Plot and Character Tips

3.1K 17 0
                                    

— Yunna Jung

May mga ilang tips ako sa nahihirapan gumawa ng character at iba pa na may kinalaman sa pagsusulat sa kanilang istorya. Ito ay tips galing sa workshop na sponsored ng publisher ko.

Plot Tips

Alam ko sa inyo nahihirapan magsulat ng plot o mag-isip. Kadalasan pa nga eh isinusulag natin sa papel pero di natin alam kung ano ang susunod na gagawin so eto yung mga tips para hindi kayo mahirapan.

1. Make an outline

Outline plays an important role on your story. Ito yung magsisilbing pundasyon ng storya niyo para hindi kayo maglihis ng daan. Alam ko sa inyo na hindi gumagawa ng outline pero sinisigurado ko sa inyo na 100% sure ako na Outline will help you para maging straight ang story niyo. Hindi ko to naaappreciate noong una pero totoo po talaga na malaki ang naitutulong ng pag-ooutline ng storya.

2. Basic Outline:

Title
Genre
Theme
Characters
Settings
Plot
   Background of the story
   Rising Action
   Climax
   Falling Action
Conflict
Resolution

Outline will help and guide you kung saan ba talaga patungo ang storya mo. Kung nafill mo yang outline na yan, hindi ka mawawala sa landas.

3. Fill the stories with the things you love

Mas mainam kung ilalagay niyo iyong mga bagay na nakakapagpasaya sa inyo. Kasi pwede 'yon na maging remarkable sa characters and readers niyo.

4. Break your story into scenes

Super effective nito at ito ang ginagawa ko ngayon sa mga story ko. Tsinachop-chop ko yung chapter sa bawat scenes para tuloy-tuloy yung pagtatype ko. Iwas loopholes din at mas matatrack ng maayos yung loopholes at yung unwanted scenes or filler scenes sa isang chapter.

5. Create suspense and drama

Limitahan niyo yung flow na alam ng readers para mas maexcite sila. Hayaan mo silang mag-isip kung ano ang mangyayari. Effective to sa mga romance na may love triangle. :)

6. Defeat writer's block

You can defeat your writers block sa pamamagitan ng brain dumping at free writing o kaya brain storming.

Ang brain dumping ay eto yung mga bagay na naisip mo na simula pagkagising mo hanggang sa present time. Kumbaga random. At sa random things na maisusulat mo, may mga maiisip kang scenes. Effective to sakin. Ito ginagamit ko kapag wala na akong maisip na scenes sa story ko. Lahat ng ginawa ko mula umaga isinusulat ko tapos pipili ako doon ng mas appropriate na scene para sa story ko. You can categorized your brain dump list into bullet form

Sa free writing naman. Ito yung isusulat mo lahat ng pumapasok sa utak mo. Dito pwede ka mag-explore kapag dead-end na yung naisip mo. You can also list of topics to write. Kahit bagong story na naisip mo or concepts or plans. Huwag mo rin idedelete yung unrelated ideas na naisip mo, isulat mo lang kasi sooner or later magagamit mo rin sa susunod na stories mo. Pwede ka rin magsulat ng random conflicts. Tapos pumili ka na magfifit para sa story mo.

Sa brainstorming, write but you have a goal. Eto yung pupunan mo lahat ng nilalaman sa outline at saka isusulat ng ayon sa outline na ginawa mo.

7. Show. Don't Tell.

Mas effective kapag hahayaan mo yung actions and emotions ng characters pati dialogue ang magreveal ng stories

8. Put yourself on your character's situation

Super effective nito. Isipin mo na ikaw yung character. Ilagay mo yung sarili mo sa posisyon niya at kung paano mag-isip ang character mo then write. Effective ang ganito sa kahit anong genre ng story lalo na kung romance at may mga break up scenes. 100% walang palya. Importante kasi na may mabuong attachment sa character mo at sa readers.

Isipin mo kung ikaw yung reader at naattach ka dun sa character na yon tas bigla siyang namatay. Ang laking impact no'n o kaya couple na happy ending na sana. Pero nagbreak bigla.


Character Tips

Characters plays an important role in the story. Kaya kailangan magive mo yung justice na dapat para sa kanila. Ang iba nahihirapan kapag magshishift na ng POV. So here the tips.

1. Give your character a detailed background

Personality - dapat mabigyan ng justice yung personalidad nila. Walang perfect na characters kaya siguraduhin na may flaws ang characters niyo kahit mayaman pa siya o presidente ng bansa.

Cultural influence
* Nationality
* Religions
* Physical and Mental Ability
* Ethnicity
* Sexuality
* Gender Identity

Experience
* Parents/Friends/Past&Present Relationships/Educational Experience/Occupations/Happiest moments/Traumas

External expression.
* Body Language

A detailed character background will help you to differentiate your characters especially when shifting POV from one to another.

2. Flaws and heroic personalities should be balanced

Your character is a human. Walang taong perpekto kahit gaano pa siya kayaman. He or she has flaws pero dapat balance ang flaws sa heroic personality niya. Dapat may katangian din siya na maganda na magcocontrast sa pangit niyang ugali.

3. Let your character to experience everything as a human

Huwag mo limitahan ang karakter mo sa bagay na pwede niya maexperience. Tao siya sa istorya mo. At ang tao ay nakakaexperience ng iba't ibang bagay.

Pian PianWhere stories live. Discover now