Writing Your Own Masterpiece

1.4K 15 0
                                    

Writing Your Own Masterpiece
- Alexandra Javier

Hi. I just want to share these tips for aspiring writers out there.

When writing a story:

1. Think out of the box. Ang sabi sa 'min ni Mr. Wendell Capili sa isang workshop noon ng TV5 for Wattpad authors way back in 2015, wala naman nang original na backbone ng story. Kabit? Kambal? Bestfriends? Fubu? Arranged marriage? Lahat 'yan ay naisulat na. Nasa 'yo na lang kung paano mo gagawing kakaiba gamit ang sarili mong panulat.

2. Your characters should always be realistic. Kung gusto mong pumasa ang story mo sa mga kilalang publishing house, take note of this. Huwag sana nating gawing masyadong perpekto ang hero at heroine ng ating istorya. Your story should still reflect the reality of life.

3. Learn your grammar. "This" at "these"? "Daw" at "raw"? "Ng" at "nang"? Kailangan mong matutunan ang mga 'yan. Hindi mo kailangang ma-perfect, pero dapat ay may sapat ka ring kaalaman.

4. Be careful with your plot twists. Pwede 'yang mag-cause ng loopholes. Sa pagpapasa ng story, isa iyan sa mga laging naliligwak o ipinapabago ng mga editor.

5. Third person POV or first person POV? Your choice. 'Wag mo lang paghahaluin. Gugulo ang kwento kung ang writer mismo ay medyo magulo.

6. Research. Sa ibang lugar ang setting? Hindi familiar sa words? Naguguluhan? Research. Hindi lang sa internet kundi sa iba pang reading materials.

7. Be a good reader. Marami sa mga manunulat ang natuto nang tamang paraan ng pagkukwento dahil sa pagbabasa. Makakatulong ang pagbabasa ng local at inernational books para mapalawig pa natin ang ating kaisipan at pang-unawa sa mga bagay-bagay.

8. Know your limits. Incest? Kung iyan ang iikutan ng istorya, i-cancel mo na bes. Ex.: Paulit-ulit na nire-rape si heroine ng hero sa story. Kung ganoon ang ginagawa ng lalaki, wala na siyang karapatang matawag na hero o protagonist.

9. Alamin ang taste ng publisher na gusto mong pagpasahan. Magbasa ka ng ilang libro nila para alam mo kung anong klaseng mga istorya ang pumapasa.

10. Enjoy. Huwag kang masyadong magpaka-stress. Mag-enjoy kang magkwento. Magsulat ka lang. Magsulat ka lang nang magsulat. Hangga't may isang nagbabasa, magsulat ka. May naniniwala sa kakayahan mo.

There you go. Iyan ang ilan sa mga natutunan ko sa ilang taon bilang manunulat. My first book was published when I was 15 years old. So alam kong kaya n'yo rin.

I am no expert. Ang dami ko pa ring dapat matutunan. At bukas na bukas ako para sa mga bagong knowledge.

Goodluck!

Pian PianWhere stories live. Discover now