Chapter 7: My Bestfriend

170 116 16
                                    

'My Best friend'

ALEXA

Two days ng nandito sa Cavite si Nicole kung ano-ano na nga ang mga nagawa namin, well kahapon halos mag hapon kaming nasa pasyalan, tas kumain rin kami kung saan-saan, ang gastos nya ngang kasama, palibhasa mayaman naman kasi.

Dati kong kasama sa Orphanage si Nicole, may nag ampon sa kanya na naging dahilan para magkahiwalay kaming dalawa, mayaman yung naka ampon sakanya kaya't maganda ang life nya ngayun.

"Hoy, Alexa!" Nabigla ako, tinatawag na pala kasi ako ni Nicole, may iniisip lang kasi ako, kaya't lutang ang isip ko

"Ahh? Bakit? Ano?" Sunod sunod kung pautal-utal na tanong

"Bakit parang ang lalim yata ng iniisip mo? Ano bang iniisip mo? May problema ka ba!?" Tanong rin sakin ni Nicole

"Wala naman!?" Sagot ko naman dito habang patuloy lang ako sa pagsubo nitong kinakain ko

"Okay. By the way, pwede bang pumunta tayo bukas sa Orphanage? Sabado naman bukas diba? Bisitahin natin sila, miss ko na rin kasi sila Sister" Pag-iba ni Nicole sa usapan namin

Kitang-kita sa mukha ni Nicole ang excitement halos ilang taon narin kaming hindi nakaka dalaw sa orphanage.

"Ahh sige! Para iba naman ang magawa natin, lagi nalang tayong kumakain sa labas, ang dami nating nagagastos, pero baka mga 10 or 11 lang ng umaga tayo pumunta dun kasi baka 4 narin ako makauwi mamayang umaga" Walang alinlangang sagot ko dito habang nililigpit ko itong pinagkainan namin

"Okay lang yan! Kahit anong time pa nga, atleast maka bisita man lang ako doon sa orphanage bago paman ako umuwi!" Nakangiting sagot ni Nicole

"Parehas lang naman tayo hindi narin naman ako nakaka bisita sakanila! Ano kaya ang pwedeng ipasalubong sa kanila? Marami narin kasing mga bata dun" Sabi ko naman dito, sabay napa isip ako sa mga pwedeng dalhin pasalubong

"Bukas nalang natin yan isipin!" Tumayo ito sa pagkaka-up

"Ano kaya ang pwede nating gawin ngayon?" Natigil ito sa pagsasalita, may iniisip ata

"Ay alam ko na! Manood nalang kaya tayo ng Movie?" Sohestiyon nito bigla

Andaming gustong gawin ng babaeng 'to, well gusto ko rin naman 'to, kapag kasi umalis na siya, ma mimiss ko ang mga ganitong ginagawa namin.

"Well that's a good idea Nicole!" Pag sangayon ko dito

"Para naman mabawasan gastos natin" Natatawang sabi ko ulit dito, tumawa rin ito

"Ganyan talaga! Gusto ko kasing sulitin yung time na kasama kita, kasi soon mawawalan kanarin ng time sa'kin" Nakangiting sabi rin nito na para bang may ipinapahiwatig sa akin

"Ahh!? Ano!? Baliw ka talaga!" Takang tanong ko dito, ano kaya pinag sasabi nitong babaeng 'to

"Wala naman, hahaha" Bigla itong napaisip, sabay ako nitong yinakap

"By the way, panoorin nalang kaya natin yung movie nila Bea Alonzo at Paulo Avelino yung" Napa isip muna ito bago nag salitang muli

"KASAL! Oo yun yung title. Meron ako dito sa cellphone, iconnect nalang natin sa T.V." Sabi nito sabay labas ng cellphone niya

"Ahh sige, parang maganda?" Then binigay nya na sakin yung cellphone nya para ma iconnect ko sa T.V.

Ilang minuto din ang lumipas para lang ma iconnect ko yung cellphone ni Nicole, nang maayos na nga namin ay nagsimula narin kaming manood.

Interesado akong mapanood ito because of it's Title parang ang ganda lang at sana nga maganda?

Halos nakalahati na namin itong movie ng biglang mag salita si Nicole.

