining them detail by detail. Besides kung wala namang purpose ang mga specifics o technicals ng isang branch of knowledge sa kuwento, why include it?
There is such a thing as "law of conservation of detail" in writing which states that we should avoid putting a lot of details especially kung wala na itong purpose later on.
Yes, may mga nababasa tayong mga libro tulad ng mga pocketbooks na pina-publish ng ilang palimbagan na ultimo kaliit-liitang detalye sa hotel management, sa mga wines at mga brands ng mga damit, sapatos, pabango, kotse, cellphone at kung ano-ano pa, masabi lang na pangsosyal ang mga ito at sosyal ang characters. But those things are simply fillers. Pampahaba sa kuwento. Para mapunan ang mga pahina. It doesn't move the story forward.

Now if you still want to gather and spill as many details as you want, there's no alternative to research. Or reading books that explain these things. No offense pero huwag na po tayong umasa sa iba about these things kasi tinuturuan lang natin ang sarili natin na maging tamad.
Kung saan tayo comfortable, doon na lang tayo. Halimbawa, kung nakapag-aral ka sa maths, doon mo na muna simulan ang story mo instead of swimming in strange waters.
Another thing is, write only a story kung may ikwekwento ka na talaga. Halimbawa, may nasagap kang tsismis at na-inspire kang gawin itong kuwento o ibase rito ang susulatin mo. Stories based on real-life events or folklores feel more natural kaysa sa mga pilit.

Kung mapapansin natin, medyo dumarami ang mga nagtatanong at nalilito tungkol sa mga dapat daw iwasan o isama kapag nagsusulat sa isang genre. And these questions come from people na gusto lang magsulat sa genre na iyon for that genre's own sake. Again kung hindi mo gamay ang isang genre, don't write under it or read a lot of books under that genre para magka-idea ka. You can't learn how to write sa genre na yun by simply asking other people. Kung makahabi ka man, may 99% chance na hindi natural ang flow nito o napakaraming plot holes. Huwag ding magsulat sa genre dahil lang uso ito. O tingin mo cool ito. O dahil tingin mo dito ka magsha-shine. It is better to write in the genre kung saan alam mo ang ginagawa at sinasabi mo.
On the bottomline, there's no alternative to reading a lot.

While technology paved way to make it easier for us to communicate with other people, it also paved way to make knowledge more accessible. Kaya huwag nating abusuhin natin yung fact na porke marami tayong mapagtatanungan ay aasa na lang tayo sa spoonfeeding.

A good writer is a good reader, sabi nga nila.

And learn to love and respect the genre na gusto mong pasukin. Research before you write. Otherwise, magiging isa ka lang din sa mga toxic na writers na sinusubukang magsulat sa isang genre tapos ang ending, mauuwi lang lagi sa kalibugan.

"Vampire story with erotic scenes."

"Historical fiction with steamy hot erotic twist."

"Horror mystery thriller suspense with smokingly tense hot characters."

Kung mga ganiyan lang din ang sinusulat mo, binababoy mo na lang ang genre. Wala rin akong paki kahit makahakot ka pa ng maraming reads dahil lang hinaluan mo ng pornotica ang isang genre kaya ang labas naging charotica na ito. Still, those reads doesn't mean you're a good writer. If you decide to go that path, you deserve all the "bashing" and the disdain na matatanggap mo.

Magbasa ka at huwag tatamad-tamad. Stock knowledge is power, kahit sa pagsusulat.

Pian PianWhere stories live. Discover now