Chapter 19: Muni-muni

135 94 29
                                    

'Muni-muni'

ALEXA

Maaring yung iba sasabihin na ang tanga-tanga ko naman para tapusin lang ng ganun ganun lang yung relasyon naming dalawa ni Chester, ngunit ito lang ang masasabi ko sa kanila.

"Hindi kayo ang nasa position ko, kaya't hindi nyo rin nararamdaman yung sakit na nararamdaman ko".

Akala ko kanina okay na ako, bumalik na kahit papaano yung mga ngiti ko, akala ko kanina wala na yung sakit. Akala ko okay na ako.

Bigla nalang akong nagising ng isang malakas na katok galing sa pintuan, "sino kaya 'to" sa isip-isip ko

Imposibleng si Chester nanaman yung kumakatok sa pintuan dahil alam ko na umuwi na siya. Chester is not that kind of person na pipilitan ka talaga sa isang bagay, kaya't imposibleng siya ang kumakatok.

Kahit ayaw ng katawan kong bumangon ay wala akong nagawa masyadong malakas at maingay ang pagkatok nito sa pintuan kaya't bumangon nalang ako para buksan yung pintuan.

Hindi ko naman pinagsisisihan ang pag bukas ko nitong pintuan, sapagkat si Nicole yung taong kumakatok. Agad ko syang yinakap.

"Manloloko siya!" Sabi ko sakanya habang nakayakap at umiiyak

Takang tumingin sa akin si Nicole, kitang-kita sa mukha nito.

"Baka hindi naman!? Maybe may rason sya kung bakit nya yun nagawa?" Sabi niya naman sa'kin na bigla ko namang ikinagulat

Hindi ko akalain na mas parang kinakampihan pa niya si Chester, siguro nasasabi niya talaga 'to kasi  hindi niya talaga nakita yung mga nakita ko kagabi.

"Ha!? Really?" Nagtatakang sabi ko sakanya sabay tinanggal ko yung mga kamay ko sa pagkakayakap sakanya

"Bakit parang mas pinagkakatiwalaan mo sa Chester!?" Tanong ko sakanya

"Bakit parang mas kilala mo si Chester kaysa sa'kin!?" Naiinis na tanong ko ulit dito

Nagtataka siyang tumingin sa'kin.

"No! Hindi naman sa mas pinagkakatiwalaan ko si Chester, ayoko lang maging bias, malay mo naman talaga may rason siya!" Pagpapaliwanag nito

"Kitang-kita ng dalawa kong mga mata, kung pa'no mag halikan yung dalawang yun! Do you think hindi nila yun gusto!?" Naiiyak na sabi ko dito

"I'm sorry! Hindi ko talaga kasi nakita yung mga pangyayari" Sabi naman ulit ni sa'kin ni Nicole sabay yinakap niya narin ako

Matapos yun ay umupo muna kaming dalawa, nandito parin kasi malapit sa may pintuan. Dun nalang kaming dalawa nag patuloy na mag-usap sa sala

"Naki pag break muna ako sakanya!" Sabi ko kay Nicole habang naka higa sa legs niya

Naki pag-break ako kay Chester kasi yun naman talaga ang dapat, diba!?

Pero ngayon parang nagsisisi ako, alam kong nasaktan ko ang lalakeng mahal ko naman talaga, pero kung hindi naman talaga yun ginawa, pa'no kaming dalawa matutoto.

Siguro hindi pa talaga sapat ang tatlong taong relasyon para masabi mong kayo ng dalawa ang magsasama habang buhay.

Tatlong taon na kaming mag kasintahan pero bakit parang hindi parin namin kilala ang isat-isa.

"Grabe ka naman, agad-agad!?" Nagtatakang sabi nito sa'kin habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri niya

"Wala ka na bang tiwala sakanya!? Engaged na kayo diba? Bukas narin ang alis niya" Sabi nitong muli

Nicole was right, bukas na nga pala ang alis ni Chester.

"Hindi ko alam!? Masyado pang magulo ang isip ko, kahit naman siguro sino hindi agad magkaka ayos, 'e kagabi palang nangyayari yung pangloloko niya!" Naguguluhang sagot ko dito

"Sana mag-bago pa ang iyong mga desisyon besh" Parang nangungumbinsing payo nito sa akin

I hope so!

"Mukang may kapalit na yung mga masasayang araw na nangyari sa'kin noong mga nakaraan" Naiiyak na sabi ko dito

Noong mga nakaraang araw lang kasi ang saya-saya ko, pero ngayon parang binabawi na lahat.

"Be strong Alexa! Alam kong kaya mo 'to, I'm always here naman! I will always support you" Nakangiting sabi ni Nicole

Buti nalang talaga laging nandito si Nicole sa tabi ko, dahil sakanya mas nagiging maayos na ang pakiramdam ko.

"Salamat rin beshh!" Nakangiting sabi ko na sakanya

Habang nakahiga ako sa legs ni Nicole ay bigla akong nakaramdam ng antok, kaya't kahit kakagising ko lang ay natulog nanaman ako ulit, mas makakabuti rin ito sa'kin para mas maka pag pahinga ako.

* * * * * * * * * *

NICOLE

Masakit rin palang makitang nasasaktan yung kaibigan mo, hindi ako sanay na nakikitang umiiyak si Alexa, kahit kasi lumaki siyang walang mga magulang never ko siyang nakitang umiyak.

"Mukang mas kilala mo pa si Chester kaysa sa'kin!"

Hindi parin maalis sa aking isipan yang mga sinabing yan ni Alexa.

Hindi naman siguro sa kilalang kilala ko si Chester sadyang alam kong hindi niya yun sinasadya at hindi niya yun kayang gawin, alam ko narin kasi yung rason kung bakit yun nagawa ni Chester, pero kahit alam ko na yung totoo ayoko na ako ang magsasabi nun kay Alexa, kaya nga kanina habang nag tatalo kami ay pilit kong itinatangol si Chester.

I don't have the rights naman kasi para sabihin yung rason kung bakit yun nagawa ni Chester.

Sana Alexa hindi ka mag sisi sa mga desisyong ginawa mo, pero kung ano pa mang desisyon ang gagawain mo susuportahan naman kita, as long as you're doing the right thing.

Tinanggal ko muna si Alexa sa pagkakahiga sa legs ko sapagkat napansin kong naka kalat parin yung pinag kainan niya, hindi niyana siguro na ligpit kanina.

Alam kong nasabi lang ni Alexa yung ganung mga salita kay Chester dahil nasaktan lang talaga siya, but I'm sure na hindi totoo na hindi na mahal ni Alexa si Chester, sapagkat kung totoong hindi niyana mahal si Chester ay dapat wala na sakanya yung engagement ring na binigay ni Chester, napansin ko kasi na suot parin niya ito

Dahil kagabi pa nangyari yung panloloko sakanya ni Chester, maaring dapat kagabi rin ay itinapon nyana 'to, pero hindi pa niya ginawa.

That engagement ring proves that Alexa's still love Chester.

*-*-*-*-*-*

Take me to Church Where stories live. Discover now