Random Writing Advice (2)

90 1 0
                                    

— Calieste Ignacio

I am not a very good writer, I’m still learning and trying my best to improve. But I’ll give you some writing tips that would help you.

1. Bago ako gumawa ng story, gumagawa muna ako ng outline.

Though hindi ko naman siya minsan nasusunod, malaki pa rin ‘yong tulong noon bilang guide habang nagsusulat ka. Sobrang laki ng tulong ng outline. Kung ayaw mo lumiko ang istoryang sinusulat mo, gumawa ka niyan.

2. I usually browse on Pinterest.

Tumitingin ako roon ng mga motivational qoutes from famous writers then I’ll look for book covers after. Naghahanap ako ng aayon sa panlasa ko. Makatutulong na mag browse tayo nang mag browse ng pictures kasi minsan unang tingin pa lang natin sa isang larawan may plots na tayong naiisip.

(Admin insert: Please be wary of what you save from Pinterest. Using someone's art without their permission can be considered as plagiarism. Kahit na hindi mo alam na kaniya 'yon. Instead, create your own. Para safe.)

3. Try to listen to meaningful music.

Hoy, sobrang laki ng tulong sa akin ng pakikinig especially old songs. Sobrang meaningful ng lyrics at ang ganda ng tono. I suggest you na makinig kayo ng old songs dahil for sure babaha ng plots sa utak niyo.

4. Huwag kayong magmadali sa pagsusulat.

Halos karamihan sa atin ganoon. Nagmamadali, lalo na pag may pumasok na panibagong plot sa utak natin. Stick muna tayo sa on going. Damahin mo ‘yong pagsusulat, i-enjoy mo. Pero kung kaya mo naman pagsabayin, why not?

5. Huwag na huwag niyong iisipin ‘yong kahihinatnan niyo.

Like ‘yong future mo sa pagsusulat. No. Enjoy your writing journey. Magsulat ka lang nang magsulat may nagbabasa man o wala.

6. Most of us nakakaranas ng pagiging batugan. Sa pagsusulat, kailangan din natin ng disiplina. We must discipline ourselves if we want to finish our book. Normal lang naman na tamarin, pero disiplinahin natin ang sarili. Malaking tulong ang disiplina.

7. Iyong gusto mong magsulat pero parang wala kang ganang magsulat? Ify. Ang kailangan lang natin ay pahinga at mag-relax. Huwag natin i-pressure ang sarili natin. We’re writing to enjoy and share our unsaid thoughts. Always remember that. Magpahangin ka, inom kape, makinig ng music. Makatutulong ‘yan para maibalik ang sigla mo sa pagsusulat.

8. Try to read some dictionaries for a wide vocabulary. Malaking tulong ‘yong magbasa. Or hindi naman kaya ay magbasa ng stories ng mga magagaling na writers. International books.

9. Try to communicate with your co-writers. I tell you, nakaka-motivate. Try to read their stories too. Believe it or not, once na nakatapos ako ng story ng hindi sikat na manunulat, na-m-motivate ako magsulat. Idk why though.

10. Kung magsusulat kayo ng isang story, much better kung may playlists kayo. Ganito ang gawain ko at sobrang laki ng naitulong nito sa akin. Mas nailalabas ko ‘yong emotions ko sa tuwing nakikinig ng music habang nagsusulat. I usually listen to old songs. Try niyo makinig sa mga pinapatugtog ng parents niyo. Maraming old songs na magaganda na maaaring magbigay inspirasyon sa inyo. Thanks to my Mom haha.

Always remember, hangga’t may isang nagbabasa, huwag kang titigil. Kahit walang nagbabasa, mas huwag kang tumigil. Magsulat ka lang nang magsulat. Lahat tayo ay dumaraan sa proseso. Keep on writing peeps!

Pian PianWhere stories live. Discover now