Tips in Creating Your Story's Characters

137 3 0
                                    

Tips in Creating Your Story's Characters

— Cecilia E.C. Raymundo

Walang kuwento kung walang tauhan.

Madali lang namang gumawa ng hero at heroine, 'di ba?

Hindi rin.

1. Physical description.

— Watch your favorite movie and observe the characters in it.

Tapos, subukan mong isulat lahat ng naaalala mong physical attributes ng mga main leads.

Kaya mahalaga ang pagbabasa at pagre-research, bes. Para hindi maubusan ng adjectives sa pag-describe. Do this to your characters.

Bawat isa, dapat may profile. Parang slum book lang natin noong elementary at high school.

Gender, favorite color, favorite movies, crush, motto in life, favorite book, ambition, fears, likes, dislikes, best quality, etc.

Mga ganoong information.

2. Iwasan na maging generic ang pag-describe sa characters mo.

— Tall, dark, handsome. Drop-dead gorgeous.

Overused na, 'di ba?

Bigyan mo ng uniqueness ang mga bida mo.

Halimbawa, may nunal sa pisngi, may tattoo, may peklat sa tuhod, mahilig magdala ng payong, etc.

3. Attitude and emotional state.

Matapang ba, mataray, mabait, mali-mali?

Madali bang magalit o mahaba ang pasensiya?

May trust issues ba?

Depressed?

Know how your characters react to certain situations.

4. Behavior and mannerisms.

— May OCD ba siya, mahilig magbasa, makulit, may kakaiba ba siyang paraan sa pagsasalita o sa paggalaw?

Introvert ba?

Makapal ang mukha?

Sobrang kapal ng mukha?

Mala-adobe sa kakapalan ng mukha?

5. Names.

— Isiping mabuti ang ipapangalan sa magiging bida ng nobela mo.
Isipin mo na lang na kunwari, anak mo sila kaya dapat maganda sa pandinig.

Ang dami kong nababasa na sobrang pahirap i-pronounce ang mga pangalan—to the point na hindi ko na maituloy ang pagbabasa dahil sa kaiisip kung paano ba ang tamang pagbigkas ng mga pangalan.

Pero kung trip mo ang mga pangalan na mahirap i-pronounce para unique, nasa sa iyo na iyon.

Just justify kung bakit iyon ang napili mo.

Halimbawa, you named your lead character Evgeniya Petrov pero wala naman siyang dugong Russian.
Magiging hindi kapani-paniwala.
Ang pangalan ay dapat naaayon sa race, ethnicity, religion o kinahihiligan ng mga magulang ng bida.

Huwag iyong basta pinangalanan lang dahil sa “feel” mo lang o dahil uso o dahil cool.

Tandaan: Hindi required na i-describe ang bida sa unang paragraph pa lang at hindi rin recommended na ipakilala ang bida sa isang bagsak.
Unti-unti lang, at dapat i-apply mo rito iyong “show, don't tell” na technique.

Pian PianWhere stories live. Discover now