Chapter 27: Family Bonding

98 74 0
                                    

'Family Bonding'

ALEXA

Halos dalawang buwan narin akong nandito sa bahay nila Mama, mas pinili ko na lang rin muna kasing dito mag stay sa bahay nila kaysa mag-isa ako dun sa condo.

Habang tumatagal rin ang mga araw ng pag stay ko dito sa bahay ay siya rin namang paglala ng sakit ko.

Last month lang kasi ay nalaman ko na yung totoo tungkol sa kong nararamdaman.

I was diagnosed with cancer 'Brain Cancer' to be exact, kaya rin pala madalas ng sumakit yung ulo ko.

Maraming tao even doctors ang nagsasabi na nagagamot naman daw ang sakit na'to, kaya't kahit papaano ay hindi ako nawawalan ng pag-asa na maaaring gumaling pa ako.

Sa dalawang buwan ko ding paninirahan dito kina Mama ay siya rin namang tagal ng buwan ng walang komunikasyon sa pagitan naming dalawa ni Chester, hindi ko alam kung kinalimutan niya na ba talaga ako o kaya naman baka may bago na siyang girlfriend dun sa Italy, wala talaga akong ka alam-alam sakanya.

Maybe this is the right time narin siguro para kalimutan ko na siya, Yes! I still love him, pero hindi naman siguro pwedeng siya nalang ang hihintayin ko, gaya nga nung sa kantang 'Hindi Tayo Pwede' Maaaring pinagtagpo lang kami, pero hindi itinadhana, tatangapin ko nalang na wala na talagang kami.

* * * * * * *

Nandito kami ngayon nila Mama't Papa sa Mall, halos every Sunday after nang misa ay dito kami tumutuloy, kung ano-ano lang ang ginagawa namin, kain dito, kain doon, bili dito, bili doon at kung ano-ano pa, nagtataka nga ako kila Mama kasi lagi nalang kaming ganito, pero sabi naman nila ay bumabawi lang daw sila sa'kin, maraming taon din kasi kaming hindi naka pag pamasyal ng magkakasama, kaya't ito nalang daw ang gawin namin every Sunday para magkaroon din daw kami ng Family Bond.

Ngunit lagi rin akong nag tataka sapagkat sa dalawang buwan kong pag stay sa bahay nila ay hindi ko parin nakikilala at nakikita yung kapatid kong isa.

"Mama, dalawang buwan na ako sa bahay pero bakit di'ko parin nakikilala at nakikita yung kapatid ko!?" Takang tanong ko kay Mama habang kinakain ko rin 'tong spaghetti na inorder namin dito sa Jollibee

"Pabayaan mo muna siya, nasa tamang edad narin yun, alam na nyana yung mga gagawin niya!" Sabi ni Mama sabay tinawanan lang ako

Hala! Bakit kaya parang ayaw nilang makilala ko yung kapatid ko.

"Tara na, mag Grocery muna tayo" pag-aya samin ni Papa, tapos narin kasi kaming kumain

Sabay na kaming Tumayo ni Mama, galante talaga 'tong si Papa, palibhasa Doctor, Rich (Haha)

After nga naming kumain ay namili naman kami ng grocery.

Habang patuloy sa pagpili si Mama't Papa ng mga bibilhin ay bigla kong naramdaman sa pisngi ko yung pagtulo ng mga luha ko. Bigla akong naluha, I was just very happy, kasi naramdaman ko na ngayon yung kung paano magkaroon ng masaya't buong Pamilya.

Ilang taon din akong nabuhay ng mag-isa, buti nga nung time na naging kami na ni Chester ay kahit papaano nagkaroon ako ng maituturing at masasabing Pamilya, kaya't sana nga talaga ay magkaayos na kaming dalawa ni Chester.

