Chapter 34: To be with you Again

94 72 0
                                    

'To be with you Again'

CHESTER

Iba't-ibang emosyon na ang aking nararamdaman. Sa tagal ng panahon naming hindi nagkita ni Alexa maraming bagay akong nais gawin na kasama sya, gusto ko narin matupad ang pangako ko sakanya na dadalhin ko pa siya sa simbahan at ikakasal pa kaming dalawa.

Mabilis kung sa mabilis ang takbo ng sasakyan ko.

Akala ko noon wala ng pag-asang magkita at magkasama pa kami ulit ni Alexa, halos mawalan na ako ng pag-asa noong mga nakaraang araw, pero sa naging text ni Joanna kay Kristine kanina para akong nabuhayan ulit, gumagawa talaga ng paraan ang tadhana na magkita kami ulit ni Alexa, at sa pagkakataong ito hindi ko na talaga 'to sasayangin.

Boom!

Isang malakas na pag sabog ang narinig ko sa dikalayuan.

May pagka traydor din naman talaga ang tadhana minsan, kung kaylan nagmamadali ako ng sobra saka naman nagkaroon ng disgrasya dahilan para magka buhol-buhol ang traffic.

Nakakainis naman.

Hindi rin naman tumagal ay naka daan na ang sasakyan ko.

"Mukhang namatay yung driver nung nakabanggang kotse" Rinig kong sabi ng isang driver na bumaba sasakyan

Sana naman hindi yun mangyari sa'kin.

Dali-dali akong bumaba ng sasakyan at tumakbo ng mabilis papasok sa'ming bahay.

Agad na hinanap ng mga mata ko si Joanna at nakita ko rin naman agad 'to, malapit sa may hagdan.

"Joanna!" Hinihingal pang sigaw ko dito

Agad naman nitong inabot ang cellphone na hawak-hawak niya.

"Sorry kung pinakialam ko! Tumunog kasi yung phone mo, may message na nag pop-out at nakita ko na galing kay Ate Nicole yung message, kaya't dali-dali kung tinext si Ate Kristine para masabi sayo. I'm Sorry!" Mahabang paliwanag nito

Hindi ko na ito sinagot at kinuha ko nalang yung cellphone.

"Sinend ni Ate ni Nicole yung address ni Ate Alexa" Pahabol na sabi pa ni Joanna bago ko paman mabuksan yung cellphone

Agad kong binuksan yung cellphone at binasa yung message ni Nicole.

From: Nicole

Sorry kung ngayon lang ako naka reply sa mga message mo at chat, masyadong naging busy kasi ako, maraming ginagawa dito sa'min.

Ito nga pala yung Address ni Alexa, sana magkita na kayong dalawa, sana rin maayos niyo na ang relasyon niyo. Ang alam ko malala na ang sakit ni Alexa, at hindi narin kayang gamutin, maaring next month nga bumalik ako diyan para bisitahin siya.

House Number: 143
Sitio: Mapagmahal
Brgy. San Agustin, Batangas City

Dumating kana pala ng Pilipinas?
Kaylan pa?

Hope to see you soon, Both of you, Miss you All!

To: Chester

Bigla akong napaisip sa address na sinend sa'kin ni Nicole.

Familiar yung Address na sinend niya sa'kin, I think napuntahan ko na 'to!?

Take me to Church Where stories live. Discover now