Chapter 28: Kristine

91 69 0
                                    

'Kristine'

CHESTER

Ilang buwan narin akong nandito sa Italy. Hindi muna kasi ako sumama kina boss Joey nung umuwi sila ng Pilipinas, siguro tinatanong nyo kung saan ako nag stay? Well may nakilala akong babae dito, Pilipino din siya.

Flashback

Umuwi na nga kaming tatlo after nung mangyari yung sa babaeng naka bunguan ko kanina, kabadong-kabado narin kasi ako baka kasi makulong ako dito ng wala sa oras, ayokong mapahamak ako pati narin sila boss Joey, nakakahiya naman.

Nung gabing ding yun ay sinimulan narin namin yung trabaho namin.

Pagka umagahan naman ay ganun din, nagtrabaho na kami, pumunta na kami sa main office kung saan dun yung may-ari ng pagtatrabahohan naming kompanya.

Sa pag pasok palang namin sa building ay kinabahan agad ako, sapagkat nakita ko yung babaeng naka banggaan ko kagabi. Ano kaya ginagawa ng babaeng yan dito? Agad na naging tanong ko sa'king sarili

Maybe nagtatrabaho rin siya dito o kaya pumasok lang siya, bahala na nga siya!

Matapos naming makarating sa 8th floor na kung saan doon yung office ng may ari at doon din daw gaganapin yung meeting ay pumasok din naman kami agad sa room kung saan yung meeting namin ay mangyayari.

"Good morning!" Masiglang bati namin sa mga taong nandito na sa loob ng opisina

"Good morning" Walang ka sigla-siglang bati din nila samin.

Mga attitude hahaha.

"Are we late? " Agad na tanong ni Sir bago paman kami umupo

"Actually Oo, late kayo sa napag-usapan nating time, pero okay lang sapagkat may hinintay pa naman tayo!" Sabi nung matanda, siya siguro yung pinakamatanda dito sa loob ng room

"Ayy?! nakaka tagalog din pala" mahina't pabirong sabi ni Celeste kay boss

Tinawanan lang ito ni Sir, matapos din yun ay umupo nalang kami.

Almost five minutes rin kaming naghintay ng may pumasok na, and I was shocked sa mga nakita ko, Siya? Agad na pumasok na tanong sa isip ko.

"Okay guys pwede na tayong mag simula!" Sabi agad nung matanda, sabay umayos na sa pagkaka upo

"Uyyy Chester?" Pag tawag sa'kin ni Leo, liningon ko naman agad ito

"Siya yun!" Sabi niya sabay turo ng nguso dun sa babae

Hindi ko lang ito kinibuan, kinakabahan rin kasi ako baka makilala ako nito, well btw, siya lang naman kasi yung babaeng nakabunguan ko kagabi.

"Okay, Let's start!" May pagka masungit na sabi nung babae sabay umupo narin ito

"By the way, Let me first introduce myself, My Name is Kristine...." Naputol yung pag papakilala nito ng makita ako

Hala! Baka nakilala niya ako? Lagot na.

"Im Kristine!" Hindi na niya pinahaba pa yung pagpapakilala niya, alam kong nakilala niya ako kaya din siguro nawala siya sa mood

Nag simula rin naman agad yung meeting namin.

Nagtataka lang ako kung bakit ganun nalang siya ka importante at hinintay pa yung pag dating nya kanina, kaya't tinanong ko tuloy yung babaeng katabi ko ngayon.

"Miss" Pag tawag ko dito tsaka ko siya kinalabit

"Bakit?" Takang tanong nito sakin

"Sorry sa disturbo ahh, Bakit ba hinintay natin siya kanina? Bakit ba ganun siya ka importante sa meeting na 'to?" Takang tanong ko naman dito sabay turo ng nguso ko kay Kristine

"Well siya lang naman kasi ang anak ng may ari ng kompanya!" May pag mamalaking sabi nito sabay tinalikuran na ako nito

Diko na ito tinanong pa, enough na yung sinabi niya para matakot talaga ako sa babaeng 'to.

Kaya pala ganun nalamang siya ka importante sa neeting na 'to, Sana all naman kasi rich ang family.

Halos dalawang oras yung itinagal nung naging meeting namin marami din kasing mga napag-usapan.

After naman nung meeting ay kinausap ko kaagad si Kristine, gusto lang talaga sakanyang humingi ulit ng tawad.

"Hi!" Masigla kung bati dito, lalabas na kasi ito kaya't hinabol ko

"Bakit? Ano pa kaylangan mo?" Masungit na tanong nito sakin

"Grabe galit ka parin? Sorry naman!" Nag mamaka awa kung sabi dito pero naka ngiti parin naman ako kahit papaano

"Okay na!" Nakangi sabi na nito

"Pero sana sa susunod na maglalakad ka titingnan mo yung dinaranan mo, para wala kang nabubungo na tao" Sabi ulit nito

"Hahaha, tinitingnan ko naman kaya yung dinaraanan ko, sadyang nalingat lang ako at napatingin sa iba kaya't di kita agad napansin!" Naka ngiting pagpapaliwanag ko naman dito

Natapos naman yung araw na yun na nagkaayos din kaming dalawa.

Makalipas din naman yung ilang mga araw ay naging magkaibigan din kaming dalawa, mas napadali rin yung trabaho namin sapagkat naging close na namin sya, kababayan rin naman kasi eh, sino pa bang magtutulongan eh di tayo-tayo din naman.

Naging mas malapit kami ng sobra sa isa't-isa, after nga nung trabaho namin dito sa Italy ay dito na muna ako nag stay sa bahay nila.

Nasabi ko din kasi sakanya na gusto ko munang makapag bakasyon dito sa Italy, na ikwento ko narin naman sakanya yung tungkol sa nangyari sa'min ni Alexa, dahilan din kaya't ayaw ko munang umuwi ng Pinas.

Siya lang naman kasi ang nandito sa bahay nila, nasa Pilipinas daw kasi yung family niya, pina-stay muna daw siya dito sa Italy para mag manage ng negosyo nila.

Marami narin akong napuntahang lugar dito na kasama siya, hindi niya naman ako inililibre sadyang may baon pa naman akong natitira, kaya't may panggastos pa naman ako.

End of Flashback

Three months narin akong nandito sa Italy, mahaba-habang bakasyon narin yun kahit papaano, na miss ko na nga rin sila Mama't Papa, especially Alexa, aayusin ko pa yung relasyon naming dalawa at sana maayos ko pa, kaya't sinubukan kong mag sabi kay Kristine na kung pwede ay uuwi na muna ako ng Pilipinas, hindi naman ito humindi, sapagkat gusto niya narin daw na umuwi ng Pilipinas, miss niya narin daw kasi sila Mama't Papa niya, at gusto niya din daw na makilala na ang Family ko at si Alexa na palagi niya nalang naririnig sa'kin.

Siguro ngayong week din naman na 'to ay uuwi na kami ni Kristine ng Pilipinas.

Mamimiss ko itong Italy pero mas miss ko na ang Pilipinas, enough na yung tatlong buwan kong pagbabakasyon dito, marami narin akong napuntahan.

See you soon Pilipinas.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Take me to Church Where stories live. Discover now