Random Writing Advice (4)

111 3 0
                                    


— Bemrose Tarro

Ngayong binabasa mo ito, gusto kong sabihin na huwag kang sumuko sa pagsusulat. Alam kong naranasan mo na ring mawalan ng pag-asa na tapusin ang akda mo dahil walang reads and votes. At some point of our lives, naranasan na natin 'yan at hindi rin ako exempted doon. Pero gusto ko lang na malaman mo na hindi batayan iyon para sabihing hindi ka magaling na writer. Maging masaya ka pa nga dahil may kalayaan ka na magsulat (walang bashers at toxic readers). Isa pa, hindi ka pressured na tapusin agad iyon dahil natatakot ka na baka hindi nila basahin kasi ang tagal mo mag-update.

Tip ko lang, namnamin mo muna ang pagsusulat lalo na kung nag-uumpisa ka pa lang. Bigyan mo ng buhay ang pantasya mo at ang characters na ginagawa mo. Kahit na cliché or kahit na ikaw lang ang nakaisip noon. Magsulat ka lang. Kahit na jeje, or kahit na isang scene lang at walang ending. Dahil sa araw-araw, may maiisip ka naman na ideas na biglang lalabas sa brain cells mo. Huwag kang matakot na magsulat dahil pwede mo namang i-edit iyon pagkatapos. Walang pipigil sa'yo. Tandaan mo 'yan.

Next tip, please lang, bigyan mo ng kalayaan ang characters mo na mag-isip katulad ng isang normal na tao. Isa iyan siguro sa dahilan kung bakit hindi nila tinutuloy ang pagbabasa. Dahil ako bilang reader na rin, iyon ang ginagawa ko. Hindi ko tinutuloy lalo na pag yung bida is immature mag-isip kahit na 20+ old na (pwera na lang syempre kung may mental illness siya, may back story o history kung bakit ganoon) o hindi kaya ay isang student na nag-aaral sa isang magandang paaralan na walang ginawa kundi maghanap ng jowa, hindi nag-aaral ng mabuti, pero nakakapasa? at with honors? (exempted syempre yung mga gifted).

But come on guys. Wala akong pinapatamaan at nagsasabi lang ng totoo but sa tingin ko, wala namang ganoon na tao. Hindi siya nag-eexist, ika nga nila. Sino ba naman ang may gusto na ang bida e kahit na inaapi na siya pa ang mag so-sorry? May ganoon ba? Aba! Sa tingin ko kung normal na tao iyon, syempre lalaban iyon! Kung hindi naman pisikalan e marahil ay magsusumbong sa magulang, ikwekwento sa kapatid or pupunta sa teacher or guidance para ireklamo si classmate. Sa madaling salita, gawin mong makatotohanan ang storya. Please lang.

At huling tip naman ay hindi porque't uso ang ganoong kwento e iyon ang isusulat mo. Well, wala namang masama roon pero marami itong disadvantage. Isa na rito ay kawalan ng inspiration. Oo, sa umpisa ang saya saya mo, punong puno ka ng motivation na isulat iyon dahil nagandahan ka sa set-up (Hal. Isang CEO na nainlove sa secretary or sa isang college student or sa isang waitress, so on..). Kilig na kilig ka kasi pero you know what, sa umpisa lang pala iyon. Kasi pag nasa gitna ka ng story bigla ka na lang hihinto at mapapaisip ng malupit kung ano ang isusunod mong scene. Bakit nga ba nangyari iyon? Una, nawalan ka ng motivation kasi naubos mo ng basahin ang ganoong theme at genre. Pangalawa, wala kang ideya about business. Hindi ka kasi nag-research. Pangatlo, hindi mo alam ang takbo ng utak ng characters mo. Binase mo kasi siya sa mga libro na binasa mo at ikaw bilang writer e, naguguluhan na rin. At ang ending. Pinindot mo ang un-publish kasi hindi mo kayang tapusin. Worst deleted pa. See?

Huwag kang magpadala sa damdamin. Naranasan ko na kasi iyan. Mag-brain storm ka at paghandaan mo. Oo at sinabi ko sa unang tip na magsulat ka nang magsulat kahit na cliché, jeje or whatever pero sinabi ko rin sa huli na maie-edit mo naman iyan. Yes! Iyon ang solusyon! Edit at magproofread kung hindi mo napag-isipan ang istory. Bumalik ka sa umpisa at himayin muli ang storya. Ilista mo ang dapat mong tandaan sa characters at kwento. Kung pwede e, palitan mo na lang ang naunang scene na sa tingin mo e cringe or halatang ginaya at binase sa isang story. Make it your own, guys. Katulad ng sinabi ko, hindi naman iyan masama pero mas mahihirapan ka naman na tapusin or worst e hindi mo matapos (sayang ang effort diba?). Kaya kung naiisip mong gawin iyon, paghandaan mo muna. Tandaan, hindi lahat ng uso e maganda at papatok agad. May mga tao na hindi ganoon ang hanap at mas gusto ang kalidad ng istorya.

So, sana may natutunan kayo sa aking mga tips. Tips lang yan, it doesn't necessarily mean na dapat niyong sundin. Padayon! Keep writing guys!

Pian PianWhere stories live. Discover now