Show vs Tell (2)

110 1 2
                                    

Courgette

Okay, I'm here to share another tip na mas bibigyan natin ng atensyon at ipapaliwanag natin nang mas malinaw. I'll give my best para maipaliwanag nang maayos pero mas ifo-focus ko sa importance nito dahil may ilang naguguluhan kung paano at bakit kailangan pa ng technique na ito.

Show, Don't Tell

Bilang isa kang manunulat, sigurado akong pamilyar ka na sa tip na 'yan. Baka nga sa sobrang pamilyar ka na, pakiramdam mo gasgas na 'yang linyang 'yan. But no, madalas man 'yang makita at sabihin ng ibang writers (whether from social media, forums, blogs, internet, workshops), iba talaga ang kahalagahan ng "Show, Don't tell".

Malaki ang pagkakaiba ng "Telling a scene" sa "Showing a scene". Magbibigay ako ng example and try to observe the difference.

Example of telling:

"Hindi natin kailangan magtrabaho sa palasyo," madiin at galit na sabi ni Papa.

Example of showing:

"Hindi natin kailangan magtrabaho sa palasyo," mariing sabi ni Papa. Gumalaw ang mga plato at kubyertos sa lamesa sa bigat ng pagbaba niya sa baso kaya naglikha ito ng matitinis na ingay. Nanginginig ang kanyang kamay at parang anumang oras ay mababasag ito sa higpit ng kanyang hawak.

-

Notice the difference between the two. Ang scene dito ay ang galit ng tatay ng character at iyon ang binibigyang emphasis. Now, ang unang mapapansin ay ang pagiging wordy ng showing compared sa telling, pero that's not the real tea.

Sa telling, nalaman mo (as a reader) na galit ang tatay dahil simple at diretsahang sinabi ito.

Sa showing, nalaman ng reader na galit ang tatay dahil sa scene. Hindi lang basta nalaman ng reader dahil mas naramdaman nila ito.

Sa telling, walang participation ang imagination ng reader. Basta nalaman ng reader na galit ang tatay. Period.

Sa showing, may mavi-visualize na ganap. Mas naging active ang imagination ng mambabasa.

Imagination triggers emotions which is vital in writing. Bilang manunulat, kailangan ma-express mo nang maayos ang mood ng kwento mo sa mga mambabasa. Activating your readers' imagination intensifies the impact of your story.

Kapag gumagana ang imahinasyon natin, nai-encourage natin ang paglabas ng emotion. Meaning, imagination = emotions

Question: Paano mati-trigger ang imagination?

Trigger the senses. Iyon ang ginagawa ng "Show, Don't tell". Ipinapakita mo, ipinaparamdam, ipinapalasa mo sa mga readers ang story mo, hindi mo lang basta sinasabi. Hindi mo lang basta kinukwento.

Kapag mag-a-attempt kang mag "Show, Don't tell", always always and always include the five senses. Kahit hindi mo naman lahat isama, kahit isa o tatlo lang. Basta ang importante, mapaandar mo ang imahinasyon ng mambabasa.

Remember this: Iba ang impact ng bastang pagku-kwento sa ipinapakita't ipinaparamdam ang kinukwento.

Sa telling, ginagawa mong witness ang mambabasa mo. Simpleng pag-iinform lang ang nangyayaring interaction.

Sa showing, binibigyan mo ng participation ang readers. Hinahayaan mo silang maranasan at maramdaman ang eksena. Ito ang isa sa mga key lalo na kung ang genre mo ay horror o mystery/thriller.

Pero hindi lahat puro show. Mas mainam na i-show mo ang scene kung may major part sa chapter o sa buong flow ng story mo, pero depende pa rin naman sa writing style mo.

Kung ang scene naman ay hindi naman masyadong kailangan, sabihin mo na lang. Halimbawa na may eksena na inutusan ng nanay ang character mo na maghugas ng pinggan. Hindi mo na kailangan i-show pa kung paano siya maghuhugas ng pinggan. Mas magiging effective dito ang telling.

To master this technique, you must write a lot and read a lot. Magbasa ka ng ibang mga stories at obserbahan mo ang mga scenes sa isa o iilang chapter kung ano-ano ang ginamitan ng telling at showing.

Mas maganda kung hindi mo rin sosobrahan sa pagiging wordy ang isang scene. Kapag sobra-sobrang daming words to emphasize one scene, minsan mabo-bored ang magbabasa. Para kasing walang progress ang chapter dahil sa sobrang bigay mo ng details. Hit the dot. Accurate and precise words ang gamitin hanggang makakaya. Remember na ang goal mo ay hindi habaan ang pagbibigay eksena kundi i-trigger ang imagination ng mambabasa.

Stir the imagination of your readers without losing their attention. Iyon ang challenge.

Goodluck at sana nakatulong!

Pian PianWhere stories live. Discover now