Chapter 25: Hospital

112 79 35
                                    

'Hospital'

ALEXA

Sa pagdilat ko ng aking mga mata ay ramdam ko parin ang pag kahilo at sakit ng ulo ko, hindi ko alam kung nasaan ako sapagkat puro puti ang nakikita ko sa paligid.

Nasa heaven na ba ako? Charrr!

"Nasaan ba ako? Nasaan tayo?" Tanong ko kay Nicole na agad kong nakita dito malapit sa kinahihigaan ko

"Gising ka na pala? Kanina ka pa gising!?" Takang tanong din nito sa akin

"Hindi naman, kakagising ko lang!" Sabi ko dito na pilit kong nilagyan ng matamis na ngiti ang aking mga labi, kahit ramdam ko parin yung sakit ng ulo ko

"Ahh ganun ba, Gusto mong kumain muna?" Naka ngiting sabi nito sa'kin

"Hindi pa ko gutom" Simpleng sagot ko dito "By the way, nasaan tayo?" Takang tanong ko dito

Sasagot na sana ito ng biglang sumakit yung ulo ko, hindi ko napigilan yung sarili ko kaya't napasigaw ako ng malakas, kaya't tumakbo si Nicole pa labas at may tinawag.

"Tita... titaa..!!" Rinig kong sigaw ni Nicole

Ilang segundo lang ang lumipas ay naka balik agad si Nicole kasama yung Doctor siguro!? Tapos si Mama? Oo si Mama, nandito pala sya at bakit may doctor?

Bakit nasa ospital ba ako? Bakit ako nandito? Ano bang nangyari?

"Anong masakit sayo Alexa?" Tanong nung Doctor sa'kin, mukang Familiar din sa'kin ang mukha nitong doctor, nakita ko na siguro siya.

Hindi ko ito sinagot sapagkat masakit parin ang ulo ko.

"Anak what's wrong? Sabihin mo alin ba masakit sayo?" Naiiyak na tanong sa'kin ni Mama

Umiyak nalang ako, sa sobrang sakit kasi ng ulo ko ay diko talaga magawang maka pag salita pa.

"Don't worry! She's fine, maaring masakit lang talaga ang ulo, matatanggal din yan!" Rinig kong sabi nung Doctor kay Mama

Ilang minuto rin ang lumipas ng wala na akong maramdamang sakit, kaya't agad kung tinanong si Nicole, sakto rin naman na lumabas muna sila Mama at Yung Doctor.

"Nicole!" Pagtawag ko dito

"Bakit ba ako nandito?" Takang tanong ko dito "Ano bang nangyari?" Tanong ko ulit sakanya

"Hinimatay ka kanina sa Airport" Mahinahong sabi nito

"Nandito ngarin kanina sila Frederick at yung asawa niya, sila yung kasama kong naghatid sayo dito sa Ospital" Sabi ulit nito

"Ibig sabihin ilang oras na akong nandito sa Ospital?" Sabi ko dito

"Yes" Maikling sagot lang nito sa'kin

"Nasaan si Chester?" Tanong ko dito habang nililibot nitong mga mata ko kung nandito ba sa loob ng Ospital si Chester

"Really? Yan talaga yung tanong mo?"
May pagka masungit na sabi nito

"Wala na nga si Chester diba!? Umalis na siya, pumunta ng Italy remember?" Sabi nito sa'kin sabay tumayo sya sa pagkaka upo

Oo nga pala, naalala ko na yung mga nangyari, wala na nga pala si Chester, he already left, iniwan niya na talaga ako ng tuluyan.

"Im... sorry, naalala ko na pala" Nauutal-utal kong sabi kay Nicole

Mag sasalita pa sana si Nicole ng pumasok na ulit sina Mama at yung Doctor

"Ok kana anak?" Agad na tanong sa'kin ni Mama

"Wala na bang masakit sayo?" Tanong ulit sa'kin ni Mama

"Opo Ma, Ok na po ako" Nakangiting sagot ko dito

"Lalabas muna ako, I'll give you Time to talk" Sabat sa'min nung Doctor dahilan upang mabaling yung tingin namin sa kanya

"Labas muna ako" Sabi nitong muli

"Ako rin po lalabas muna, sasama muna ako kaya Tito" Sabi naman ni Nicole na ikinagulat ko, Tito nya pala yung Doctor, hindi ko yun alam ah!?

