7 Writing Tips for You

137 4 0
                                    

Writing Tips
- by Courgette

1. Be Realistic
- Okay, here's the tip: Minsan nawawalan ng gana ang readers na basahin ang isang kwento kapag masyadong maganda ang scenes o ang kwento mo. Don't get me wrong ha? Ang ibig kong sabihin ay 'yung mga scenes na too good to be true na. Kahit scenes lang 'yan sa story mo, importante na may small conflicts na nagaganap kahit papaano. Sa isang story lalo na kung nobela ang sinusulat mo, hindi lang sapat ang isang major conflict. Be realistic. Sa buhay natin, may mga na-e-encounter pa rin tayong maliliit na problema. Ang simpleng pagdedesisyon lang kung saan kayo kakain ng jowa mo kapag magda-date kayo ay small conflict na. Ganoon din dapat sa pagsulat. Kahit fiction lang ang isinusulat natin, iparamdam mo sa readers na parang totoo pa rin ang lahat.

2. Create remarkable characters
- Bakit kaya gustong-gusto natin ang mga kwento ni Jonaxx? AkosiIbarra?VentreCanard? Pati ng iba pang writers? Bakit tumatak sa atin ang stories ng mga paborito nating authors? Kasi bukod sa plot ng story nila, tumatak sa atin yung characters nila. Create strong characters. Gawin mo silang unique. Gawin mo silang realistic. Bigyan mo sila ng characteristics na magugustuhan ng readers at the same time, bigyan mo sila ng flaws.

3. Pagplanuhin ang outline!
- Kung desidido ka talagang magsulat at tumapos ng story, huwag kang didiretso sa Chapter 1 nang walang plano! Oo, alam ko na kailangan mong samantalahin habang binabaha ang utak mo ng maraming ideas at inspiration, pero I'm telling you... Hindi ka makakatapos ng kwento from inspirations and ideas na dumating lang sa 'yo ng isang araw lang na napakavague pa. Kumuha ka ng papel at ballpen tapos isulat mo lahat ng scenes na naiisip mo detailed man 'yan o hindi. Magsulat ka nang magsulat ng mga naiisip mong scenes para hindi mo makalimutan. Pagkatapos, kumuha ka ulit ng papel at ballpen at isulat mo ang outline ng story na gusto mong simulan. Simulan mo sa tema ng kwento mo, isunod mo ang characters. Sa pagsulat ng character outline, importante na masasagutan mo ang mga sumusunod:

Role:
Background:
Traits:
Goal:

Sa pagsulat ng characters, importante na may character development. Magkaroon ng dynamics ang kwento mo. Hayaan mo na may matuklasan ang character mo. Hayaan mong mag grow ang character mo. Hayaan mo sila matuto na para bang tao.

After mo sa characters, isunod mo ang plot. May elements tayo kaya importante na sundin mo iyon. Sagutan mo ang mga sumusunod kahit 1-2 sentences lang.

Exposition:
Rising Action:
Climax:
Falling Action:
Denouement:

Iyan ang magiging flow ng story mo. Kapag mayroon kang flow ng story, saka mo idetalye. Another tip: Malalaman mo na climax ang isang parte ng kwento kung nandoon na ang character sa point ng buhay niya kung saan "there's no turning back".

4. Research is the key!
- Iyang mga sinulat ko sa taas ay basic information lang 'yan lalo na doon sa characters. Yes, hindi mawawala ang research sa atin kahit nagsusulat tayo. Do more research on how to create strong characters. Marami kayong mahahanap na tips at guides kung paano at ano dapat mong gawin na higit na mas makakatulong sa inyo at sa pagsusulat ninyo.

Isa pa, importante rin ang research sa paggawa ng strong plot. Halimbawa na lang na umiikot ang story mo sa romance at 'yung bidang babae ay may sakit na leukemia. Hindi sapat at kailanman hindi magiging sapat sa story mo ang bastang alam mo lang na sakit sa dugo ang leukemia. Alamin mo kung paano nagkakaroon ng ganoon, paano treatments, ano 'yung mga nararamdaman ng mga taong may ganoon, paano buhay nila sa ospital, and so on. Magagamit mo 'yon sa character mo at mas magiging strong ang approach ng story mo. Remember tip no. 1!

5. Strong dialogues
- Isa pa sa magandang way para mabuild ang character mo ay through dialogues. Katulad ng mga totoong tao, malalaman mo kung anong klaseng tao siya sa pamamaraan niya ng pagsasalita. Create remarkable lines. Iyong may impact sa readers mo at syempre sa story mo. Huwag lang yung mga simpleng pakilig lang, ha? Iyong makakaapekto sa story mo dapat, iyong makakaapekto sa iba mo pang characters.

6. Writing is not and never a race!
- Kung may kaibigan kang writer at pareho kayong nagsusulat ng story, tapos siya patapos na ang kwento at ikaw ay nagsisimula pa lang, tandaan mo: ayos lang.

Kung may kaibigan kang writer at pareho kayong nagsusulat ng story, tapos siya nasa 100k na ang followers at ikaw ay less than 1k, tandaan mo: ayos lang.

Kung may kaibigan kang writer at pareho kayong nagsusulat ng story, tapos siya may published book na at ikaw ay nasa wattpad pa lang, tandaan mo: ayos lang.

Hindi karera ang pagsulat. Hindi competition ang pagsusulat. Hindi mo kalaban ang mga kapwa mo manunulat. Ayos lang kung hindi ka pa magaling kasi gagaling ka rin. Ayos lang kung ongoing pa lang kwento mo, matatapos din 'yan. Ayos lang kung wala kang maisulat dahil sa writer's block, makakasulat ka ulit. Ayos lang kung tagabasa ka lang mga tips katulad nito, isang araw ikaw din ang magbibigay.

Kaya sa last tip tayo!

7. Write for yourself!
- Lahat tayo, bilang manunulat, ay nangangarap na magkaroon ng published book. Lahat tayo gusto natin makilala ang mga sinusulat natin. Lahat tayo gusto magkaroon ng readers.

Pero tandaan natin na magsulat tayo para masatisfy ang sarili natin. Magsulat tayo para rin sa sarili natin. Hindi masama magkaroon ng ambisyon sa pagsusulat, pero huwag tayong papalamon sa kanila.

May mga kilala ako na nagsusulat kasi gusto nila magkaroon ng maraming readers, followers at reads ng story, pero noong hindi nila nakuha ay napatigil sila sa pagsusulat. Worse, inayawan nila. Worst, nawalan sila ng gana.

Alalahanin natin ang dahilan kaya tayo naging manunulat. Write to express your emotions. Write to express your imaginations. Write for yourself. Write to live. Write to breathe.

Pian PianWhere stories live. Discover now