'Aspiring Writer'

113 3 0
                                    

Bakit nga ba ‘aspiring’ pa rin hanggang ngayon ang isang ‘aspiring’ writer?

— Cecilia Reymundo (Tamara Cee)  via Stix Rein WP

“Gusto kong magsulat.” “Gusto kong makatapos ng manuscript.” “Gusto kong magkaroong ng libro.” “Gusto kong maging writer.” 'Yan tayo, eh. ‘Yung feeling natin, kayang-kaya nating makabuo ng nobela. Marunong naman tayong mag-English, siyempre, kaya kong maging writer! Aba, ang dami riyan na nakapagsulat ng kwento kahit walang kwenta, siyempre, mas magaling tayo, diba?
Ahm, baka hindi rin. Iba-iba kasi ang tao, at lalo na ang kakayahan ng bawat isa na magsulat. ‘Yung madali sa kanila, baka hindi mo kaya.

1. Gustong maging writer pero hindi mahilig magbasa.

Parang gustong mag-drive ng sariling kotse pero ayaw matutong mag-drive. Lahat ng writer - okay, hindi lahat pero karamihan sa mga successful writers, bookworms. Wide readers, hindi lang ‘yung genre nila ang binabasa nila kundi kahit na ano. Reading and writing always go together.

2. Gustong maging writer pero tamad magsulat.

Common sense diba? Kung gusto mong maging writer, magsulat ka. Pero aminin, marami ngayon, lalo na sa mga kabataan na gustung-gustong maging writer at gusto pang ma-publish pero hindi naman nag-e-effort magsulat ng manuscript. Oo, nagsusulat ka pero hindi sapat ‘yung ‘nagsusulat’ ka lang. Marami pang bagay ang kaakibat ng pagsusulat na dapat malaman at gawin bago makabuo ng isang magandang manuscript dahil ang pagsusulat ay isang mahaba at masalimuot na proseso. Sa tingin mo ba, matututo kang magsulat sa isang upuan lang? How we wish!

3. Gustong maging writer pero ayaw ng kritisismo, ng pagbabago.

Maraming writers ngayon, lalo na sa mga kabataan at baguhan na feeling ‘entitled’. Na porque maraming pumupuri sa manuscript nila, porque maraming readers, maraming followers, porque sikat, gusto nila, ma-publish agad-agad. Aba, aba, aba! Though maraming napa-publish dahil sikat sila o ‘sinuwerte’ sila, hindi lahat, gano’n ang destiny. ‘Real’ writers work hard, write hard.

4. Gustong maging writer pero sumusuko na agad, wala pa man.

Real talk tayo, mga bes. Karamihan ngayon, bumabase na lang sa number of reads, votes, followers at positive feedback. Siyempre, nakaka-inspire, diba? ‘Yung tipong kaka-update mo lang, then after 10 minutes, hundreds of reads at comments na agad kaya feeling mo, ang galing mo na, ang ganda ng isinulat mo! Nakaka-high, diba? Pero kung ilang araw, ilang linggo na ang nakakalipas pagkatapos mong mag-update ay isa o dalawang reads pa lang ang nakuha mo, wala na, feeling mo, finish na. Kapag nag-submit sa pubhouse tapos, rejected, mawawalan ka na ng loob, mawawala na ang lahat ng tiwala mo sa sarili mo na parang bula. Feeling mo, loser ka, mag-isa ka at iniwan ka na ng sanlibutan kaya magde-deactivate ka ng mga accounts mo sa socmed, buburahin ang mga works mo sa Wattpad at magtatago sa lungga na ikaw mismo ang may gawa. Eh, hindi pala talaga maging writer ang pangarap mo. Gusto mo lang, sumikat.

Sabi nila, wala raw term na ‘aspiring writer’ kasi nga, kung writer ka, writer ka. Pero tingin ko, depende na lang siguro sa tao. Tingin ko, napaka-self-centered naman kung sasabihing ‘kung writer ka, writer ka’. Eh paano kung gustung-gusto kong maging writer pero hindi ko pa nasubukang magsulat, wala na ba akong karapatang mag-aspire? O well, mahabang usapin ‘yan pero sa ngayon, kung sa tingin mo ay ‘aspiring’ writer ka, huwag kang mag-settle na maging ‘aspiring’ lang. Dapat, do something. Make an effort and make some sacrifices to become a writer.

Fine, gusto nating magsulat pero ang tanong, bakit natin gustong magsulat? Minsan kasi, hindi sapat 'yung gusto lang natin. Dapat, may goal tayo, may drive to achieve our goal, and then we do something about it. Nagsusulat ba tayo dahil gusto nating ma-publish, sumikat, kumita, o passion lang talaga?

Kung gusto nating ma-publish, magbasa nang magbasa - be a wide reader. Makakatulong 'yon sa pagsusulat. Hindi p'wede 'yung gusto nating ma-publish pero wala naman tayong ginagawa kundi mag-rant na kesyo wala namang pumapansin sa gawa natin o kaya wala tayong time magsulat o parati tayong may writer's block. Let's do our best to improve our craft. Writing is a never ending learning process. Kung tamad kang matuto at mag-aral, hindi ka p'wedeng maging mahusay na manunulat. Hindi madali ang pagsusulat at lalong hindi madali ang makipagsabayan sa industry na saturated na ng magagaling at sikat na authors.

Pian PianWhere stories live. Discover now