Tips on Making Conflicts and Sub conflicts

70 2 0
                                    

Tips on Making Conflicts and Sub conflicts

— Yunna Jung

First, ano nga ba ang conflict? Ito yung part kung saan nagkakaroon na ng problema ang sarili mong character. Kumbaha, simula ng climax. Ang conflict ay pwede sa sarili ng character mo, or sa ibang tao, between your character and his environment, etc.

Ang sub conflict naman, eto yung mga maliit na conflict na pwedeng magmula sa main conflict ng story mo. Kumbaga ito yung maliit na sanga sa puno. Tapos yung main conflict ang ugat. Ang sub conflict ay pwedeng sa kaibigan, sa relasyon o 'di kaya ay sa pamilya.

Tips

1. Mag-isip ka muna ng ilang conflict na tutugma sa plot ng iyong istorya. Isulat mo lahat. Lahat ng details na kailangan mo. Kasi kapag hindi mo nasulat lahat, paniguradong magkakaroon ka ng problema along with your story.

2. After writing the different conflicts na pwede mag-fit sa story mo, i-connect the dots mo na sila. Kung ano yung mas appropriate na conflict para sa story mo. Make sure na naisulat mo lahat ng detalye kapag magco-connect the dots ka na dahil ang loophole sa istorya ay pwedeng ikabagsak, lalo na kung fantasy at action ang genre mo. Or in reality. :) Much better rin kung isusulat mo lahat ng loopholes sa bawat conflict na nasulat mo and then isipan mo ng pwede pantapal or resolution. Make sure lang din na huwag magiging dragging yung pantapal. Yung parang minadali lang para lang masabi na walang loophole.

3. The conflict can be cliche. Huwag kang mamoroblema roon dahil hindi talaga maiiwasan 'yon. Magkakaiba kayo sa kung paano mo sinulat yung conflict mo at kung paano yon nasolve ng character mo. Kung ano ba naramdaman ng character mo sa conflict na yon and so on and so forth.

4. After writing your conflict, dapat masasagot din ng resolution ang conflict mo. Ask yourself a series of questions kung nasagot ba lahat ng resolution ang tanong sa conflict dahil ang conflict ang tulay sa resolution. Kapag may hindi nasagot sa resolution, loophole na yon. At katulad ng sinabi ko, ang loophole ay pwede ikabagsak ng istorya mo.

4. Another tip. You can search other conflicts sa google. Palagi akong nagsisearch doon. Huwag niyo hayaan na maging limited ang resources niyo as a writer or an author. Writing is about creativeness. Kaya lahat ng resource na pwede magamit ay gamitin na. Be resourceful ika nga.

5. Mas mainam kung magiging metikulosa tayo when writing the details. Effective to sakin so baka effective rin sa inyo. Kahit small details lang ay isinusulat ko pa rin ng eksakto. Sabi ng mentor ko, ang small details ay mahalaga sa isang storya. Dahil pwede roon manggaling ang main conflict or bagay na makakapagpabago sa character mo. Huwag kalimutan na porket maliit na detalye eh hindi na isusulat. Sabi ko nga ay dapat lahat detalyado at nakasulat para huwag kalimutan.

Ayon lang. Sana makatulong.

Pian PianWhere stories live. Discover now