Chapter 11: The Proposal

141 101 19
                                    

'The Proposal'

ALEXA

Nandito na kami ngayon sa condo nila  Joanna at Nicole.

Pagdating na pagdating namin ay agad akong nag pahinga sa kwarto, habang yung dalawa naman ay nag picture picture muna suot-suot yung mga binili nilang gamit.

Ilang minuto rin akong naka idlip, halos mag aalas kwatro na nga magising ako, agad namang pumasok sa isip ko si Chester, kaylangan ko pala syang makausap ngayon, kaya't kahit inaantok pa ako ay bumangon na agad ako, lumabas naman agad ako ng kwarto, ngunit na bigla ako sa aking mga nakita, sapagkat naka suot ng magandang damit sina Joanna at Nicole.

"Hala! Mukang may lakad kayo!? Saan ang punta niyo?" Takang tanong ko sa kanilang dalawa

"Wala naman! Maganda lang talaga itong damit" Natatawang sabi ni Nicole

"Okay! Ahh sige!? By the way Joanna pwede bang pumunta tayo ngayon sa bahay niyo? Kaylangan ko lang kasing maka-usap ang kuya mo!" Paki-usap ko naman kay Joanna

"No problem ate! Let's go na!? Anong oras narin! Gusto ko narin umuwi 'e" Nakangiting sabi ni Joanna na parabang excited na excited na umuwi

"Sama rin ako!" Sigaw naman ni Nicole habang nakataas pa ang kamay

"Okay! Pero wait lang magbibihis lang ako ahh?" Sabi ko naman sa kanila

Bumalik nga agad ako ng kwarto para mag bihis.

Madali lang akong nag bihis, sapagkat halos nagsisisigaw na itong dalawa kaka padali sa'kin, akala mo naman 'tong dalawa may mga appointment na pupuntahan kaka pa madali sa'kin.

Pagka labas na pagka labas ko sa kwarto ay halos madapa ako sa pag hila nilang dalawa sa'kin.

"Aray ko naman! Wait lang nga, bakit parang nagmamadali kayo!? Sa inyo lang naman tayo pupunta Joanna diba!?" Medyo inis na sabi ko sa kanila habang inaayos ko yung damit ko na nagusot kakahila nila sa'kin

"Wala naman, excited lang talaga kami, ang ganda kasi ng suot mo!" Nakangiting sabi sakin ni Nicole, sabay akong yinakap

Ano ba talagang meron sa dalawang 'to? Bakit parang excited na excited sila, tapos itong mga suot pa nila formal na formal.

May party ba? Bahala na nga sila!

Naka sakay na kami ngayon sa taxi, kaming dalawa ni Joanna ang magkatabi, habang si Nicole naman ay katabi ng driver.

Alam kong may kakaiba talaga sa dalawa, sapagkat habang naka sakay kami ngayon sa taxi ay may pinag kakabisihan si Nicole, may kausap sya cellphone at ang mas nakaka pag-taka ay mahina lang ang pag-uusap nila, halos wala talaga akong marining sa mga sinasabi ni Nicole, habang ito namang si Joanna ay parang pilit na nililibang ako.

"Alam mo ate gustong gusto kita para kay kuya, mahal na mahal ka nun sobra!" Seryosong sabi ni Joanna sa'kin, nawala yung pagiging palabiro nito

"Alam mo Joanna, ang swerte swerte ko sa kuya mo at sa inyo, kasi halos parang itinuturing niyo na akong parang ka dugo niyo na, kaya't maraming salamat sa pagiging mabait nyo sakin!" Nakangiting sabi ko naman sa kanya sabay ko siyang yinakap

"Yiee! Thank you din Ate kasi kahit wala akong Ate ay nandyan ka naman!" Sabi ni Joanna sakin sabay niyakap niya rin ako

Habang patuloy ang pag-uusap namin ni Joanna ay bigla namang nag salita si Nicole.