Ilang minuto rin ang itinagal namin sa pamimili ng grocery, hindi ko pinahalata kina Mama't Papa na umiyak ako 'actually naluha lang pala!' Nakakahiya nga kanina sapagkat may mga nakapansin sa'kin, pero okay lang, I'm just really Happy.

"Anak!" Pag tawag nila ng pansin ko na ikinagulat ko rin, pa'no ba naman bigla lang akong hinila ni Mama, akala ko kung sino

"Saan na ba tayo pupunta Ma!?" Nagtatakang tanong ko kay Mama ngunit hindi ito sumagot sapagkat napaka bilis lang nitong maglakad, kaya't tinawag ko ulit ito

"Ma..." Medyo may kalakasang tawag ko dito, so ayun narinig niya rin ako

"Saan tayo pupunta!?" Tanong ko ulit dito

"Basta sumunod kalang sa'kin" May pagka excited na sabi nito

"By the way, Ma nasaan na pala si Papa?" Tanong ko ulit dito, kakaisip ko kasi kanina, diko napansin kung saan pumunta si Papa

Hindi lang ako kinibuan ni Mama, hanggang sa makarating kami sa isang store na may mga tindang mga cellphone? Bakit kaya kami nandito?

Hanggang sa makita ko si Papa, mukang bibili ata siya sapagkat pumipili ito? Ang yaman talaga!

"Bibili ka Papa?" Tanong ko dito ng makarating na kami sa kinatatayuan nya

"Oo!" Maikling tugon nito sakin 'sana all talaga!' Tatanong pa sana ako dito ng mag salita ulit ito

"Alin ba maganda dito Alexa?" Sabi nya sabay turo sa dalawang.... iPhone? Yes, iPhone nga, iPhone 11 Pro Max

Sana all talaga!

"Ito Pa! Maganda 'to mahal nga lang.." Sabay turo ko sa kulay gray na iPhone 11 Pro Max

"Ahh, sure ka talaga? Maganda 'to?"  Paninigurado ni Papa

"Okay kung ganun! Yan nalang tuloy ang bibilhin ko!" Sabi ulit ni Papa

Sana all yayamanin!

Binayaran na nga ito ni Papa, pero iniwan muna nila ako at pinahintay sa'kin yung cellphone nag cr muna kasi silang mag asawa.

Ilang minuto rin yung itinagal nilang dalawa bago naka balik.

"Ang tagal niyo naman, hahaha'' Biro ko sakanilang dalawa

"Sorry naman!" Sabay nilang pagkakasabi

"Ito na pa yung cellphone!" Sabay abot ko ng bag na pinaglalagyan ng cellphone kay Papa

"Bakit mo pa binibigay sa'kin? Its Your's!" Nakangiting sabi ni Papa na ikinagulat ko

"Ahhh!? Really!? Baka pinaprank niyo lang po ako?" Halos nauutal-utal na sabi ko sakanila

"Ayaw mo? Dito muna! Joke lang!" Biglang biro ni Papa

"Oo nga sayo nayan, bawi namin ng Mama mo sa mga araw na hindi namin na ibigay yung dapat ay para sayo" Nakangiting sabi ulit nito

"Thanks po!" Ito nalang ang tanging nasabi ko sabay yinakap ko na silang dalawa

"Advanced gift narin namin yan sayo, malapit narin kasi birthday mo eh" Sabi naman sa'kin ni Mama habang nakayakap rin sa'kin

Kahit pala ilang taon kaming hindi nagkasama ni Mama ay alam parin niya ang birthday ko.

Oo nga pala malapit na talaga ang birthday ko, Ano kaya magandang gawin? Bahala na sila Mama nun, pero finally rin magkikita na kami ulit ni Nicole, syempre hindi naman pwede na hindi sya pumunta sa birthday ko.

After nga namin maka pamili nila Mama't Papa ay umuwi narin naman kami kaagad, baka kasi masubrahan nanaman ako sa pagod at mahilo pa ako.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Take me to Church Where stories live. Discover now