If a Writer Said...

136 1 0
                                    

If a Writer Said...

- Claverion Ivory


I'm out of ink - ibig sabihin, nawawalan siya ng gana sa pagsulat. Nakukulangan na siya sa motivation at inspiration para magpatuloy.

I will raise/lift my pen once again - ibig sabihin, handa na uli siyang magbahagi ng mga ideyang matagal ng nasa isip niya. Magsusulat siyang muli hindi para sa mambabasa niya, kundi para sa kanya.

Someone stole my pen - ibig sabihin, may nagnakaw ng akda niya. Well, hindi naman nauubusan ng magnanakaw sa mundo, paano pa sa larangan ng sining?

I will no longer write - ibig sabihin, sumusuko na siya sa larangan ng pagsulat. Hindi na siya makalikha ng mga akda na galing mismo sa puso niya.

PERO, kung likas sa kanya ang pagsulat-yung tipong hindi ka mapapakali kung walang ideya na pumapasok sa kaniyang isipan, babalik at babalik ito sa pagsulat.

Kung isa kang manunulat, hindi mo hahayaang mawala sa'yo ang talento na meron ka sa ganitong larangan.

Kung isa kang manunulat, kahit na anong pagpapababa ang ginagawa ng karamihan sa'yo, hindi ka magpapaawat at mas ipapakita mo pa sa kanila kung anong obra ang mayroon ka.

Manunulat ka, kaya huwag kang titigil sa pagsulat. Maari kang mawala sa kawalan, pero babalik ka rin sa kinamulatan.

Huwag titigil, okay? Kahit na pakiramdam mo napakalayong marating ang pangarap mo. Kaya mo 'yan!..

KEEP WRITING!

Pian PianWhere stories live. Discover now