Chapter 36: Memories to remember

93 74 0
                                    

'Memories to remember'

CHESTER

Bumungad sa'kin ang napakaraming prutas at pag-kain dito sa lamesa kung saan ako naka idlip. Ilang minuto lang naman akong naka idlip.

Nagising narin kasi kanina si Tita kaya't ako naman yung natulog, hindi nga pala ako nakatulog, naidlip lang pala.

Rinig kong may bumukas ng pinto kaya't nilingon ko agad ito.

"Good morning!" Nakangiting bati sa'kin ni Kristine, kasabay niya ding pumasok sina Frederick at Sir Joey

Umaga na pala? Naka idlip lang ba talaga ako o naka tulog? Mukang naging mahaba yata tulog ko ahh!?

"Morning Pre!" Nakangiting bati rin sa'kin ni Frederick

Tumayo na nga ako sa pagkaka-upo, naka upo lang naman kasi akong natulog kanina.

"Morning din!" Nakangiting bati ko sa kanilang tatlo

"Mag almusal kana, may tinapay kaming dala diyan" Sabi ni Sir Joey sabay turo sa mga pagkaing nasa lamesa

"Kayo ba may dala nito!?" Biro ko sakanila

Ngumiti lang sa'kin sina Frederick at Sir Joey 'tsaka umupo.

"Nasaan na ba si Tita?" Takang tanong ko kay Kristine

Natulog kasi ako kanina na nandito pa si Tita.

"Pinauwi muna namin ni Dad, para makapagpahinga narin muna si Mommy, masyadong maraming pinoproblema si Mommy this past few days, baka magkasakit siya 'tsaka nandito pa naman ako at nandito ka rin naman! Tayo muna ang babantay sakanya, kay Alexa!" Mahabang paliwanag sa'kin ni Kristine

"Ahh! By the way, nasaan ba ang Daddy mo?" Tanong ko dito bago ko pa inumin 'tong kapeng ginawa ni Kristine

Masyadong mainit 'tong kape. Hindi ito ang gusto kong timpla ng kape. Bigla tuloy akong may naalala dahil sa kape...

Alam ni Alexa kong gaano ako kahilig sa kape, ako lang at siya ang may alam kung ano ang gusto kong timpla ng kape. Siya ang madalas gumawa ng kape ko, alam ni Alexa kung gaano lang karami ang asukal at kape na gusto ko, humingi man ako ng kape o hindi lagi niya akong ititimpla niyan lalo na kapag galing akong trabaho.

"Uyy!" Nahimasmasan ako ng bigla akong tapikin ni Kristine

"Ano bang nangyayari sayo?" Takang tanong nito

"May naalala lang ako!" Simpleng sagot ko dito

"Ahh okay, By the way, tinatanong mo kanina kung nasaan si Daddy, Right?" Nakangiting tanong ni Kristine

Tumango lang ako dito.

"Kakalabas niya lang, kakabisita palang niya kanina kay Alexa. Saktong paglabas niya ay siya namang pag pasok namin kanina" Sabi ni Alexa habang inaayos yung mga kalat na nasa lapag

Tiningnan ko naman sina Frederick at Sir Joey, tinaasan ko ito ng mga kilay, ngumiti at tumango ang mga ito sakin, ibig sabihin totoo ang sinasabi ni Kristine.

Binalik ko ang tingin ko kay Kristine na ngayoy naka upo na.

Ibang iba nga ugali ni Kristine at Alexa, siguro dahil lumaki si Kristine na kasama ang mga magulang niya at lumaki siya ng may pera, kung siguro lumaki din si Alexa nang kasama ang Mommy niya siguro hindi siya magkakasakit at maaaring nasunod din ang mga gusto niya.

Take me to Church Where stories live. Discover now