Chapter 17: Pool Party 2.

136 98 30
                                    

'Pool Party 2'

CHESTER

Nandito ako ngayon sa Despidida Party ni Sir Joey, palibhasa may pera si sir kaya't nagawa pa niyang mag pa party bago umalis sa Saturday.

Ilang minuto narin akong nandito, hindi ko nga rin inaasahan na ganito pala karami ang pupunta sa party ni sir, nandito rin nga yung mga kaibigan ni sir at yung mga kaibigan ko rin.

Nakita ko rin nga si Rhein na nandito kasama yung kaibigan nya.

Kaylan pa sila naging close ni sir?

Nakita ko rin si Frederick, kaya't nilapitan ko ito, wala kasi akong makausap, busy pa kasi si sir sa pakiki-pagkwentuhan sa iba niyang bisita.

"Hey Frederick!" Pag tawag ko sa pangalan nito habang papalapit ako sakanya

"Ohhh, buti nakarating ka?" Tanong agad nito sa'kin nang tuluyan na akong makalapit sakanya

"Kaylangan ehh! Baka mag tampo sa'kin si Sir!" Natatawang sabi ko naman dito sabay kamot sa ulo

"Hahaha, By the way, nasaan pala si Alexa?" Tanong nito sakin na may pagdidiin pa sa pangalan ni Alexa

"Hala!" Gulat na pagkaka sabi ko, sabay kamot ko nanaman saking ulo

Nakalimutan ko kasing sabihin kay Alexa ang tungkol sa party na 'to

"Hindi ko pala nasabi kay Alexa itong tungkol sa Party!" Kabadong sabi ko kay Frederick

Bakit ko ba kasi nakalimutan!?

"Hala ka!" Pananakot sakin ni Frederick

"Hahaha! Joke lang, hindi naman siguro yun magagalit!?" Sabi nitong muli sa'kin

"Tagay ka muna kaya!?" Sabay abot ng baso sa'kin

"Sana nga!? Hahaha" Tanging naging sagot ko dito

I don't have choice kaya't sinabayan ko nalang si Frederick sa pag inom.

"Kanina pa tayong tagay ng tagay ahh!? Dun muna kaya tayo sa pool?" Pag-aaya ko na dito, baka kasi malasing na ako, ang aga pa, hindi pa oras para mag paka lasing

Nandito na nga kami ni Frederick sa swimming pool, basa na nga yung buong katawan pati mga damit ko, pero hindi ko pa rin binabasa yung ulo ko, wala naman kasi akong balak maligo, masyadong malamig para maligo, kakaunti lang nga ang nandito ngayon sa swimming pool, may mga naliligo rin naman ngunit iilan lang mga ito.

Patuloy lang sana kami sa pag-uusap ni Frederick, ngunit habang nag-uusap kaming dalawa ni Frederick ay napansin ko yung isang babae na nasa dulo nitong pool, namukaan ko ito, sya yung babaeng kasama palagi ni Rein, napansin kong may kakaibang nangyayari sa kanya, kaya't linapitan ko ito.

* * * * * * * * *

ALEXA

Habang papunta kami sa swimming pool ni Nicole ay patuloy rin ang pag kikwento niya, habang ang mga mata ko naman ay hinahanap na si Chester.

Hindi karamihan ang tao dito sa may swimming pool area kaya't alam ko na makikita ko rin agad si Chester.

Malapit na kami sa pool ng makita ko si Frederick, base sa itsura ng kanyang mukha at mga ikinikilos ay halata dito na nakainom na 'to, gayun paman nilapitan parin namin ito ni Alexa at tinanong nga kung nasaan o kung nakita ba niya si Chester.

"Uy Frederick! Nakita mo ba si Chester?" Sabay naming tanong ni Nicole

"Ohhhh! A... ALEXA!?" Gulat na pagkaka sabi ni Frederick

Sa sobrang pagkakagulat nga ni Frederick ay parang nawala na ang pagkakalasing nito.

