Chapter 10: Anong Nangyayari?

149 111 19
                                    

'Anong Nangyayari?'

CHESTER

Maaga akong pumunta ng opisina para maaga ding matapos ang mga gagawin ko, sinabihan ko rin kasi 'tong mga ka officemate ko na kung sakaling tumawag man si Alexa at hanapin ako ay sabihin nilang wala ako dito sa opisina.

Almost nine na ng matapos ko ang mga trabaho ko.

After ko ngang matapos sa trdibaho ay pinuntahan ko naman agad si Frederick, kasi alam ko rin na maaari din siyang tawagan ni Alexa, ilang minuto palang akong nandito kila Frederick ay tumawag na nga si Alexa.

Kring.... kring.... kring....

"Pare ano sasabihin ko!?" Kabadong tanong sakin ni Frederick, nanginginig pa ang boses at mukha nito

"Basta ang sabihin mo wala ako dito sa bahay niyo at hindi mo rin alam kung nasaan ako!" Natatawang sabi ko naman sa kanya, sabay tumahik muna ako

Kinuha na nga niya ang kanyang cellphone at kinausap nga si Alexa, habang ako naman ito katabi niya lang at nakikinig, baka kasi ilaglag ako nito ni Frederick at sabihing nandito ako sakanila.

"Hello! Alexa? Ohh bakit ka napatawag?" Kabadong pagkaka sabi ni Frederick

Tawang-tawa na talaga ako kay Frederick.

"Sorry sa disturbo ahh, may itatanong lang sana ako, kasama mo ba si Chester o kaya alam mo kung na saan sya?" Rinig kung tanong ni Alexa, halata sa boses nito na nag aalala na sa'kin

"Ahh diko alam, wala naman siya dito sa bahay, baka doon pa sa kanila o kaya sa opisina nila!?" Sabi naman ni Frederick, masunurin talaga ang kaibigan kong 'to

"Tumawag kasi ako sa opisina nila, sabi nung nakausap ko wala din daw dun, ilang araw narin kasi siyang hindi man lang dumadalaw sa'kin, ano kayang nangyari dun!? Sige tuloy salamat nalang!" Sabi ulit ni Alexa

Ramdan kong nag aalala at miss na talaga ako ni Alexa, I miss her narin naman.

"Sige, you're always welcome!" sabi naman ni Frederick

toot.. toot.. toot..

Natapos na nga sila sa pag-uusap. Salamat naman kinakabahan na talaga kasi ako ng sobra.

"Maaasahan ka talaga Pare!" Sabi ko kay Frederick sabay nag apir kami

"Ako pa, kaya asikasohin mo na yung para sa mamayang hapon, ano bang oras yung proposal mo!?" Sabi ni Frederick tumayo muna ito para uminom ng tubig

"Baka mga 4:30, basta punta nalang kayo! Sige mauna na ako!" Pag papaalam ko dito

"Sige, ingat ka and good luck narin in advance!" Sabi ni Frederick bago ako lumabas ng bahay nila

Umalis na nga ako at umuwi na ng bahay at baka pumunta rin kasi dun si Alexa.

* * * * * * * * *

ALEXA

Nandito kami ngayon ni Nicole sa condo, kagaya noong isang araw nanunuod nanaman kaming dalawa ni Nicole ng Movie, late na nga kaming nagising, halos 9 o'clock na, well okay lang naman kahit papaano, Sunday naman kasi ngayon.

After ko ngang malaman na buhay pa pala ang Nanay ko ay kung ano-ano ang mga iniisip ko.

Kung Ano kaya Itsura nya?

Maganda ba sya, mataba o kaya payat?

Ano kaya?

Habang patuloy kami sa panunuod ni Nicole ay biga kong naalala si Chester, sasabihin ko pala ito sa kanya, hindi ko parin kasi ito nasasabi sakanya, kaya't tinawagan ko sya, ngunit sa kasamaang palad ay hindi ko sya ma contact, tinawagan ko rin ang opisina niya ngunit ang sabi ay wala rin daw sya dun, kaya't kahit nakakahiya ay tinawagan ko rij ang kaibigan nyang si Frederick ngunit sabi rin nito ay hindi rin niya alam kung nasaan si Chester.

Ano kayang nangyayari? Naisipan ko tuloy na puntahan sya sa bahay nila.

Lalabas nalang sana ako sa pinto ng pumasok bigla si Joanna.

"Hello Ate Alexa, Ate Nicole!" Masiglang bati samin ni Joanna

"Oh! Hello rin Joanna" Nakangiting bati naman namin ni Nicole kay Joanna

"Pwede niyo ba akong samahan sa mall? May bibilhin lang kasi ako!" Sabi nito samin sabay kumindat sya kay Nicole, mukang may usapan ata itong dalawa ahh

"Hey! Anong meron at bakit parang kayo lang ang may alam? May pakindat-kindat pa kayo ahhh!" Takang tanong ko sa kanila, sabay akong namewang

"Wala kaya! Sumama nalang tayo sa kanya!" Maarteng sabi ni Nicole, sabay hila sa'kin

Wala na akong nagawa kaya't sumama nalang ako sa kanilang dalwa, kahit nga ang panget ng damit ko tapos silang dalawa ayos na ayos na parang may party na pupuntahan.

Nandito na kami ngayon sa mall kung ano-ano na nga ang binibili nilang damit, dito na nga rin kami nananghalian.

Busy lang akong nag cecellphone ng tawagin ako nung dalawa at may ipinasukat na damit sa akin, ang ganda sana ng damit pero ang problema lang Mahal.

Hindi ako yung tipo ng tao na mahilig sa mga mamahaling gamit.

"Bagay na bagay sayo yang damit!" Sabi sa'kin ni Nicole at Joanna sabay nag apir pa ang nga 'to

"Ang ganda naman talaga, kaso ang mahal!" Natatawang sabi ko naman sa kanila

Nagtawanan din yung dalawa.

"Okay lang yan, gusto mo bilhin natin ate!?" Sabi sakin ni Joanna

Nabigla ako sa sinabi nito, ang yaman ng batang 'to ah, palibhasa binibigay sakanya lahat ng mga magulang niya. Gusto ko na tuloy makita at makilala si Mama.

"Hala!? Wag na ang mahal kaya!?" Nahihiyang sabi ko naman kay Joanna

"Ok lang yan ate bilhin na natin, ito ako na mag babayad, advance gift ko na ito sa birthday mo!" Sabi ni Joanna sakin habang naka ngiti

"Sige, ikaw tuloy bahala, pero salamat ahh!" Sabi ko sakanya sabay yakap

Pumunta na nga kami ng counter at binayaran na namin itong damit, matapos naming bayaran yung damit  ay agad ng nag-aya silang dalawa na umuwi na.

Kanina excited na excited na pumunta ng mall tapos ngayon naman nagmamadali ding umuwi, naku naman talagang dalawang 'to.

"Ayy ate doon muna pala ako sa inyo, tatambay muna ako!" Excited na sabi naman ni Joanna

Bakit kaya na isipan nito na tumambay doon?

"Ahh sige, No problem" Walang alinlangang sagot ko sa kanila

Halos dalawang oras rin ang itinagal namin sa mall.

Napapansin ko na palaging nag-uusap sina Joanna at Nicole, ano kaya yung pinag-uusapan nila, hu bahala na nga silang dalawa

Almost 3:30 pm na ng makauwi kami sa Condo.

Nakaka pagod mag libang at the same time nakaka enjoy.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Take me to Church Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon