Chapter 33: Goodbye Kristine

117 77 1
                                    

'Goodbye Kristine'

CHESTER

Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung nasaan si Alexa. Kung ano na ba ang kalagayan niya, kung buhay parin ba siya, kung magaling na ba siya.

Gusto ko na syang makita, gusto ko na syang mayakap, gusto ko na syang maalagaan, maraming bagay na ang gusto kong gawin nang kasama siya.

Kahapon ay sinabi sa'kin ni Kristine na doctor daw ang Tatay niya at bilang bayad man lang daw niya sa pagtira dito sa'min ay sinabi niya na kakausapin niya daw yung Tatay niya na tulungan ako na maipagamot si Alexa at ito nga ay kapag nahanap ko na si Alexa, hindi ko parin talaga kaso siya nahahanap.

Flashback

Maghapon akong nag hanap kay Alexa, kaya't halos gabi narin ng makauwi ako ng bahay, agad namang nag tanong sila Mama kung nahanap ko na nga daw si Alexa.

"Nak! Ano kamusta?" Alalang tanong sa'kin ni Mam pagkapasok na pagkapasok ko

"Wala" Maikli kung sagot kay Mama habang umiiling-iling

"Kasama nyana daw ngayon yung Family niya, and Doctor din naman daw yung Papa ni Alexa" Sabi ko ulit dito bago ako tuluyang umupo

"My Father was also a Doctor!" Biglang sabat naman ni Kristine na sa likuran ko lang pala kasi siya

"Oh, baka maka tulong yung Papa ni Kristine!" Sabat naman ni Papa na kakalabas lang ng CR

"Hindi Doctor ang kaylangan ko ngayon, Si Alexa! Kasi kahit na magkaroon pa tayo ng bilyong Doctor kung wala rin naman si Alexa, wala din namang silbi at yung Tatay daw ni Alexa ay Doctor din" Mahabang paliwanag ko sakanila, sabay yumuko muna ako, masakit na kasi katawan ko pati pa 'tong ulo ko

"Alam mo Anak, wag mo nang masyadong isipin yan" Sabi naman ni Mama sabay tinabihan ako sa upuan

"Sorry po Ma!" Mahinahong sabi ko dito

Sa sobrang pagod ko at stress nakalimutan ko na na may pamilya pa naman pala ako.

"Bakit ba ganun nalang kasi yung pag-aalala mo sa Alexa nayun, hindi ba't siya yung reason kung bakit nag stay ka sa Italy? Tas sinaktan ka niya diba?" Biglang sabat ulit ni Kristine na ikinagulat namin nila Mama

"Bakit mo ba nasasabi yan!? Diba alam mo kung gaano ko sya ka Mahal. You know that! At pwede ba Kristine wag mo lang ma basta-basta si Alexa, She will be my Wife!" May kataasang boses na sabi ko dito

Kitang kita ko sa mukha ni Kristine ang kaba at pagkabigla, maaaring may kataasan man yung boses ko pero hindi naman ako galit sakanya, I'm just defending/protecting Alexa.

"Sorry kung inaakala mong galit ako, but Im not, Sorry talaga!" Mahinahong sabi ko na dito

"Sorry din" naka yokong sabi nito

"Naaawa lang kasi ako sayo" sabi nitong muli

"Wag mo akong alalahanin I'm Fine" nakangiting sabi ko na dito

"Kapag Mahal mo kask ang isang tao, handa kang gawin ang lahat, maging buhay man ang kapalit nito" sabi ko ulit

"Oh, sige na ikaw na mapagmahal, mamaya na tayo nyan, kumain muna tayo" pag-aya na ni Mama

Agad din naman kaming tumayo at pumunta ng Mesa naka handa narin kasi yung pagkain namin.

Habang kumakain kami ay biglang nag salita si Kristine, dahilan para mapa tingin kaming lahat sakanya.

"Tita't Tito, Salamat po kasi pinatira nyo ako dito sa inyo, ngayon gusto ko po sanang mag paalam sa inyo, kasi po balak ko ng umuwi sa'min, baka po kasi namimiss narin ako nila Mama't Papa" Sabi nito na ikinabigla namin

"Talaga? Baka galit kalang kasi yung about sa nangyari kanina? Kaya't gusto mo nang umalis!?" Gulat na sabi ko dito

"No, miss ko na rin talaga kasi sila Mama at gusto ko rin humingi ng tulong kay Papa, para kapag nahanap mo na si Alexa maaaring si papa nalang ang gumamot sakanya" nakangiting sabi nito

"Well kung yan na ang decision mo, Ok hija" Nakangiting sabi naman ni Mama

"Okay, kung yan na ang decision mo, kaylan ka na ba Aalis?" Pag sang-ayon ko nalang dito

"Baka sa Friday, Tuesday palang naman ngayon" Sabi naman nito

Matapos yun ay nag patuloy nalang kami sa pagkain.

End of flashback

Papunta na kami ngayon sa bahay nila Kristine at mukang Pamilyar 'tong lugar sa'kin? Mukang napuntahan ko na ata 'to dati, di lang ako sigurado.

"Finally makikita ko na ulit sila Mama" Biglang basag ni Kristine sa katahimikan namin dito sa sasakyan

"Miss mo na talaga sila?" Tanong ko naman dito

"Syempre naman" Maikling sagot nito sa'kin

Ilang minuto rin yung naging byahe namin bago kami nakarating sa bahay nila Kristine.

Pamilyar na pamilyar talaga 'tong lugar na 'to sa'kin, mukang napuntahan ko na talaga 'to.

Agad din naman kaming bumaba ng sasakyan ni Kristine, hindi pa man kami nakaka hakbang ni Kristine ng biglang tumunog ang hawak-hawak nyang cellphone.

"Nag message na si Joanna" Sabi nito ng makita na yung Cellphone

"Anong sabi?" Agad na tanong ko dito

Kitang kita ko ang mga gulat sa mata ni Kristine ng makita ang message sa cellphone nga.

"Good news!" Biglang sabi nito sabay bigay sa'kin ng cellphone niya

Nabigla din ako sa binasang text ni Kristine, parang gusto kong sumigaw sa tuwa, Finally makikita ko na ulit si Alexa.

From: Joanna

Ate Kristine sorry kung sayo na ako sayo ng text, naiwan po kaso ni kuya yung Cellphone niya, pasabi naman po kay kuya na nag message na sakanya si ate Nicole kung saan yung Address ni ate Alexa.
Salamat po!

To: Kristine

Dali-dali akong sumakay ulit ng sasakyan, hindi na ako pumasok sa bahay nila Kristine, nag paalam naman ako ng maayos sakanya.

Agad naman akong umalis.

Hindi pa naman ako nakaka layo ay nakita kong may lumabas na babae sa bahay nila at mukha 'tong aligaga at mukang may hinihintay, dali dali nga silang pumasok ni Kristine ng bahay.

Habang papauwi naman ako ay may naka salubong akong ambulance na mukhang patungo sa bahay nila Kristine, gusto ko sanang bumalik para malaman kung anong nangyayari pero medyo malayo na ako sakano at gusto ko narin malaman kung nasaan si Alexa, kaya't hindi na ako bumalik.

Hindi ko din tuloy na meet yung parents niya, sayang.

Sana naman walang masamang nangyari sa bahay nila Kristine, mukang may problema talaga sakanila.

*-*-*-*-*-*-*-*-*

Votes and Comments are very much appreciated.

Thanks!

-DonCarlit0-

Take me to Church Donde viven las historias. Descúbrelo ahora