Chapter 8: Plan for Proposal

163 112 27
                                    

'Plan for Proposal'

CHESTER

Makalipas nga ang ilang araw matapos ang birthday ko ay diko muna binibisita o kinakausap si Alexa, kaya nga pinilit kong pumunta dito si Nicole sa Cavite para may makasama sya, sapagkat alam ko nga na magiging busy rin ako sa trabaho dahil sa Thursday na nga ang alis namin ni Sir.

Pinag paplanohan ko rin kung saan ako mag po-propose, gusto ko rin kasi na bago ako umalis ay sigurado ko nang akin na talaga si Alexa, maaaring makuha pa kasi siya sakin ng iba, kaya't kaylangan makapagpropose na ako sakanya bago kami umalis nila sir.

Nandito nga ako ngayon sa mall kasama sina Frederick at ang kapatid kong si Joanna nag papatulong kasi ako sa kanila sa pagpili ng engagement ring na gagamitin ko sa pag propose kay Alexa.

Isinama ko si Frederick ngayon kasi meron na syang asawa at syempre nag propose din sya noon, kaya alam ko na makaka tulong siya sa'kin ngayon, and also he's one of my trusted friend.

"Kuya ano bang design ang mas gusto mo?" Nagtatakang tanong ni Joanna

"Depende, wala naman kasi akong gustong design!? Siguro kung ano nalang matipuhan ko!" Sagot ko dito sabay ngiti

"Alam mo kasi pare dapat bago tayo pumunta dito may naisip kanang design." Tumalikod ito

"Ano bayan!" Padabog na sabi ulit nito

"Kaya nga pinasama ko kayo, kasi... wala akong idea diba?" Tinignan ko itong pa biro

"Tumigil na nga kayo." Irita kong sabi sa dalwa pero biro ko lang naman... hehehe

Sa tagal ng pag iikot-ikot namin dito ay nahanap narin namin kung saan kami makakabili.

Nilapitan kaagad ni Joanna ang stall.

"Kuya mukang maganda to!" sabay turo si Joanna sa sing-sing

"Maganda sya pero...?" Natigilan ng sandali si Frederick at napaisip

"Hindi naman yan bagay kay Alexa at tandaan niyo hindi lang basta-basta ang pag-popropose" Wika ulit ni Frederick

"Ahh okay! Mag tanong nalang kaya tayo kay ate?" Sabi nito, sabay turo si Joanna sa sales lady

"Ahh, Oo nga tanungin natin kung may mga engagement ring sila!" Pag sangayon naman ni Frederick

Pinuntahan namin ang sales lady at tinanong tungkol dito.

"Miss, Good morning po! Meron ba kayong mga engagement ring dito?" Tanong ni Joanna sa sales lady

"Good morning Ma'am & Sir, ahhm meron po kami!" Sabay kinuha nang sales lady ang ibang sample "ito po" Sabay abot sa'min ng mga boxes

Nilabas nga ng Sales Lady ang walong kahon ng sing-sing na may iba't ibang desinyo.

Napa "wow" nalang kaming tatlo sa mga nakita. Ang gaganda lang talaga kasi ng mga sing-sing.

"Ito po ang pinaka madalas na mga nabibiling mga engagement ring" Sabi ng sales sabay turo sa mga sing-sing

"Pare ito yung nabili ko nun, ganito mismo!" Saay turo si Frederick sa sing-sing.

Ngunit iba ang nakakuha ng atensyon ko sapagkat mas na gustuhan ko yung pang pitong sing-sing na may napaka simpleng desinyo na INFINITY.

Hindi ako nag atubiling bilhin ang sing-sing, dahil nakikita ko sa isip ko na bagay talaga ito kay Alexa.

"Wow! Akala ko ba kuya kami ang pipili, galing naman!" Natatawang sabi ni Joanna

"Iba ka talaga Pare!" Sabi naman ni Frederick

"Ayy!? Hahaha! Okay nayan ako naman mag po-propose diba!? tas maganda naman ah" Sabi ko sabay tinalikuran ko sila

Pagkatapos naming bumili ng sing-sing ay humanap muna kami ng makakainan para narin makamagpahinga, kumain at pag planohan narin ang magaganap na proposal.

"Ano bang pwedeng gawin para mas lalong maganda at memorable ang proposal!?" Tanong ko sakanila

Nagtinginan muna yung dalawa bago sumagot.

"Wala akong masyadong idea!" Sabay taas ni Frederick ng dalawang kamay nya "When i proposed to my wife it was very simple lang!" Sabi nito ulit

"Ganito nalang kuya!" Umayos pa sa pag kakaupo si Joanna

"Para mas maging Romantic ang proposal mo, kahit sa bahay lang o kaya sa backyard, maganda naman dun" Lumakas bigla ang kanyang pagsasalita 

"Ayy Oo! Dun nalang sa backyard parang simpleng date lang, tapos dun kana mag propose sakanya, ako na ang bahala kung papaano sya mapapapunta dun sa bahay" Kinikilig na sabi Joanna, daig pang sya ang pag po-proposed san ko

"Well that's a good Idea! Tapos lagyan mo ng maraming petals ng roses sa paligid niyo. My god hindi pa nangyayari kinikilig na agad ako" Sabi naman ni Frederick

"Okay! Tama nga yung desisyon ko na sainyo ako mag patulong, bukas nalang siguro ako bibili ng mga roses saturday palang naman bukas, right?" Nakangiting sabi ko sakanila

"Okay! Tapos na tayo dito, baka pwedeng umuwi na tayo guys o kaya naman mauna na ako baka kasi hinahanap narin ako ni Misis!" Takot na sabi ni Frederick, palibhasa under sya ng misis niya, hahaha

"Wag na! Sabay-sabay nalang tayo, uuwi narin kami ni Joanna, anong oras narin kasi!" Pag pigil ko naman dito, nakakahiya naman kasi kung mauuna na sya saming umuwi

Matapos nga yun ay hinatid muna namin ni Joanna si Frederick sa kanilang bahay, well expected na namin na hinihintay na nga si Frederick ng asawa niya.

"Pare, uuwi narin kami, Salamat ah! Punta ka sa proposal sa Sunday ha!" May pagka mayabang na sabi ko dito, well pinapaingiti ko lang naman sya, halata kasing kinakabahan ito, takot talaga siya sa asawa niya

"Oo, No problem, pupunta kami ni Misis! Sige ingat kayo!" Medyo iritang sabi naman nito

Umuwi na nga kami ni Joanna sa bahay, naka tulog na nga si Joanna sa sasakyan dahil siguro sa pagod, buti nalang talaga at may kapatid akong babae na lagi kong mahihingan ng tulong.

Nakaka pagod din pala kasing mag prepare para sa pag propose, pero alam ko naman na magiging maganda ang resulta nito.

Humiga muna ako sa kama, masakit narin kasi ang ulo ko, halos mag hapon kaming nag libot maka hanap lang kami ng sing-sing, but it's okay because I know na magiging worth it naman ang lahat.

I really hope that Alexa would say Yes.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Take me to Church Where stories live. Discover now