"Ang ganda diba?"

Tumango lang ako, hindi ko siya tiningnan sapagkat pinapanood ko talaga itong Movie, ang ganda talaga kasi nitong movie.

Nag salita ulit si Nicole.

"Hey!? Anong nangyari sayo!? Okay ka lang? Bakit ka umiiyak?" Takang tanong nito sakin

Hinawakan ko nga yung pisngi ko umiiyak nga ako, hindi ko man lang namalayan na umiiyak na pala ako.

"Ay sorry, ang ganda lang talaga kasi nitong movie" Sabi ko habang pinupunasan ko yung mga mata ko

Fell na feel ko lang talaga kasi yung sakit na nararamdaman nung karakter ni Bea Allonzo.

"Parang nararamdaman ko kasi yung sakit na nararamdaman ni Bea. Masakit talaga na malaman mo na niloloko ka pala ng kasintahan mo" Naluluhang sabi kong muli.

Nagtaka naman ako bigla sa sarili ko, bakit ba ako nakakaramdam ng ganito!?

Bakit natatakot ako na baka maranasan ko rin yung nangyari kay Bea?

"Well masakit talaga yan, base on my experience, minsan narin akong iniwan at niloko remember? at alam ko kung ano yung pakiramdam ng masaktan. Mahirap rin ang maka pag move on, ako nga diba kung naalala mo? Six months bago ako naka move on dun sa ex ko" Ramdam ko yung sakit sa bawat sinasabi ni Nicole, Alam ko rin naman kasi kung gaano niya kamahal yung Ex niya

Kaya't ako maswerte ako, kasi si Chester ang naging boyfriend ko, alam ko na hindi nya ako lolokohin.

Sana nga talaga!?

Ilang minuto pa ang lumipas ay natapos narin namin ni Nicole yung Movie.

"Ohh okay kana!? Affected na affected ka ahh!? Hahaha" Biglang biro sakin ni Nicole

Naiiyak parin kasi ako hanggang ngayon, hindi parin tumitigil ang pagtulo ng mga luha ng aking mga mata, natatawa na nga ako sa aking sarili, para akong tanga!

"Ahh alam ko na! Baka kasi siguro gusto mo naring ikasal!? Yieee!!" Biro ulit sakin ni Nicole

"Baliw! Hindi kaya! Maganda lang talaga yung Movie!" Sabi ko naman dito na natatawa narin

"Talaga lang!?" Sabi nanaman ni Nicole

"Hahaha!" Pikon na sabi ko dito, bully talaga 'tong kaibigan ko na 'to

"Maganda naman talaga yung movie  Bala ka dyan!" Sabi ko sabay tinalikuran ko na sya

Pagkatalikod ko ay pumunta muna ako ng kusina para uminom ng tubig, mukang na ubos ata lahat ng tubig ng katawan ko.

Sa totoo lang iba talaga ang iniisip ko kanina bago kami manood, masaya ang mga bagay na iniisip ko, mga masasayang memories namin ni Nicole, pero biglang nagbago ang mga nasa isip ko simula noong maalala ko si Chester, simula kasi nung matapos yung birthday niya ay hindi ko na sya nakikita,pero kahit papaano naman ay may mga text naman sya sakin.

Tapos nung nananood naman kami kanina nung Movie ay may mga tanong na nabuo sa'king isipan tanong na nag pa kaba sa'kin.

What if lokohin din ako ni Chester?

What if may nililihim sya sakin?

Sana naman hindi! Sana naman wala.

May tiwala ako sakanya pero diko alam kung bakit parang nagdududa ako sa kanya, hmmm! Siguro hindi niya naman yun gagawin sakin. Siguro hindi naman yata ako lolokohin ni Chester!

Sa isip-isip ko.


Matapos kung uminom ng tubig ay bumalik na ako agad sa sala, inabutan kong busy si Nicole sa pag cecellphone kaya't di ko nalang rin ito dinisturbo.

Tumungo nalang ako sa kwarto para makapag pahinga narin, may trabaho pa kasi ako mamayang gabi, ayokong mapuyat ako, tapos pupunta pa kami ni Nicole sa orphanage bukas.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Take me to Church Where stories live. Discover now