The DON'Ts of Writing

574 16 4
                                    

The DON'Ts of Writing

— Macario Lobo


1. Do not edit/proofread while writing your first draft.

Nakaka-distract ito sa writing flow at nakakapagpabagal din ng writing process.


2. Don't mind the negative opinions just yet.

Sabi nga nila, lahat ng bagay mabuti man o mali ay pinupuna ng iba. Good story o bad story, may masasabi pa rin. Lalo pa at sandamakmak na ang mga pa-woke sa mundo. If you keep on minding them, madi-distract ka lang.


3. Don't force the story.

Y

es, may mga writers na nagsasabing pantser sila at sinusulat lang daw kung ano maisipan, but often these kinds of writers fall into the trap of not knowing how to proceed. Kaya as much as possible, gumawa ng plan o outline in the first place.


4. Don't read other's works while writing.

Ang pagbabasa ng gawa ng iba ay during the research and self-discovery period. Kapag nagbabasa ka pa habang nagsusulat ka, there's a tendency of falling into the trap of plagiarizing other's ideas, either consciously or subconsciously.


5. Don't write without proper research.

Again, unahin ang research at pag-take down ng notes bago ang writing proper. Hindi yung tanong ka nang tanong habang nagsusulat ka na. Tapos ang nakukuha mo pang sagot ay mali-mali. Porke nasa unang sagot ng google, yun na kinuha mo. You're falling in the trap of spreading fake news to to your readers kung writer ka na kulang sa research.


6. Don't write about what you don't know.

Paulit-ulit mo na sigurong nabasa ito sa mga writing tips. Because it's true. Kahit pa magtanong-tanong ka nang pahapyaw sa iba about things na hindi mo talaga maintindihan, there's a tendency na sabaw pa rin ang output mo when you tackle about things na wala ka namang alam. Nagsulat ka about medical school pero wala ka namang background sa medicine? Berirong. Yung character mo magiging Doctor Kwak Kwak ang labas. Kung trip mo naman talaga magsulat about a certain field, mag-research ka and by research, buy multiple books about the technicals of the subject. Don't be a dabbler.


7. Don't join the bandwagon.

Yung mga usong plot, story style, writing style ngayon, bukas laos na. At hindi lahat ng uso ay maganda. Di porke may nagsusulat ng mga "smut", "family stroke", mga kwento tungkol sa maseselang paksa tulad ng reyp, suwisayd, kanibalismo, nekropilya at kung ano-ano pang kahindik-hindik na plot na nauuso sa tabi-tabi  ay gagayahin mo na. Tandaan na may responsibilidad ang pagiging writer, at isa na riyan ang magpalaganap ng tamang asal, moralidad at legal na pamumuhay. Bagama't ginagamit din ang writing sa pagpapamulat sa mga ganitong issues ay mali pa rin na magsulat ng mga kwento na kinokonsinte ang mga imoralidad.


8. Don't think you're a good writer.

Kapag natapos ka na sa drafting, doon ka na makinig sa mga puna. Huwag mong isiping anggaling-galing mo porke nakatapos ka na ng kwento at marami kang reads. Huwag maging hambog. Pero huwag ding magpapaapi. Balanse lang. Makinig ka sa mga kritisismo na may sense kahit gaano kagaspang ang pagkakalahad. Mag-ingat sa mga maling puna na sugarcoated. Maraming ganiyan sa mga online contests na kung sino-sino ang judge. Pero huwag mo silang awayin at ikaw pa ang mapapasama. Just learn how to identify the good apples from poisoned apples in the witch's basket.


