Mga Kadalasang Sablay ng mga Aspiring Author

95 3 3
                                    

Mga Kadalasang Sablay ng mga Aspiring Author

— Sharmyn Lightwood-Bane

1. Reading without comprehension.

Lalo na tuwing may call for submissions. Nakalagay na nga sa post ang mga detalye, magtatanong pa. Nakalagay na nga na Romance, 4K-5K words at ang deadline of submission, biglang, "Any genre po? Ilang words po? Hanggang kailan po pwedeng magpasa?"

Tapos iyong subject, may format na nga, mali pa. Nganga. Subuan na kita. Pambihira.

Additional: Hindi lang sa pagpapasa ng manu, pati na sa mga writing contests. Nakalagay na lahat-lahat, magtatanong pa. Huwag tamaring magbasa.

2. Tamad mag-research.

Nakitang nagtatapos sa gmail.com ang e-mail address ng publisher, tatanungin ka ng, "Pwede po bang magpasa ang naka-Yahoo?"
Joke ba 'to?

"Hindi po ako marunong mag-double space."
"Paano po 'yong .doc format?"
"Hindi ko po mahanap ang indention."

Tip: Sa iba n'yo 'yan itanong, huwag sa publisher. May mga mas importanteng tanong silang dapat i-entertain.

Additional: Basta-basta na lang gumagawa ng kuwentong komplikado without research. Bumabase lang sa nalalaman. Maglaan ka dapat ng oras mo para mag-research.

3. Hindi resourceful, walang initiative.

Sinabi na ngang sa e-mail lang tatanggap ng submission, hihiritan ka ng,

"Wala po akong e-mail. Pwede po bang i-send ko na lang sa Messenger?"

'Tapos masisira ang format na sinabi ng publisher. Talaga? Hindi n'yo naisip na gumawa kung wala? Migosh, Cassie.

"Hindi po available ang ganitong font sa phone ko. Pwede po bang ito na lang?"

Taray, publisher pa pinag-adjust. Hindi naisip na pwedeng magpunta ng computer shop at doon ayusin ang format? Gusto maging writer, tamad gumawa ng paraan?

4. Ayaw mag-improve.

Kahit sa technicalities man lang, ayaw mag-effort.

"I write to express, not to impress."
Utot mo.

"E, may editor naman."
'Tapos magrereklamo ka na mahal ang rate kasi tadtad ng errors ang manuscript mo?

"Trabaho ng mga publisher na i-edit ang mga librong ilalabas nila."
Kasama ba manuscript mo doon? Hindi ka nga sure kung makakalusot ka sa evaluation.

Additional: Magbasa-basa ka. Maraming nagkalat na writing tips d'yan about technicalities, at iba pa. Hindi basta-basta ang pinasok mo. Tulungan mo naman sarili mo.

P.S. Marami-rami ang matatamaan, pero kailangan n'yo talaga 'tong mabasa. I-comment n'yo pa napapansin n'yo nang magising sila.

Pian PianWhere stories live. Discover now