Chapter 05: Anniversary

181 122 37
                                    

'Anniversary'

ALEXA

Dumating kami sa bahay nila Chester na halos mag aalas otso na, ako yung naunang pumasok sa bahay sapagkat may kausap pa sila Tita at Tito na kapit bahay nila, tas si Chester naman ay ipapark pa yung sasakyan.

Hindi ko alam kung bakit parang ang bilis ng tibok ng puso ko na para bang may mga daga sa'king dibdid, mas lalo pa akong kinabahan at kinilig nung nakita kung naka ngiti sakin si Chester habang papasok ako sa Bahay nila at may sinabi pa ito.

"HAPPY 3rd ANNIVERSARY! I LOVE YOU" Sabi nito sabay pa siyang kumindat sakin

"Ano nanaman kaya ang problema  nito!?" Sa isip-isip ko.

Hindi ko na ito tiningnan ulit at pumasok nalang ako sa bahay.

Nabigla ako sa aking mga nakita, hindi ko nga na malayan na tumutulo na pala ang aking mga luha, luhang hindi dahil sa sakit o kalungkutan kundi dahil sa sobrang saya kung nararamdaman.

Tears of joy kumbaga!

I was really surprised, alam kong gawa na naman ito ni Chester, akala ko yung kaninang umaga na ang surprisa niya, hindi pa pala.

Pag pasok ko sa bahay nila ay tumambad agad sa akin ang napakaraming lobong naka lutang na may mga naka sabit din na larawan, ibat-ibang larawan naming dalawa at may mga petals rin ng roses naka kalat sa sahig, pero ang mas naka kuha ng atensyon ko at ang naging dahilan ng pag buhos ng aking mga luha ay ang napaka laking larawan naming dalawa na naka dikit malapit sa lamesa, ito ang pinaka unang naging larawan naming dalawa, we we're just friends noong kinunan ang larawan ito, it's almost three years na narin since this photo was being taken, and he still keep it!? Kung ano ang tagal ng relasyon namin ay ito rin siguro ang tagal ng larawang ito.

Habang patuloy ako sa pag luha at pagtitig sa mga larawan ay may narinig naman akong tinig mula sa aking likuran, agad akong lumingon.

"Happy Anniversary ulit, I love you so much Babe or should I say soon to be Mrs. Alexa Jane R. Diaz!?" Sabi ni Chester na naluluha na narin, hindi ko na napigil ang aking sarili sa pag-iyak kaya't tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap ko siya

"I Love You too! Salamat sa lahat, alam kung pinaghirapan mo ito kaya't I really appreciate it!" Naiiyak na sabi ko rin dito

Mas humigpit pa ang yakap ko sakanya na para bang miss na miss ko siya.

"Napaka swerte ko kasi ikaw naging boyfriend ko, maalaga, may respeto, at higit sa lahat mapag mahal kang tao!" Sabi ko ulit sakanya sabay hinalikan ko siya pisngi

"Hindi lang naman ikaw ang swerte Alexa, ako rin naman!" Sabi rin nito habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi ko

"Ang swerte ko sapagkat ikaw ang naging Girlfriend ko, na soon to be magiging Mrs. Diaz na!" Sabi nito sa'kin dahilan upang mas kiligin ako at mapangiti

Matapos naming dalawang mag emote ay inaya na namin sila Tita at Tito na kumain na, sakto din naman na kakapasok palang nilang dalawa.

Agad kaming pumunta ng lamesa at sabay-sabay na nga kaming kumain.

"Ako pala lahat nag luto niyan! Pinag puyatan ko yan para sayo" Pagyayabang ni Chester sa amin

Nagtataka akong tumingin sakanya.

"Kaya pala pag-gising ko kaninang umaga wala kana sa kwarto!" Natatawang sumbat ko naman dito

"Ang tanong masarap ba ang mga 'to!?" Sabi ko sabay turo sa mga niluto niya "Baka ang pangit ng lasa nito!?" Natatawang sabi ko ulit dito

"Hahaha, syempre masarap yan, parang ako lang masarap din" Sabi nito kaya't nag tawanan tuloy kaming lahat

Patuloy na sana kami sa pagkain ng biglang mag salita si Tito na ikinagulat ko.

