Chapter 26: Bye Besty

102 79 5
                                    

'Bye Besty'

ALEXA

Isang linggo narin ang nakakalipas simula ng makalabas na ako ng Ospital, medyo okay naman na daw yung kondisyon ko, kaylangan lang ng palagiang pahinga at wag daw masyadong mag papagod, kaya't pinayagan na ako ni Papa na lumabas na ng Ospital.

Nandito ako ngayon sa bahay nila Mama pinilit kasi nila Mama at Papa na dito nalang muna daw ako mag stay sakanila, habang patuloy daw ako sa pagpapagaling, dito rin naman si Papa sa bahay nila kaya't mababantayan at maaalagaan din talaga ako nilang dalawa.

Umuwi narin kasi si Nicole sakanila, wala na akong makakasama sa condominium ko, nakaka pikon din nga yung best friend kong yun bigla lang kasi akong iniwan.

Flashback

Isang araw after kong lumabas ng Ospital.

Kasama ko si Nicole dito sa condo ko ngayon, mas pinili ko muna kasing dito mag stay habang nag papagaling ako, she promised din naman na hindi muna daw siya uuwi ng probinsya nila 'Thankful talaga ako sa kaibigan kung ito, hindi niya ako iniiwan'.

"Bes!" Pag tawag ko ng pansin nito, nagluluto kasi siya ng pananghalian namin

"What?" Maikling sagot lang nito sa'kin ni hindi nga ito lumingon

"Halika dito!" May pagka awtoridad na sabi ko dito 'boss lang ang peg, hahaha'

"Hala, Boss!? Wait tapusin ko lang 'tong niluluto ko!" Pasigaw na sabi din nito sa'kin

Ilang minuto nga yung lumipas ay natapos rin ito kaya't lumapit din ito agad sa'kin

"What..." Hindi na nito natapos yung sasabihin niya, sapagkat bigla ko itong niyakap

"Thank You!" Pabulong na sabi ko dito

"For What?" Nagtatakang tanong naman nito

"For Everything" Medyo naiiyak na sabi ko dito, habang yakap ko siya

"No problem! Anong silbi ng pagkakaibigan natin kung hindi rin naman tayo magtutulongan" Sabi niya sabay niyakap niya narin ako ng mahigpit

Kumalas kami sa pagkakayap na parehas nang umiiyak, para lang kaming mga tanga, well mahal talaga kasi namin ang isat-isa.

Kakain na sana kaming dalawa ng may kumatok sa pinto, kaya't pinag buksan muna ito ni Nicole

"Alexa... Sina Mama't Papa mo" Sigaw nito sa'kin

After nya ngang sumigaw ay nakita ko rin naman agad sina Mama't Papa.

"Sakto naman pala dating namin, sakto gutom na ako" Biro sa'min ni Papa, mapag biro talaga 'tong si Papa

"Sige na Pa, kain na kayo!" Pag-aya ko naman sakanila

Agad rin namang umupo si Papa at kumain, buti nalang kahit Doctor siya hindi sya maarte ang swerte naman pala talaga ni Mama.

"Ano palang ipinunta niyo dito Ma?" Tanong ko kay Mama. Linunok muna nito yung kinakain niya bago ako sinagot

"Napag usapan kasi namin ng Papa mo na pilitin ka o sabihin nga sayo na kung pwede ay dun ka muna sa bahay mag stay, kahit ngayong nagpapagaling ka lang" Pag pilit sa'kin ni Mama

"Oo nga Alexa, dun ka muna" Sabi naman ni Papa

Isa sa rason kung bakit ayokong mag stay sakanila ay dahil nahihiya rin naman ako, baka biglang bumalik o dumating yung anak nila, 'e hindi pa naman kami nun magkakilala.

"Kasi anak gusto rin kasi namin ng Papa mo na makasama ka man lang na matagal!" Sabi ulit ni Mama,

Gustong makasamang matagal? Anoyan mamatay nako? Haha, si Mama talaga.

