Chapter 02: "O M G"

247 135 68
                                    

'Oh My God'

ALEXA

Kring...Kring...Kring...

"Good Morning!"

Ginising ako ng isang malakas na sigaw ni Chester kasabay pa nito ang malakas na tunog rin ng aking alarm clock.

"Hey! Good Morning, bangon kana diyan it's already nine thirty" Pag gising ulit nito sa'kin

"Breakfast na tayo, nag luto narin ako ng almusal natin" Sabi ulit ni Chester sabay halik sa noo ko

"Hindi na ako kumatok kasi alam kung tulog kapa kaya't pumasok nalang ako, may susi naman ako diba!?" Natatawang sabi pa nito, alam niya kasing magtatanong ako kung paano sya naka pasok

Simula kasi ng man ligaw siya sa akin ay binigyan ko rin siya ng susi nitong kwarto, for emergency purpose lang naman.

"Good morning din!" Malambing na bati ko rin dito habang pilit na ibinubuka ko ang aking mga mata

Tatayo na sana ako sa pagkaka higa ng halikan nya ulit ako sa noo.

"I love you Babe!" Mahinang sabi nito sa'kin

Feeling ko talaga safe ako every time na nasa tabi ko siya, sana talaga siya na ang lalakeng mamahalin ko at makakasama hanggang buhay.

Bilang pagbawi naman sa kiss niya ay yinakap ko naman ito pero na out of balance kami na naging dahilan upang mapahiga siya sa tabi ko.

Ano mang oras ay maaaring may mangyari sa aming dalawa ngayon ni Chester lalo na't naka higa kaming parehas, kaya't para makaiwas sa disgrasya 'hahaha' ay tumalikwas agad ako sa pagkakahiga at nag aya nalang na lumabas ng kwarto.

"Tara na labas na tayo? Mag almusal na tayo!" Nag mamadaling aya ko na dito, pa'no ba naman nakahiga parin ito sa kama

"By the way, bat ba ang aga mo babe?" Pag-iba ko sa topic namin, baka kasi mag tampo pa siya

"Nandun na kasi sila mama sa bahay dumating sila kanina mga around six thirty siguro? Kaya't ayun may napag iwanan na ako ng bahay, andun din naman sila yaya, sinabihan ko rin naman sila na ipag luto nalang ng almusal sila Mama at Papa kapag nagising na" Mahabang paliwanag nito habang inaayos yung kumot na ginamit ko

"Hinahanap ka nga nila kagabi, akala siguro nila do'n ka natutulog" Nakangiting sabi nito.

Ang gwapo talaga ng boyfriend kong 'to, ang sarap kainin, charrr lang, hahaha.

"Tara kain na tayo?" Pag-aya na nito sa'kin sabay hila sa'kin palabas ng kwarto

"Ah andun na pala sila Tita!? Oh sige, pero wait lang maghihilamos muna ako" Sabi ko muna dito, sabay nauna na nga akong lumabas ng kwarto

Iniwan ko muna si Chester sa sala dahil maghihilamos nga ako.

After kong makapaghilamos ay nag almusal din naman agad kaming dalawa.

Bihira kaming mag almusal ni Chester ng magkasabay, kaya't everytime na pumupunta siya dito para mag almusal ay lagi naming sinusulit.

Few Minutes later...

"Ako na ang maghuhugas ng pinag kainan natin, gawin mo nalang kung ano pa ang mga gagawin mo, kasi pagkatapos natin dito pupunta muna tayo ng bahay" Sabi sa'kin ni Chester, habang nililigpit narin yung pinag kainan namin

Chester was really caring kaya't mahal na mahal ko siya. Don't worry Chester, hindi ko sasayangin ang pagmamahal na ibinibigay mo sa'kin.

Take me to Church Where stories live. Discover now