"Halos hindi nga yan natulog Alexa magawa lang lahat ng ito para sayo, ganun ka kamahal ng anak namin" Biglang sabi ni Tito, na ikinagulat ko, bihira ko kasi syang makausap madalas kasi si Tita lang ang kausap ko

"Alam ko rin po Tito, salamat din po Tito kasi kahit papaano tinanggap niyo ako para sa anak niyo" Kinakabahang sagot ko kay Tito

Pero masaya naman talaga ako kasi tinanggap nila ako ng buong-buo. Itinuring rin nila akong parang isang tunay na anak, ipinaramdam din kasi nila sa akin kung paano magkaroon ng isang masaya at buong pamilya kahit hindi naman talaga sila ang mga magulang ko, kaya't ganun nalang ang pasasalamat ko kila Tita at Tito.

"Walang anuman hija, sana nga kayo na ng anak ko ang magkasama hanggang sa dulo!" Seryosong sabi ulit ni Tito

Napalunok tuloy ako ng laway.

"Sana nga po!" Nakangiting sabi ko naman kay Tito

Ngumiti nalang si Tito sa akin at hindi na nag salita pa, kaya't nag patuloy nalang din ako sa pagkain.

I will enjoy and treasure every moment na kasama ko kayong lahat, especially ikaw Chester, masaya ako at nakilala kita at ang pamilya.

Chester's POV

Ramdam ko ang saya na nararamdaman ni Alexa ngayon, lalo na nung makita ko ang pag-tulo ng kanyang mga luha, alam ko at naramdam ko kung gaano niya talaga pinapahalagan ang bawat bagay na ibinibigay ko sakanya.

Alam ko na ang bawat pag tulo ng luha ni Alexa ay dahil ito sa sobrang sayang kanyang nararamdaman, kitang-kita ko ito sa mga mata at ngiti niya, lalo na't alam ko rin na ginawa ko ang lahat para sa araw na ito at para mapasaya siya.

Alam ko narin kasi sa sarili ko na sya ang taong mamahalin ko hanggang sa dulo.

Ang taong mamahalin ko kahit na ano ang mangyari.

Ang taong mamahalin ko sa hirap man o ginhawa.

Binigay ko na ang lahat ng best ko at ang lahat ng bagay na alam kong makaka pagpasaya sa kanya, dahil maaaring ito narin ang huli naming Anniversary bilang mag kasintahan, sapagkat ang susunod na naming ipagdiriwang na Anniversary ay Wedding Anniversary na.

Nakikita ko rin na gustong-gusto nila Mama at Papa si Alexa, nakikita ko rin na may respeto ka kila Mama at nakikita ko rin na mahal na mahal mo rin sila Mama maging ang ka isa-isa kong kapatid.

Sa susunod na linggo kasi ay balak ko nang mag propose sa kanya, alam ko rin naman sa sarili ko na mahal na mahal rin ako ni Alexa, alam ko rin na hindi niya ako tatanggihan dahil alam ko sa aking sarili na mahal na mahal niya talaga ako.

Hindi na kita papakawalan pa Alexa hinding hindi rin kita sasaktan. Mahal na Mahal kita Alexa Jane Reyes Diaz.

Ngayon ang pag-iisipan ko naman ay kung papaano at saan ako mag popropose sayo Alexa, magiging mahirap ang preparation sa gusto kong mangyari kaya't pag iisipan ko muna ito ng maigi, ang dapat na iniisip ko ngayon ay ang anniversary namin, mag sasaya muna kaming lahat.

Special na araw ito para sa amin ni Alexa.

Mahal na Mahal talaga kita Alexa Jane Reyes.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Take me to Church Donde viven las historias. Descúbrelo ahora