"Para maka uwi na rin si Nicole sakanila, may trabaho ka diba?" Sabi ulit ni Mama habang nakatingin kay Nicole

Tumango lang si Nicole bilang sagot, Oo nga naman nakakahiya na ng sobra kay Nicole marami rin siyang ginagawa sakanila, ilang linggo narin siyang nandito.

"Sige tuloy Ma, para maka-uwi narin si Nicole sakanila" Pag sang-ayon ko na sa gusto nila Mama, sabay nginitian ko si Nicole

Nakakahiya na sa pamilya ni Nicole, ginagawa ko na siyang katulong dito, kaya't dapat narin siguro na umuwi na talaga siya.

Matapos yung pag uusap namin ay pinag patuloy na namin ang pag-kain namin.

Ilang minuto rin yung itingagal nila Mama't Papa, bago sila mag paalam umalis

"Uwi muna kami ng Papa mo Alexa" Sabi ni Mama

"Bukas ka nalang namin susunduin, samahan mo muna mamaya si Nicole sa terminal pag-uwi niya" Sabi ulit ni Mama

Mas ginusto kasi ni Nicole na ngayong araw ding ito ay makauwi na siya, kaya't mamayang hapon mismo ay uuwi na siya.

Agad ding umalis sina Mama't Papa kaya't inayos nanamin ni Nicole yung pinag kainan, para after naming maka pang linis-linis dito sa kwarto ay yung gamit naman ni Nicole yung aayusin namin.

Mabilis pa kami kay Flash, agad-agad naming tinapos yung mga kaylangang tapusin, kaya't pati yung gamit ni Nicole ay naayos narin namin agad.

Tatayo sana ako para kumuha ng tubig na iinumin naming dalawaz 'nakaupo kasi kami ngayon dito sa Sofa' nang bigla nanaman akong mahilo, matutumba sana ako pero naka hawak ako sa gilid nitong sofa

"Oh, Anong nangyari sayo?" Takang tanong ni Nicole

"Kasi eh, kung naupo kalang kasi kanina at di kana tumulong sa'kin di sana dika na pagod!" Nagaalalang sabi ulit nito sakin

Pinaupo nalang ako ni Nicole at siya na ang kumuha ng tubig na maiinom namin.

"Mag pahinga ka muna" Sabi nito sa'kin sabay inalalayan niya ako papuntang kwarto

Hindi ko na nga napigilan yung sarili ko kaya't na idlip muna tuloy ako, nahihilo parin naman talaga kasi ako.

Dali-dali akong bumangon sa pagkakahiga ng makita ko agad ang oras sa cellphone it's already 4 in the afternoon, ngayon yung alis ni Nicole, mukang masyado yatang napahaba yung pag tulog ko.

Lalabas na sana ako ng kwarto ng may mapansin akong malaking Papel, kaya't pinulot ko agad ito, at binasa yung naka sulat.

To: Besty

  Sorry kung di na kita isinama, ayoko kasing mapahamak kapa, alam kong may masakit pa sayo. Basta lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita at nag papasalamat rin akong naging best friend kita, wag ka ng mag -alala sa'kin, pauwi narin namana ako, Sorry ulit. Pagaling ka ahh, Don't worry babalik naman ako Soon.
Love you.         

                       
From: Nicole na maganda

End of flashback

Ang daya talaga nung babaeng yun, iniwan ako ng basta-basta, nakakainis!

Hindi man lang ako sinama, nakakapikon talaga si Nicole.

I will miss you too besty!

Yun nga, nung gabing din yun ay ako lang ang mag isang natulog sa condominium, miss ko na nga agad yung best friend kung yun.

Gaya nga nung sinabi niya sa sulat niya magkikita rin naman kami ulit SOON.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Take me to Church Donde viven las historias. Descúbrelo ahora