Chapter 18: Break Up!

146 96 29
                                    

'Break Up'

CHESTER

Alas syete y medya na ng umaga pero nandito parin ako ngayon sa bahay nila Sir Joey, dito narin kasi ako natulog sa bahay niya, hindi parin ako maka paniwala sa mga nangyari kagabi, mas pinili kong hindi muna sundan kagabi si Alexa sapagkat alam kong hindi pa kami ka agad nun magkakaayos o magkakaintindihan.

"Pre, Ayos ka lang!?" Nag-aalalang tanong ni Frederick na gumising sa pagkaka tulala ko

"Ah..ah.. Me..medyo!?" Nauutal kong sagot sakanya

Hindi ko nga ito maharap sapagkat nahihiya rin ako sakanila.

"Advice lang bilang isang kaibigan, kung ako sayo habang maaga pa ayusin mo na, wag mong hayaan na dahil lang sa pangyayaring yun ay masisira ang relasyon niyo!" Sabing muli ni Frederick habang tinatapik ako sa likod

Masyadong magulo ang isip ko, hindi ko alam kung ano o kung saan ako magsisimula para maayos yung mga nangyari kagabi.

"Hindi rin naman ako papayag na ganun ganun nalang masisira ang relasyon naming dalawa, hindi ko binuo yung tatlong taong relasyon namin, para sirain lang ng isang maling akala!" Tugon ko naman sakanya

"Yan! Ganyan ang kilala kung Chester, oh!? Ano pa!? Puntahan mo na! Ayusin mo na ang problema mo!" Sabi ni Frederick sabay batok sa ulo ko na naging dahilan para magising ako sa katotohanan na kaylangan ko ngang ayusin ang relasyon naming dalawa ni Alexa

Hindi na nga ako nag dalawang isip pa na puntahun si Alexa, agad akong nag paalam kay Frederick at kay Sir Joey at dali-dali na akong sumakay ng kotse at umalis.

* * * * * * * *

ALEXA

Gumising ako na magang-maga parin itong mga mata ko, halos apat na oras lang siguro yung tulog ko.

Masakit din ang ulo ko at medyo na mamaga pa nga, sandamakmak na kalat din ang bumungad sakin ngayon dito sa sala. Basag na Plato, Baso, Salamin at kung ano-ano pa, Oo! ako ang may gawa ng lahat nang ito.

Flashback

Halos magunaw ang mundo ko dahil sa mga nangyari

Parang ang OA diba magunaw daw ang mundo nya!? 

Itinatapon ko lahat ng bagay na makita ko babasagin man o hindi.

Hindi parin mawaglit sa isip ko yung mga nakita ko.

Hindi ba ako naging sapat sakanya?

Hindi naman siguro ako panget dahil kung tutuusin mas may itsura pa ako sa babaeng yun!

Mas magaling naman siguro akong humalik sa babaeng yun? Mas magaling nga ba ako?

Mga tanong na nabuo saking isipan.

Inuntog ko ng inuntog ang ulo ko at pilit na pa ulit-ulit kong sinasaktan ang sarili ko.

Gusto ko lang sana kasing gisingin ang sarili ko, baka kasi nananaginip lang ako, but I was wrong, lahat ng nangyayari ay totoo.

Halos kulang nalang mag pakamatay ako, hindi ko alam kung bakit ko 'to ginawa sa sarili ko.

Panget ba akong girlfriend para ipagpalit!?

Ginawa ko naman lahat!

Ilang minuto ang lumipas ng makaramdam na ako ng antok, halos ala una y medya na ng umaga kaya't itinulog ko nalang yung sakit na nararamdaman ko at nagbabaka sakaling pag-gising ko wala na yung sakit na nararamdaman ko.

Take me to Church Where stories live. Discover now