Tips in Creating Book Covers

218 6 0
                                    

Tips in Creating Book Covers
— Sirene Boneuveur

Tips para sa mga gagawa ng book covers:

1. Pictures

Huwag gagamit ng mga drawings ng iba.

- 'Yung issue nung nakaraan about copyright, nangyari 'yon because illustration ang ginamit niya para sa book cover. THAT IS A BIG NO-NO! Always check the site na pinanggalingan ng picture na yon, alamin kung gawa ba yon ng iba. same goes with fan arts, sa mga anime ang gamit na pictures dyan, siguraduhin niyong hindi fan art yang ginagamit niyo, ha! you may use pics from pinterest naman, yung iba mga renders ng anime pics, i think pwede naman yon magamit.

Devart, Pinterest, Pngall, Resplash.

- You may use the sites above in getting pictures for your cover. pinterest ang alam ng karamihan, sa mga ez covers dyan, ayan, pinterest ang sagot, pero ingat lang ha! If manipulated or blended edits ang trip mo, yung mga effects and texture packs, pwede kang makakuha non sa deviant art. Tsagaan na lang sa paghahanap ng mga free packs, may mga artist na libre lang binibigay yon, yung iba naman may bayad. Kung need mo ng mga png pictures, sa pngall ka na! though, hindi lahat meron, pero at least marami-rami rin, i'm not sure kung copyright free yon though. Yung resplash naman, ayan safe na safe, hahaha.

You can draw or illustrate your own cover.

- Kung takot na takot ka talaga sa copyright na yan o napaparanoid ka, edi ikaw na lang mismo ang gumawa ng illustration! Hindi ka marunong magdrawing ng tao? May free bases sa pinterest, bakatin mo! Meron din dong facial expressions and features na pwedeng gamitin! Kung ayaw mo ng ganon, manood ka sa youtube, search ka ng mga step by step sa pagddrawing.

- Pwede rin namang simple lang, splash art, watercolor art, para iwas copyright talaga, kasi gawa mo talaga yon, eh.

- O kaya, eto last option, magpicture ka sa pose na gusto mo itsura ng character, tapos gamitin mo yung pic mo as base, hahaha. Bale magvevector art ka ganern!

2. Texts

• Dark BG, Light BG (vice versa).

- Regarding naman sa titles and kung ano pang chuchu ang ilalagay sa book cover niyo, laging isipin yung opposite rule (yun tawag namin lol). kapag alam niyo namang pasok sa dark side ang background dapat light ang text para magpop out. Pwede namang baliktad though, pero I recommend na yung BG lang yung dark.

• Dafont, Myfont.

- Sa dalawang site na yan, pwede ka magdownload ng iba't ibang fonts, cursive man, sans, gothic, or whatever, may mga ornaments din dyan, Yung mga flower flower chuchu. ios man or android, pwedeng pwede!

• Use accurate fonts!

- Kapag mamimili ka ng font, siguraduhin mo na aakma yon sa background, title at ang mismong story mo. Isipin mo yung story mo princessy like ganern, tapos ang font mo pang gangster, ang weird kaya tignan! I recommend using calligrapht/cursive and sans/sans serif fonts if beginner ka pa lang sa paggawa ng book covers. Safe yon, pwede sa kahit anong genre.

3. Design

• Make A Draft.

- Ang paggawa ng covers ay gaya lang din ng paggawa mo ng story mo. Try mo munang isipin kong anong itsura ang gusto mo, kumuha ka ng papel at panulat, idrawing mo lang, rough draft, para may idea ka.

• Be creative!

- Mag explore ka lang ng iba't ibang designs, tingin ka sa pinterest ng mga itsura ng book covers, o kaya rito sa FB, observe mo yung mga itsura ng covers nila, surely makakagawa ka ng idea ron, pero wag mo gagayahin! Be unique!

4. Apps

• Drawings

- I recommend autodesk, kung gusto mo ng vector art or mga realistic na drawings, autodesk talaga, marami ring brushes and colors na pagpipilian for free!

- I recommend ko rin ibis paint x, I think para sa animes and icon edits, etc. Maganda gamitin ang ibis, sa mga blending blending and manipulation ng pictures at distortion, sobrang handy nito!

- Para sa mga beginner, i think picsart would be a good start, medyo complicated kasi yung dalawang nauna, maraming controls din, pero pag nasanay ka naman magagamay mo rin yon.

• Texts

- Highly recommended ko ang pixellab for texts! may mga additional effects don like embellishing tapos masking chuchu and may texture ang fonts! Yung iba di ko naman nagagamit kasi di ko gets, lol.

- Hindi applicable ang pixellab sa IOS, so for IOS users I recommend phonto naman, it's a great app din, ang daming fonts tas may free pictures din.

- Suggest ko rin yung canva, para sa mga nalilito kung anong fonts ang gagamitin, may mga provided fonts na ang canva. May mga templates din tapos pictures, Para sa mga low storage, eto maganda gamitin.

• Final touches

- Lightroom, kung trip niyo yung mga aesthetic chuchu, ayan punta na sa lightroom!

- Vsco, eto maganda rin pero di ko masyadong nagagamit, mas gusto ko kasi yung pati colors naaadjust kaya sa LR ako.

- Polarr, dito naman, tamang dl ka lang ng codes kapag di ka marunong nung mga adjustments. (Hindi lahat ng gadgets available to, depende na lang sa version ng gamit niyo.)

• Others

- Kapag magddl ng mga texture packs galing deviantart, or mga fonts galing dafont, may [.zip] na kasunod yung file name non. bale kailangan mo pa siyang i-unzip para magamit, I recommend RAR ang gamitin mo para sa pag a-unzip, madali lang siya gamitin actually, so ayon!

Thank you for this.

— from Admin

Pian PianWhere stories live. Discover now