Tatanungin ko sana si Mama, kung sino yung Doctor ng mag salita na ito agad.

"Anak I'm sorry for everything, yung pag iwan ko sayo, yung hindi kita hinanap, I'm very sorry!" Umiiyak na sabi ni Mama sa'kin

"Sorry din po Ma, for everything, yung mga nasabi ko nun sayo, I'm really sorry for that Mama!" Naka yukong sabi ko dito, nahihiya ako sa mga ginawa ko noon kay Mama

After ko yun sabihin ay niyakap ko agad si Mama, hababg patuloy lang ako sa pag-iyak.

Ilang taon kong hindi nayakap si Mama, kaya't sa pagkakataong ito susulitin ko na.

"By the way Ma, Sino po ba yung Doctor nayun?" Tanong ko kay Mama habang naka yakap parin ako sakanya

"Bakit mo na tanong yan?" Nagtatakang tanong naman sa'kin ni Mama sabay binitawan niya na ako sa pagkakayakap niya, kaya't binitawan ko narin sya sa pagkakayakap

"He looks familiar kasi, tapos tinawag syang Tito ni Nicole?" Takang sabi ko dito

Tumawa lang si Mama sa'kin, alam kong may kakaiba sa tawa niya, mukang may inililihim siya sa'kin.

"Ma, bakit mo lang ako tinatawan?" Naka simangot na sabi ko dito, pero hindi naman yung galit ah

"Gusto mong makilala kung sino talaga siya!?" Sabi ulit ni mama habang naka ngiti

"Syempre naman, bakit hindi?" Kinakabahang sagot ko dito

Lumabas nga si Mama at tinawag yung Doctor, syempre pati narin si Nicole, ilang segundo lang ang lumipas ay agad ding naka balik sina Mama kasama na nga yung Doctor at si Nicole.

"Anak gusto kong makilala mo si Doc. Marco Rubio, siya ang Asawa ko!" Sabi ni mama na ikinagulat ko

Kaya pala familiar yung mukha nitong Doctor na'to, siya pala yung nakita ko sa kotse dati.

"Ahhh..! Kaya pala!" Tanging nasabi ko

"Hi! Im Doctor Marco Rubio" Pormal na pag papakilala nga nito sa'kin

"Pwede mo rin akong tawagin ng Papa, If you want lang naman!?" Biro pa nito sa'kin

Kahit nakakahiya at medyo awkward 'diko alam kung bakit nasabi kung awkward basta ganun nayun' ay binigay ko naman yung respeto ko sakanya, nag mano ako bilang isa sa tanda ng pag galang

"By the way Mama ano ba nangyari sakin? Anong sakit ko?" Pag-iba ko sa usapan namin

"Well, wala naman, sadyang pagod lang siguro yung utak mo these past days?" Sabi ni papa 'ang awkward, pero ok nayun atleast maging close na kami'

"Marami lang po siguro akong iniisip" Sagot ko dito sabay ngiti

"Ok ka narin naman, baka nga bukas maaari ka nang lumabas ng Ospital" Sabi ni Papa sabay hinawakan niya ako sa Ulo

"Na miss ko tuloy yung anak natin" Sabi ni Papa sabay tingin kay Mama

I remember may kapatid nga pala ako, nasaan kaya siya?

"Oo pala, nakita ko na sya before nasaan siya?" Tanong ko sakanila, nakita ko na kasi siya before yung pumunta ako sa bahay nila Mama

"Soon makikilala mo rin sya anak!" Maikling sabi ni Mama

"Sige na, pahinga kana para bukas maka labas kana ng Ospital!" Pag-iba nito sa usapan namin

"Lalabas muna kami at kukuha ng pag-kain mo" Sabi ulit ni Mama

Lumabas din agad sila Mama't Papa, kaya't si Nicole lang ang naiwan dito sa kwarto kasama ko, pinag pahinga niya na rin muna ako, matutulog din muna daw kasi siya, puyat daw siya ehh, kawawa naman 'tong kaibigan ko, hahaha ok lang yan, ginusto mo naman akong maging kaibigan eh.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Take me to Church Where stories live. Discover now