Chapter 01: Chester and Alexa

399 152 126
                                    

'Chester and Alexa'

ALEXA

"Oo! Tayo na" Hindi na ako nag dalawang isip pa na sagutin sya, ayoko narin kasing patagalin pa ang panliligaw niya sa'kin, mahal ko narin naman sya

"Talaga!? Baka nag bibiro ka na na naman?" Kabado at excited na tanong nito sa'kin, hindi rin naman kasi siya makapaniwala sa sinabi ko

"Bakit ayaw mo!? Sige wag nalang tuloy!" Natatawang biro ko dito, sabay akong tumalikod

"Yeees!" Sigaw na nito

"Finally tayo na rin! I Love You So Much" Napatalon pa ito sa sobrang saya sabay akong yinakap

Bakas na bakas sa mukha nito ang kanyang saya, kitang kita ko ito sa bawat pag-talon at hiyaw niya, well sino ba namang hindi sasaya, 'e halos limang buwan narin siyang nanliligaw sa'kin.

Kilala ko narin kasi parents ni Chester, okay naman sila sa'kin halos itinuturing nga rin nila akong parang isang tunay na anak at higit din sa lahat, kilalang-kilala ko na talaga si Chester, alam ko narin sa sarili ko na mahal niya talaga ako at mahal ko rin siya, kaya't wala narin naman siguro akong rason para hindi ko pa siya sagutin.

Siya ang boyfriend ko, Si Chester Rendrew Diaz, half american sya, pero kung pagbabasehan yung kulay nya at mga pag uugali, pinoy na pinoy talaga sya, palibhasa pinoy din naman kasi yung tatay niya at dito rin siya lumaki sa pilipinas, katamtaman lang ang tangkad niya, ang tangos ng ilong at ang ganda ng lips yung kissable ba!

Eyyy ano bayan nakakakikig tuloy!

Ako naman pala si Alexa Jane Reyes maganda 'syempre', matalino at responsible din, lumaki ako't nagka isip kasama ang mga madre, iniwan lang kasi ako ng magulang ko sa gate ng orphanage nila noong bata pa raw ako, na kung saan hanggang ngayon nga ay hindi parin ako binabalikan at hanggang ngayon rin ay hindi ko parin nakikilala ang mga magulang ko.

Sana dumating ang araw na makilala ko talaga sila! I want to have a mother din kahit papaano.

Ang mga madre narin ang tumulong sa'kin para maka pagtapos ako ng pag-aaral, ginawa nila nag lahat para makapagtapos ako ng pag-aaral at dahil sa ginawa at sa kabutihang palad nila ay may permanenteng trabaho na ako ngayon

I'm a call center agent, you know! Hahaha

Mahirap kung sa mahirap ang trabaho ko, pero wala akong choice, hindi naman pwedeng hindi ako mag trabaho, kung hindi ako mag tatrabaho wala akong kakainin, not all the time naman ay lagi akong bibigyan ni Chester.

Living alone is very hard, lalo na kung wala kang kinalakihang pamilya, yung minsan kakain ka ng mag-isa, matutulog ng mag-isa, yung tipong may boyfriend kana pero hindi mo parin nakikilala ang mga magulang mo, kaya't ganun na lamang ang pasasalamat ko sa mga madreng nagpalaki sa'kin sapagkat hindi ako nila pinabayaan at syempre kay Chester na hanggang ngayon ay hindi ako iniiwan at patuloy parin akong minamahal.

* * * * * * * * * * *

Well fast forward, naging masaya naman yung relationship naming dalawa ni Chester, tatlong taon narin kami ni Chester sa darating na linggo at napag usapan nga naming dalawa na magsimba at sa bahay nalang nila mag celebrate.

"Babe sa bahay nalang tayo mag celebrate sakto uuwi naman bukas sila mama! (Saturday)" Excited na sabi ni Chester sakin habang tinutulongan akong bumaba ng hagdan

"Ahh sige! Uuwi naman pala sila tita 'e, pero sa linggo ng umaga pupunta muna tayo ng simbahan ah? Okay lang ba sayo?" Naka ngiti at kabado kong tanong dito

Take me to Church Where stories live. Discover now