Paano pumili ng tamang genre para sa writing style mo?

90 3 0
                                    

Paano pumili ng tamang genre para sa writing style mo?

Courtesy: Hanzel L. Calangan
© Hanzel Writes Tutorials · WriteTip

— via Khayri Rednaxela Retsaoroz

Hindi ka puwedeng magsusulat ng romance dahil gusto mo o dahil ito ang patok sa readers. Hindi ka puwedeng magsulat ng historical fiction dahil may nabasa kang nobela at gusto mong gayahin ito. No. Your genre will define you as a writer. Walang masamang mag-explore at subukan at iba’t ibang genre. Ako nga, I write romance, fantasy, crime—even poetry on the side.


This tutorial will help you determine the genre that might fit your writing style better. Kung may nakaligtaan ako ay i-comment lamang para mabasa ng iba.


Romance - Boy-meets-girl scenario. Romance fiction takes up almost 60% of the bookstores anywhere. Kahit sabihin nating madali magsulat nito, ang problema ay ang pagiging cliche ng iba. Halos lahat kasi ng bagong writers dito sa Pilipinas, nakabalangkas na sa kanila ang "poor girl meets rich boy", "maldita meets nerd", "nerd meets the bad boy", at iba pang katulad ng mga ito.

Paano mo bibigyan ng sariling identity ang romance novel na isusulat mo? Paano kapag nasuya ang readers sa bulok na plot? Madali pa ba iyon? Lagi ninyong tatandaan na hindi porke't kinilig kayo sa isang ideya, dapat niyo nang isulat. Kailangang may sapat kayong kaalaman kung ano nga ba ang "romance" at ang mga nagpapatibay rito. So before writing one, magbasa muna kayo ng iba't ibang romance novels at pag-aralan niyo kung paano isinulat ang mga iyon.


Teen Fiction - Madalas magkamali ang mga writers sa genre na ito. Ang Teen Fiction genre ay tinatawag ding Young Adult Fiction na ang usual characters at readers ay nasa 12 to early 20s ang age. At ang mga themes sa genre na ito ay dapat nakasentro sa mga madalas na problema ng mga kabataan: juvenile delinquency, family problems, teenage depression, puppy love, peer pressure, school problems, at iba pa. Dito nararanasan ng main characters ang lahat ng "firsts" nila—first kiss, first love, first heartbreak. Madali lang ito para sa mga kabataan na isulat dahil napagdaanan nila ito. Kung ito ang pipiliin ninyong genre, make sure na may resolution sa huli, meaning dapat ma-resolve ng main character ang problema niya through his own efforts. Dapat may self-realization din that he can take into adulthood.


Horror, Gothic, Paranormal - ghosts, vampires, werewolves, angels and demons... dito sa genre na ito lahat ng iyan. Nakakatuwa na kahit papaano ay may mga authors na sumusubok sa genre na ito. Muling nabuhay ang vampire-werewolf combo nang lumabas ang The Twilight Saga. Vampires falling in love with humans... werewolves looking for their mates... naging patok ang mga ito. Tandaan lang na marami pang ibang paraan para maitawid ang genre nang hindi gumagamit ng romance. Sasaludo ako kapag nakagawa kayo ng pure horror/gothic/paranormal novel dahil talagang mahirap gawin ito. Siguraduhing haunting, eerie, at mysterious ang magiging tone ng isusulat niyo. Manakot, manggulat... iyang ang tasks ng isang horror/gothic/paranormal writer.


Fantasy - gods and goddesses, elves, dwarves, orcs, goblins, at iba pang mga mythical creatures ang kasali rito. Mahirap gawin dahil kailangan ng intense research at world-building ang pagsusulat ng isang fantasy novel. Anong klase ang mga gods and goddesses ninyo? Parang sa Greek mythology ba? Eh, ang mga elves, dwaves, orcs, at goblins... parang sa The Lord of the Rings ba? May sarili rin ba silang language at alphabet? Mahirap talaga ito dahil bago ninyo isulat ang nobela mismo, kailangan ninyong buuin ang mundong gagalawan ng mga characters ninyo. So, kung tamad kayong writer at gusto ninyo ng mabilisang pagsusulat, maghanap na lang kayo ng ibang genre na babagay sa inyo.


Science Fiction, Dystopian - "what happens to the society in the near future?" Ito ang madalas na sinasagot ng genre na ito. Future inventions, social and political structures... isipin ninyo iyong Divergent series, The Hunger Games trilogy, Mortal Instruments... ganun. Intensive research din ang kailangan dito. At dapat mapanindigan ang pagsusulat. Minsan kasi nagiging far-fetched o hindi na kapani-paniwala ang nangyayari sa kuwento. Write it close to reality para makapag-isip ang readers ninyo ng "totoo kaya ito?" Take The Da Vinci Code, as an example. Madaming naniwala dahil supported by facts ang nobela.


Ilan lamang ang mga ito sa puwedeng pagpilian kapag magsusulat kayo ng nobela. Siguraduhing comfortable kayo rito at matatapos ninyo. Magbasa kayo ng mga librong related para makapag-research at magka-idea kayo kung ano ang kalalabasan ng inyong kuwento. Higit sa lagat, kung ano ang pinakamalapit sa inyong puso, iyon ang isulat ninyo.

Pian PianWhere stories live. Discover now