Chapter 04: Surprise

202 123 27
                                    

'Surprise'

ALEXA

Nagising nanaman ako ng isang malakas na ingay.

Oh My God! Ayy alarm clock ko lang pala (hahaha), kahit inaantok pa 'ko  ay bumangon na agad ako sa kama.

Kinuha ko agad ang cellphone ko para sana patayin yung alarm na hindi parin tumitigil sa pag tunog nang mapansin ko na katabi rin nito ang cellphone ni Chester at naka bukas pa ito, hindi ako nag dalawang isip na kunin ito sapagkat nais ko sana itong patayin sayang naman kasi yung charge, mahal ang kuryente ngayon.

Nung makuha ko na yung cellphone niya ay nakita ko nga na may ipi-play ditong video na mukang si Chester ata ang may gawa, hindi na nga ako nag dalawang isip pa na iplay ito.

Halos dalawang minuto rin yung tagal nung video.

Matapos kong panuorin yung video ay pansin kung naluha ako, hindi ko rin talaga kasi akalain na magagawa niya yung ganung klase ng surprise.

"Ginawa nya talaga yun? Ganung oras mismo?" Sa isip-isip ko, habang pinupunas yung luha ko sa pisngi

Hihiga pa sana ako kanina pero dahil sa videong ginawa ni Chester ay tuluyan na tuloy akong nagising.

"Saan na kaya yung lalaking yun?" Tanong ko sa aking sarili. Nilibot ng mga mata ko ang bawat sulok ng kwarto ngunit wala ata dito si Chester

Naalala ko na mag sisimba pala kami ngayong umaga, kaya't kahit hindi pa ako nakaka almusal ay naligo na agad ako, may bathroom naman kasi dito sa kwarto ni Chester.

Pagkatapos kung maligo ay kumuha agad ako ng masusuot na damit, at ito nga ang napili ko.

Blue Dress na may mga heart shapes na nakapalibot dito at naka flat shoes lang ako.

Tiningnan ko agad ang aking sarili sa salamin.

"Maganda naman" Sa isip-isip ko

After kung masuot yung damit at flat shoes ko ay nag ayos naman ako ng aking pagmumukha "Ang kapal na kasi" (haha)

Ba baba na sana ako para hanapin si Chester nang biglang nag salita si Joanna na nasaharap kuna pala.

"Ate Jane!" Pag tawag nito sakin

"Ayy wow ang ganda naman ng suot mo ate, you look so beautiful in that dress Ate Alexa" Naka ngiting puri nito sakin, habang hinahawak pa itong damit

"Thanks" Sabi ko naman dito habang sinusuklay ko 'tong Buhok ko

"By the way, bumaba kana daw po sabi ni kuya mag aalmusal na po kasi kayo" Sabi nitong muli 

"Ahh sige, Sabay na tayo!" Pag aya ko naman dito, sabay binaba ko na yung suklay na ginagamit ko

"Ang Ganda mo po talaga ate. Sana all. Napanood mo na po ba yung video? It was my Idea" Sabi ulit nito, ang daldal talaga ng batang 'to, but she's cute naman, kaya't walang problema tapos mabait naman siya sakin, gustong-gusto niya ako para kay kuya niya

"Ahh ganun ba?" Nakangiting sabi ko dito. Nabigla rin naman ako sa sinabi niya, kaya pala, wala naman kasing ka alam-alam si Chester sa mga ganung klase ng surprise

"Maganda yung video. Muntik na nga akong maiyak" Biro ko dito, dahilan upang parehas kaming tumawa

"Tara na!? Baba na tayo!" Pag aya ko na kay Joanna

Pagkarating nga namin sa baba ay naka handa na ang lahat ng pagkain, at nakita ko narin na naka-upo na sila tita at tito sa hapag kainan, naka bihis narin sila ng pang simba. Hinanap agad ng mga mata ko si Chester at napansin ko nga wala sya, saan kaya yun?

Kaya't tinanong ko tuloy si Joanna, busy kasi sila tita sa pagkain, nakakahiya namang tanungin ko sila habang nag aalmusal.

"Joanna nasaan ang kuya mo?" Tanong ko dito, sabay linibot kong muli ang paningin ko sa paligid

"Yieee!! Namiss agad ni ate Alexa!" Biro naman nito sakin

"Joke lang hahaha, naliligo pa po si kuya" Sabi ulit nito sabay nag Peace sign pa

Nakakatuwa talaga ang batang 'to.

"Ahh ganun ba? Sige tuloy. Tara kain na tuloy tayo?" Pag aya ko na dito, gutom narin naman kasi ako

Habang kumakain kami ay nakita kong lumabas na ng bathroom si Chester at naka shorts lang ito, "OMG ang hot nya talaga" (sa isip ko lang naman yan).

Kahit sino naman ay kikiligin sa four pack abs niya four lang kulang pa ng dalawa para maging six, at yung muscle niya, Oh My God ang sarap naman, hala ang bastos na ng isip ko, ano bayan brain wag kang ganyan, ang bastos mo.

Kaya't kinurot ko yung tenga ko para magising-gising ako, iba na kasi ang mga iniisip ko grabe na kasi yung mga imahinasyon ko.

Maya't mayapa ay pina dali-dali na siya ni tita na mag ayos na ng sarili, kasi nga mag sisimba pa kami, baka raw kasi mahuli kami sa Misa.

Sakto naman ba pagkatapos naming kumain ay tapos narin si Chester na mag-ayos, naka suot narin ito ng maayos na damit.

Umalis nadin kami agad, sa isang kotse lang kami sumakay, medyo malayo-layo rin naman ang simbahan dito.

"Hey! Good Morning" Bati sakin ni Chester, hindi ko kasi siya iniintindi simula nung sumakay kami dito sa kotse, akala ko kasi hindi man lang sya mag gogood morning o babati sa akin

"Good morning rin!" Then i kissed her in lips, smacked lang naman, this is the first time na kiniss ko siya sa lips kadalasan kasi sa chicks or noo lang

Then after ko syang ikiss, I smile and  say "I LOVE YOU"

"I love you too! Happy Anniversary! napanood mo?" Tanong nito sakin, habang yakap niya ako.

Palibhasa bago syang ligo, ang warm nya at ang bango-bango pa.

"Oo! Thanks, Happy anniversary rin" Sabi ko naman sabay yinakap ko rin siya

"Dito na tayo!" Rinig kong sabi ni tita, kaya't naputol na ang pag-uusap naming dalawa ni Chester

Hindi rin pala namin kasama si Joanna busy daw, kasi may gagawin daw siya ngayon hindi narin siya pinilit nila tita na sumama.

Bumaba narin kami ng sasakyan at pumasok na nga ng simbahan.

Halos isang oras din yung itinagal ng misa, kaya't halos mag aalas otso na ng makalabas kami ng simbahan.

Matapos ang misa ay umuwi rin kami agad, sapagkat sa bahay nga kami mag si celebrate ng anniversary namin ni Chester.

Mukang kakain lang naman kami d'un, pero kung may surprise man sakin ulit si Chester ay hindi na ako masyadong mabibigla, he always surprise me.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Take me to Church Where stories live. Discover now