9. Don't believe in writer's block.

Ang writer's block ay isang sakit na hindi ka magkakaroon kung hindi mo nalaman ang tungkol dito. Aminin. Parang sa (self-diagnosed) depresyon lang 'yan na karamihan ng self-proclaimed na mayroon nito ay noong nalaman nilang mayroon din nito ang iba. Maraming valid reasons kaya tumitigil ang ilan sa pagsusulat—financial, lack of time, naputulan ng kamay, naputulan ng kuryente, nabulagan, etc.—pero never naging valid reason na tinamad ka lang at tinawag mo itong writer's block. May kasama pang signing off para magpabebe. Kapag nakita mo nang nag-sign off sa socmed sina George R.R. Martin, Lang Leav, John Green, J.K. Rowling, Stephenie Meyer, etc. dahil sa writer's block, saka ka na rin mag-signing off.


10. DON'T plagiarize.

Hindi na nga need pang sabihin ito coz everyone knows it. Pero usong-uso pa rin sa socmed yung mga lantarang kopyahan ng ideya para magparami ng followers. Nariyan pa ang mga nagreremix ng konsepto ng mga sikat na libro o pelikula't palabas. Tapos magpapaawa sa supporters kapag may nakapansin at sumita. May excuse pa na "inspired" lang naman daw sa source material, may nalalaman pang "intertextuality" at "accidental plagiarism." Tapos kapag buking na buking na, mawawala nang parang bula at gagamit ng panibagong identity para mag-plagiarize pa lalo.


11. Don't be afraid of rejections.

Pakapalan na daw ang kalakaran sa pagsusulat ngayon, sabi nila. Pero hindi ko ibig sabihin na kapalan mo mukha mo na kaibiganin ang mga staff ng isang writing platform para magka-award o sumipsip sa mga publisher para ma-publish ang libro mo. May mga kilala akong gumagawa niyan and they forever lost my respect. Ang kapal ng mukha na sinasabi ko is to learn to get up kapag na-reject ang manuscript. We've all heard about popular books na makailang beses munang na-reject bago na-publish. Syempre dahil di sumuko si author at kinapalan ang mukha. Hindi nagpadaig sa editor na andaming pinapabago sa kwento para lang mapublish. Hindi nagpadaig sa tukso na pagsabak sa mga maling kalakaran sa "industriya" ng publishing.


12. Don't be a famewhore.

Alam na natin to. Mga na-publish dahil dinala sa pagandahan, pagwapuhan, daig pa ang artista search at modeling search. Tapos ang kwento naman chararat. Kaya dumami ang bashers.


13. Don't be a puppet.

Isa pa sa mga iiwasan mo ay kapag napapasama ka sa mga writing groups na dinadala ka kung saan-saan. Mga nangangakong mapapublish ka pero dapat daw paramihin mo muna members nila by inviting friends, mga gagawin kang admin ng grupo nila hanggang sa wala ka nang time magsulat, attend ka daw ng workshop nila tapos ang certificate na ibibigay ay invalid dahil peke ang pangalang pumirma, may nalalaman pang awards-awards. In short, kapag ramdam mong budol-budol, stay away na lang at magsulat sa sulok. Kapag dumikit ka sa mga yan, marerealize mo na lang one day na yumabang ka lang pero hindi ka yumabong.


14. Don't expect overnight success.

Gaya nga ng mga nabanggit na, ang pagsusulat ay mahabang proseso. Huwag umasang sisikat o kikita nang malaki lalo na kung baguhan pa lang tayo. Di lang dahil sa nagiging delusyonal tayo kundi nagiging prone din tayo na mabiktima ng mga scammers kung uhaw tayo sa mga awards, atat ma-publish o ang layunin ay yumaman.


15. Don't use writing for revenge.

Madalas may mga nagco-confess na manunulat na ginagamit nila ang names ng mga kinaiinisan nila sa story para gawing kontrabida, ginagawan ng kahindik-hindik na bagay para daw makapaghiganti. Pero ang ganyang gawain ay ginagawa lang ng mga taong immature at amateur. Again, ang pagiging manunulat ay may responsibilidad. At ano sa tingin mo ang iisipin nung kaaway mo kapag nalaman niyang nagsusulat ka para gantihan siya? Magmumukha ka lang lalong kawawa at  talunan sa kanilang paningin.

Pian PianWhere stories live. Discover now