7 Advices for You

106 5 0
                                    

— Haileigh Verteller


Advice to the writers (underrated or not) out there:

1. BE YOURSELF/ LOVE YOURSELF.
Bilang manunulat, kailangan mong maging ikaw para mas masaya sa pagsusulat. Huwag mong itatak sa isipan na dapat kong gayahin si ganito ganyan para gumanda ang gawa ko. A big NO! Hayaan mong manalaytay sa dugo at pagkatao mo ang pagsusulat dahil mas lalo ka lang mahihirapan kapag pinilit mong maging katulad ng iba.

2. WRITE NOT TO IMPRESS BUT TO EXPRESS.
Karamihan sa atin ay nahuhumaling sa katanyagan. Mismo aking sarili ay hindi nakatakas sa ganitong kaisipan. Subalit,  napagtanto ko na wala rin iyong saysay kung hindi mo rin naman naihahayag ang totoong likot ng iyong isipan.

3. AIM FOR THE SPOTLIGHT.
Maaaring naguguluhan kayo sapagkat gaya ng sinabi ko sa ikalawa ay taliwas sa ikatlong bilang. Ang ibig kong sabihin sa pangatlo ay hindi tumatalakay sa gaano ka kasikat, ang inihahayag ko rito ay magsulat ka para may matulungan ka at makapagbigay ng inspirasyon sa iba.

4. GET AN INSPIRATION.
Hindi ko lamang tinutukoy kung SINO sapagkat pwede ka ring makakuha ng inspirasyon sa pamamagitan ng tanong na ANO.

5. ACCEPT CRITICISM BUT DON'T ALLOW IT TO STOP YOU IN WRITING.
Ang magkaroon ng pamumuna sa isang piyesa ay karaniwan na sapagkat iba-iba ang kalkula ng isipan ng tao. Mayroong may gusto at mayroong may ayaw. Tanggapin mo ang inihahayag ng kanilang isipan. Tanggapin mo ito bilang lakas para sa pagsusulat, gamitin itong motibasyon upang mag-improve ka pa sa pagsusulat at huwag na huwag hahayaan na maging dahilan ito ng pagkawalan ng iyong gana sa pagsusulat.

6. LISTEN TO ONE, NOT TO THEM. LISTEN TO THEM, NOT TO ONE.
Kapag maraming may ayaw sa gawa mo, pansinin mo ang isang taong sumusuporta ng gawa mo. Kapag naman may isang ayaw sa gawa mo, ituon mo ang iyong pansin sa mga taong nakakakita ng halaga mo sa larangan ng pagsusulat. Subalit, kapag wala mismo sa dalawa, huwag kang panghinaan ng loob. Learn to appreciate your works na lang. Huwag hahayaang matigil ka sa pagsusulat nang dahil lang sa walang nakaka-appreciate sa mga gawa mo. Maniwala sa sarili.

7. GOD
Panghuli, always thank him after mong makaisip ng mga topics sa pagsusulat. Magpasalamat ka dahil mayroon ka pang lakas upang makapagsulat.

Pian PianWhere stories live. Discover now