"Kanina pa kayo?" Gulat na tanong parin nito sa'min

"Bakit parang gulat na gulat ka ata!?" Nagtatakang tanong din sakanya ni Nicole

"Hindi pa naman, kakarating ko palang!" Sagot ko naman dito

"Hahaha, wala lang!?" Tawa nito sa'min sabay kamot sa ulo niya

"Sabi kasi ni Chester sa'kin kanina na baka di karaw makapunta dito sa party!?" Sabi ulit ni Frederick

"Baka lang naman yun, akala niya lang hindi kami pupunta, pero nandito na si Alexa diba?" Sumbat naman ni Nicole kay Frederick

"Nasaan ba si Chester?" Tanong ko naman dito

"Kakaalis lang? Kumuha siguro yun ng maiinom!?" Sabi nito sa'kin sabay turo sa direksyon na pinuntahan daw ni Chester

Kaya't nilingon ko rin agad ang direksyon kung saan naka turo ang kanyang daliri at pinuntahan nga namin ito ni Nicole.

Habang papunta kami sa direksyong tinuro ni Frederick ay napansin ko na may naghahalikan? Doon sa kabilang dulo ng swimming pool, nang makita ko yun ay bigla akong kinabahan.

Parang biglang tumigil ang mundo ko sa mga nakikita ko.

Sapagkat nakilala ko ang lalakeng kahalikan ng babae, hindi na ako nag dalawang isip pa na puntahan ito, kaya't nag ka hiwalay tuloy kami ni Nicole ng patutunguhan.

"Chester!?" Kinakabahang pagtawag ko dito

Hindi matigil-tigil ang tibok ng puso ko, halo-halo na ang emosyong nararamdaman ko.

"Why!?" Tanong na biglang lumabas sa bibig ko na sinabayan pa ng pagpatak ng aking mga luha

Liningon agad ako nito na halata rin ang pagka gulat.

"Ma..Mali lahat ng na..nakita mo!" Nauutal nitong pag papaliwanag

PAKKKKK......

"Alexa ano yun!?" Nagtatakang tanong sakin ni Nicole matapos kong sampalin si Chester, halata kasi kay Nicole na kakarating palang, kaya't hindi nya siguro nakita yung pakikipaghalikan ni Chester

PAKKKKK......

Halos lahat ng tao na nandito ay nag tinginan na sa'min.

"Uyy! Ano ka ba ba't mo ginawa yun?" Galit na tanong ulit ni Nicole

"Napaka walang hiya niyo, dito pa talaga kayo naghahalikan! Ang landi niyong dalawa!" Sabi ko sa kanila habang paulit-ulit kong pinapalo sa braso si Chester

Kilala ko kasi yung babaeng kahalikan niya, sya yung babaeng kasama ni Rhein na nakita namin sa Mall.

Hindi lang ito kumikibo siguro dahil nahihiya rin siya sa mga nangyayari, bakit sino ba namang hindi mahihiya, eh isa siyang ahas.

"Ang landi niyong dalawa!" Naiiyak sabi kong muli sakanila

Nanghihina na ako ng sobra, pakiramdam ko ilang sandali lang ay matutumba na ako.

"Ang landi!? Bakit?" Nalilitong tanong sa'kin ni Nicole, ngunit hindi ko parin muna siya inintindi

"Wait! Let me explain! Ma.." Naputol bigla ang sasabihin ni Chester ng mag salita ako

"You don't need to explain! Fuck naman Chester, huling huli kana magpapalosot kapa!? Manloloko ka!"  Yan ang mga huling salitang binitiwan ko bago ako tuluyang tumalikod at umalis

Hindi ko alam kung bakit parang nawala lahat ng pagtitiwala ko sakanya.

Sino ba namang hindi magagalit?

He cheated on me.

Kung kaylan engaged na kaming dalawa ay tsaka naman niya nagawang magloko!

Mas pinili kong umuwi muna sa condo, kakamadali ko nga ay hindi ko na naisama o nahintay pa si Nicole pag alis ko kanina.

Bakit kung kaylan pakiramdam ko okay na ang lahat tsaka naman nangyari 'to.

*_*_*_*_*_*_*_*

Votes and Comments are very appreciated.

Thanks

Take me to Church Where stories live. Discover now