Random Writing Advice (1)

106 2 0
                                    

Sanayin mo sarili mo na huwag magalit, huwag malungkot o ma-discourage kapag nakatanggap ka ng criticism sa akda mo kasi puwede 'yang makasira ng pangarap mo. Once na pumasok ka sa pagsusulat, dapat ihanda mo na sarili mo sa mga ganyan kasi hindi naman lagi magugustuhan 'yang isinulat mo. May tao pa ring hindi magugustuhan 'yan, kaya kailangan malakas loob mo sa pagsusulat. Kung panghihinaan ka ng loob, isipin mo na lang na mas may malala na napagdaanan sa 'yo na nakatanggap sila ng criticism like 'yong mga artistang nasasabihan ng tatanga-tanga ng director kasi hindi magawa nang maayos role nila, tumigil ba sila? O paano naman kung nasangkot sila sa isang issue tapos kung ano-ano natanggap nila from netizens? Isipin mo na lang din 'yong mga published author ngayon na nakatanggap noon ng kung ano-ano like basura 'yong gawa nila, tumigil ba sila? Kasi kung paaapekto ka, talo ka, kaya dapat handa ka. Isipin mo pangarap mo, at isipin mo na nothing can stop you from writing. Alam ko naman na sa una talaga sobrang hirap, pero trust me, masasanay ka rin d'yan. Tapos, gawin mong motivation mga criticism na natatanggap mo para mag-improve ka sa pagsusulat.

Pian PianWhere stories live. Discover now