"Hey! Malapit na tayo" Sabi nitong si Nicole habang naka titig pa kay Joanna sabay pa itong kumindat

Ano talaga kayang meron sa dalawang 'to?

Nandito na kami ngayon sa harap ng bahay nila Chester, nauna na kaming bumaba ni Joanna sa taxi dahil si Nicole ay bumabayad pa sa driver, ngunit biglang bumalik naman si Joanna sa taxi sapagkat may naiwan daw siya, kaya't nauna na ako sa kanilang dalawa, hindi pa man ako nakaka pasok sa bahay ay ramdam ko na agad ang kaba saking dib-dib, I know and I feel that there is something at hindi ko lang alam kung ano yun.

Pag pasok ko nga sa bahay ay mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

Ang daming petals ng roses ang naka kalat sa sahig nitong bahay nila Chester tapos sila Tita at Tito naman kasama narin sila Frederick ay may mga hawak na roses, naka hilera rin sila patungo sa bakuran.

Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad, habang patuloy ako sa paglalakad ay may biglang nag play ng paborito kong music.

IKAW by: Yeng Constantino

Nang makarating na nga ako sa bakuran ay mas lalo akong kinabahan, may nakita kasi akong isang mesa at doon ko nga nakita si Chester, hindi paman ako nakaka lapit sakanya ay tumayo na ito at lumapit saakin at dito na nga ako nabigla sa ginawa niya, ang akala ko kasi isang simple date lang ito, but I was wrong.

Alexa Jane Reyes, gusto kong ikaw na ang makasama ko sa aking pag tanda at ang mamahalin ko habang buhay, ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito, alam mo naman kung gaano kita kamahal.

We we're together for 3 years Alexa, and I know that you know how much I really love you!

ALEXA....

Marry me and I'll take you to Church!


Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Kung ano ang aking sasabihin.

Gulat na gulat parin ako sa mga nangyayari, pero alam ko at siguro na ako na si Chester na ang lalaking mamahalin ko hanggang sa dulo.

Parang tumigil ang mundo sa pagitan naming dalawa ni Chester.

Kahit kinakabahan ako ay hindi na ako nag dalawang isip pa na sagutin ang tanong niya.

"Yes! I will Marry you Mr. Diaz" Kabado pero nakangiting sagot ko sakanya sabay hinalikan ko sya sa pisngi

Tuluyan naring tumulo ang mga luha ko, hindi ko na ito napigilan.

Halo-halo narin ang emosyong nararamdaman ko.

"Really!?" Hindi makapaniwalang sabi nito

"Yes! Thank You! I love you so muchhhhhhh" Sabi ulit nito sabay hinalikan niya rin ako sa labi

This is the first time that he kiss me on my lips, hindi ko alam kung anong gagawin ko, so sinabayan ko nalang siya, I can say that Chester was really a good kisser, lalo na't ang ganda ng labi nito.

Hindi na ako nag dalawang isip pa na sagutin si Chester, sapagkat alam ko na at ramdam ko na siya na ang taong makakasama ko habang buhay.

I will always remember this moment.

This day will be one of my best day ever.

Maya't maya pa ay lumabas narin sila Tita at sila Nicole galing sa loob ng bahay.

"Yieee! Magkaka asawa kana Best Friend" Nakangiting sabi ni Nicole

"I'm really happy for you!" Sabi ulit ni Nicole sabay ako nitong niyakap, makikita mo rin talaga sa mga mata nito ang sobrang saya

"Thank you!" Naiiyak na sabi ko rin dito

"Don't worry Nicole I will always be and forever your Best Friend!" Sabi ko ulit sakanya sabay ko siyang yakap

After nga nung proposal ni Chester ay pumasok muna kaming lahat sa bahay, dahil doon nalang kami kakain nasa loob din naman lahat ng pagkain, mamaya ko nalang rin sasabihin kay Chester yung tungkol kay Mama.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Take me to Church Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon