Major Turn Offs in Writing

846 14 4
                                    

Major Turn Offs in Writing

— by: Luisa Arcueno

Kung iniisip niyo na sisiw lang ang pagsusulat ng akda-- one-shot, short story, novel o kung ano man ‘yan, kayo po ay lubhang nagkakamali. Para kang sundalo na sumabak sa giyera na tanging panulat lang ang sandata. Kaya bago ka magsimula, mag-isip isip ka muna.

Naniniwala ako sa kasabihang ‘A good writer is a good reader’, tama o tama? At kung nagbabasa ka talaga ay dapat alam mo na agad kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin ng isang writer, sa pagbabasa kasi hindi basta binasa mo lang, mahalagang naiintindihan mo ang binabasa mo at ang pinakaimportante ay maging observant kayo sa pamamaraan ng author sa pagsulat nila ng sarili nilang libro. So kung ginagawa niyo ‘yan, malamang eh, alam niyo na ang mga hindi dapat gawin at iwasan sa pagsusulat. Pero kung hindi at tamad kayong mag-observe o sadyang hindi lang talaga kayo nagbabasa eh bahala na kayo sa mga buhay niyo. Charot.

1. CLICHÉ PLOT. Ito, laganap ‘to sa wattpad mamser. Alam kong hindi lang ako ang nakakapansin nito. Ito rin ang major reason kung bakit hindi na ako nagbabasa ng stories sa wattpad. Mamser, alam kong hindi natin maiiwasan ang gumamit ng Cliché plot lalo na kung basta basta kalang nagsusulat. Yung tipong habang naliligo ka lang sa banyo at bigla kang may naisip na kilig scene kasama ang crush mo at boom! Isusulat mo na agad ng story. ‘Wag ganun, kung alam niyo cliché na ang plot na naisip niyo siguraduhin niyong makakagawa kayo ng mga kakaibang twist na magiging dahilan para umangat ang story niyo sa iba. Dahil sinasabi ko sainyo, marami kaming umay na umay na sa paulit-ulit na plot, katulad nalang ng; Isang nerd na bigla nalang magiging campus queen, Isang panget na maiinlove sa gangster, Isang mayaman at mahirap na magkakatuluyan, cold at masungit na guy na magkakagusto sa madaldal na babae. ‘Yung mga ganiyan mamser, sakit sa ulo promise.

2. PREDICTABLE SCENES/ENDING. “Hala! Parang alam ko na mangyayari sa huli” “Mamamatay yung bida!” “Ay, aagawin lang niyan ‘yung lalaki” “Alam ko na mangyayari sa susunod”. Ilan lamang ‘yan sa mga comments sa story mo na indikasyon na sobrang predictable ng mga pangyayari. At dahil nga na-predict na nila, siyempre hindi na sila magbabasa. Ganito kasi ‘yan, ‘wag po kayong bigay ng bigay ng clues. Wag niyo gawing obvious, magpakamisteryoso naman kayo. Bigyan niyo naman ng chance yung next chapter niyo na sila na ang maglabas ng rebelasyon, hindi ‘yung ibibigay mo ng sabay sabay.

3.LONG PARAGRAPHS. Yung tipong isang dangkal ang mga paragraphs mo? Masakit ‘yun sa ulo lalo na saming mga nagbabasa ng kuwento mo. Matutong hati-hatiin ang sentences sa tama. Mas ok pa nga kung isa o dalawang sentence lang tapos next paragraph kana ulit. para hindi kami nalulula sa dami ng words, dahil nakaka-boring, tbh.

4.TOO MUCH CHARACTERS. Kung gagawa kayo ng story ay ‘wag niyo nang balaking magpasok ng sandamakmak na characters, bakit? Kasi hindi namin ‘yan matatandaan lahat! Lalo na kung secondary lang sila, ‘yan ang ayaw na ayaw ko dahil mahina talaga ako sa memorization, tamang basa nalang ako minsan kahit hindi ko naman alam kung ano bang ganap ng character na ‘yun sa kuwento. Alam ko naman na marami kayong unique name na naiisip, pero parang awa, i-reserve niyo nalang ‘yan sa mga susunod niyo pang mga kuwento. Ok?

5. GRAMMATICAL ERROR. Kahit talagalog pa ang mga sinusulat mo, mahalaga na alam mo ang tamang spelling ng words. Kadalasan pa nga ay mas alam niyo pa ang spelling ng English words kesa sa tagalog, maling mali. Hindi mo hawak ang utak ng mga readers mo, kaya malamang sa malamang ay may mga nagbabasa na ayaw na ayaw ng mga maling grammar, (kailangan mong mag-adjust kasi ginusto mo ‘yan haha)

6. UNREALISTIC. Alam kong fiction ang isinusulat niyo mamser, pero! hindi exception ang pagiging fiction niyan para hindi niyo gawing makatotohanan ang mga pangyayari sa loob ng kuwento. Buti kung fantasy ang genre ng kuwento mo, maiintindihan namin ‘yun kung gagawa ka ng sarili mong mundo. Pero kung tungkol sa love ang isinusulat mo gawin mo namang makatotohanan dahil sinasabi ko sayo, mapapataas nalang ang kilay ng mga readers mo sa mga eksenang mababasa nila na hindi naman talaga nangyayari sa totoong buhay. Katulad nalang ng; ‘Nagkabungguan ang babae at lalaki, nahulog ang librong hawak ng babae at sabay silang dumampot nito. Nahawakan nila ang kamay ng isa’t isa ng hindi sinasadya at nagkatitigan. Unti-unti ay naglapit ang kanilang mukha at booo! alam niyo na ang kasunod’. Lol, kahit ako hindi ako makikipaghalikan sa taong nakabungguan ko lang haha. Again, tao po ang nagbabasa ng kuwento niyo kaya iparamdam niyo sa kanila ang pagiging makatotohanan nito.

Pian PianWhere stories live. Discover now